Chapter Thirteen.1 - Raid

510 14 9
                                    

Vote and comment kung gusto n'yo pang humaba buhay n'yo. :))

Jaden's Mind

Gavin's Condominium, Libis, Quezon City

Almost 11pm na kami dumating sa condo ni Gavin, medyo late na nga para sa dinner kaso late na din natapos yung concert. Kung tutuusin shortened na nga yung concert kase daw yung drummer may hinahabol na flight to US, manganganak na daw kase yung asawa.

Wala pa nga si Isha hanggang ngayon, sabe ni Gavin susunod naman daw, may aasikasuhin lang daw sandali. Iniwanan nalang din daw n'ya para maaccommodate na din daw kami.

"Sorry, ngayon ko lang kase niluto yung pasta e. Guys tara kain na tayo!" Nagluto si Aleah ng Chicken Alfredo, tapos nag-takeout lang ata si Gavin ng chicken wings sa B&T Mexican Kitchen, two boxes ng Grand Slam pizza from Shakey's saka three baskets of Chik 'n Chips. Hindi ko din alam kung bakit may padinner si Gavin, pinasama lang ako e. Saka kailangan ko na talaga makausap si Isha.

"E ano ba talaga meron at may padinner ka pang gunggong ka?" Habang papunta kami sa dining table, si Charles ata yung nagsalita.

"Wala lang, masama? Bagong sweldo e." Sabay bukas n'ya ng bote ng Coke.

"Huuuu! Sabihin mo na kase pre!" Sabi naman nung Dave ata yon.

"Oo nga Gav, ano bang meron?" Sabi naman nung chicks este si Natalie ata.

"Mamaya na. Pagdating ni Isha."

Naupo na kaming lahat sa dining table, kumain, kaso ako ngang di ko naman sila medyo kilala syempre nahihiya akong kumain. Tumabi sa'kin si Aleah.

"Hi Jaden, okay lang tumabi sa'yo?" With some pacute tono.

"Oo naman. Nga pala about dun sa nangyari sa bar--"

"Hush. Okay na yun no! Masaya nga kong naging kayo ni Isha e. At least, na conquer n'ya na yung fear n'ya." Then she sipped some coke from her cup.

"Na-conquer na n'ya yung fear n'ya?" Pa'nong fear? Kagulo talaga ng pinasok kong kalokohan!

*door bell*

"Sige, ako na magbubukas si Isha naman siguro yan." Nagprisinta na ko para din makausap ko na s'ya kaagad.

Binuksan ko yung pinto pero lumabas din ako. Di ko s'ya pinapasok dahil kailangan naming mag-usap.

"Oh, anong problema? Tabe! Nagugutom na ko!"

"Isha, we need to talk. 2 weeks na kitang kinocontact, lagi mong dinedecline calls ko. After work, nagpupunta ko lagi sa apartment ko wala ka lagi. Sa school pinupuntahan din kita, madalas ka daw absent. Ano bang nangyayare?"

"E ano din ba nangyayare sayo? Pake mo ba? Buhay ko to. Asikasuhin mo buhay mo, di yung nangkakakalkal ka ng may buhay ng may buhay." Eto na naman po s'ya. Napaka-insensitive! Wala pa talaga tong pakielam sa nararamdaman ng iba?

"Of course! Girlfr--"

"Contractual, fake, kunwa-kunwariang girlfriend lang. e bat kailangang ganyan ka umasta?!"

"Wala ka na dun! About nga pala sa copy ng contract mo, alam mo bang na kay--"

"Sinoli n'ya na sa'kin."

Ano? Sinoli n'ya?

"Sinoli? Kailan?"

"Kinabukasan nung araw na ninakaw n'ya. Pinadala n'ya sa'kin, LBC pa nga e. O ano? Okay na? Pwede na kong pumasok?"

Nilampasan lang ako ni Isha, pumasok na s'ya sa condo. Grabe talaga yung babaeng yun! Anong klaseng pagpapalaki ba ginawa ng magulang non? Asal sanggano e.

My Little Miss Bossy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon