Chapter Nine.2 - Fragile

391 11 20
                                    

Pribadong kabanata muli ito. Hehe. Ang shellfish ko ba? Mehehe.

I dedicate this chapter kay @AinaValdez na kinikilig pareho kay Jaden at Brandon. Salamat sa pagbabasa! >:D<

May three loveteams na pala: ShaDen, ShaVin at ShaDon. Mwahaha! Saan kayo? Comment nyo please! Para alam ko kung bibigyan ko ba ng 'kilig moments' lahat ng love teams. :))

Jaden's POV

"Ahhhh! Please wag na po!!! Bitiwan nyo na po ako!! Aahhh! Pakawalan nyo din po ate ko!!! Waaaahhhh! Aaaraaaay! Huhuhuhu! Aaahhh.. Aray! Aaaaah!"

Nananaginip ata si Isha, pawis na pawis sya tapos umiiyak. Teka, umiiyak sya?

"Huhuhu! Ateeee! Ateeeeee! Gumising ka! Huhuhuhu! Kayo! Bakit nyo pinatay ate ko!!! Aaah aray! Wag nyo kong saktan! Aaaah! Wag nyo kong saksakin! Aaaaahhhh!"

Mukhang binabangungot na ata to. Magising na nga.

"Isha! Isha gising!"

Niyuyugyog ko sya pero wala, nagsasalita pa din sya. Umiiyak pa din sya. Takot na takot pa din sya. Kumuha ako ng isang basong malamig na tubig sa ref saka ko binuhos sa mukha nya.

Mga ilang segundo lang, bigla syang bumangon. Hay salamat, nagising din.

Pero kita sa mga mata nya ang takot. Grabe sigurong panaginip nito.

"Isha, binabangungot ka."

Hinihingal na bumangon si Isha, nakatingin lang sa malayo, saka nya biglang niyakap ang mga tuhod nya saka sya humagulgol.

Di na lang ako nagsalita, kinomfort ko nalang sya sa pamamagitan ng paghimas ng likod nya, pero ayaw nyang magpahawak, pilit nyang inaalis kamay ko.

"Wag mo kong hawakan! Leave me alone!!!!"

Wala na kong nagawa kundi lumabas nalang ng kwarto, nagyosi nalang muna ko sa terrace, well, morning routine e. Parang nakakagulat na isang babaeng ubod nang siga at tapang e iiyak ng ganun? Parang ang ironic lang. Siguro sobrang sama lang talaga ng panaginip nya. Nabanggit pa nga nya ate nya na pinatay daw. Well, masama nga sigurong panaginip yun.

May nagdoorbell sa kwarto namin, siguro breakfast to. Ako na ang nagbukas nga pinto at breakfast nga.

"Sir, mukhang sa inyo po ata tong cardigan."

"Ah yeah sa girlfriend ko yan. Thanks."

At sinarado ko na yung pinto dahil nagsisimula nang magpacute yung staff na yun.

"Isha, eto na yung breakfast oh. Tara kain na tayo."

Tinawag ko sya habang inaayos yung mga food sa dining table. Pero tahimik nalang sya ngayon, tumigil na sya sa pag-iyak.

"Isha, tara na. Kahapon halos wala ka pang nakakakain.."

Ngayon pinuntahan ko na sya sa kama para akayin.

"Wag mo kong hawakan sabi e!"

Hinawi na naman nya ng malakas yung mga kamay ko. Grabe naman managinip to, hanggang pag-gising dinadala.

Di ko nalang sya pinilit, baka mamaya mabato pa ko nito sa Taal dahil sa galit. Nauna nalang akong kumain sa kanya, pagkatapos non naligo na ko. Ganun pa din posisyon nya. Hindi pa din sya gumagalaw. Grabe parang sloth lang.

Habang nasa banyo ako, may nagdoorbell na naman.

"Isha, pakibuksan mo yung pinto. Naliligo ako e!"

"Ayoko!"

Ay! Ang stubborn talaga ng babaeng to! No choice kundi ako ang magbukas. Nagtapis nalang ako ng towel sa lower body ko so nakatopless ako syempre.

Pag labas ko ng banyo, nakita kong dala-dala ni Isha yung tray kung saan nakalagay yung breakfast. Nagkatinginan kami at..

My Little Miss Bossy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon