Chapter Twelve.2 - Papers

592 15 8
                                    

Ang sipag ko magupdate. Hahaha. E kase ang ikli lang ng update ko kahapon, baka nabitin kayo (ako kase nabitin). Napanaginipan ko pala si Brandon me loves <3 *share*

Alam nyo ba, may ginawa akong kaungasan dito sa story ko. Ambobo ko lang pangako. -_- Pero salamat kya MK, dahil chinat nya ko at she cheered me up. Same thing as Sishi.. :D

Para lalo akong macheer-up, please promote my story. I've lost 400 reads. </3

Tapos comment and vote kayo please. HUHU.

Isha's Mind

Anong?! Bakit ganito itsura ng apartment ko?! Takte, hinalughog! Ang gulo! Nakakalat lahat ng mga gamit ko. Napasukan pa ata ako ng mga adik ah. Bumaba ako at kinatok si mang Esting para tanungin yung kabalbalan na nangyare. Syempre makikita naman nya kapag may ibang taong aakyat sa apartment ko diba. May pagkahunghang at kalahati din yung tanda na yun e, sana sumagot ng maayos.

"Mang Esting! Mang Esting!" Magkabastusan na ng tulog pero nabastos ang apartment ko e.

"Anak ng, Isha dis-oras ng gabi ah. Ano bang kailangan mo?"

"Kailangan ko ng paliwanag. Bakit napasukan yung apartment ko?!" Lahat ng susi na sa akin naman. At alam kong may duplicate si Mang Esting kaya s'ya dapat talaga magpaliwanag nito.

"Aba anong malay ko. Tinignan mo ba muna kung may nawala? Kapag may nawala saka ka magwala. Storbo." At pinagsaraduhan ako ng pinto ng walla. Bwisit talagang tanda yun, palibhasa iniwan kase ng asawa kaya ganun kasungit.

Ichecheck ko nga kung may nawala sa apartment ko.

Computer: check.

TV: check.

Prijider: check.

Dibidi player: check.

Electric fan: check.

Vault: check. Teka.. Parang nagalaw?!

Binuksan ko ang vault ko at walang laman!!!!!!!!!!!! Andun lahat ng mga importanteng papeles ko tungkol sa pagkatao ko at andun din yung mga plano ko. Sinong kumuha nito?! May nakita akong sulat. Hindi handwritten, printed.

You will know me soon.

Walang nakalagay kung kanino galing. Grabe anong trip nito?! Kung ang pakay n'ya lang e yung mga papeles ko, bakit kailangan pa n'yang guluhin ng ganito apartment ko. Makapangasar lang?

Yun oh, kung kelang magsisimula na kong magligpit saka may tatawag. Teka, sino ba to? Private number? Psh. Kinansel ko nalang baka nagkamali lang yun kaso makalipas lang ng 15 nanoseconds tumawag na naman. Nak ng, masagot na nga ng matapos.

"Anong gusto mong mangyare?" Ito ang dapat na pambungad sa mga taong walang magawa sa buhay at bigla-biglang tatawag sa dis oras ng gabi.

"Hello, Isha. How are you?" Sino ba to? At di ko kilala boses n'ya. Pero boses babae na parang bakla na may pagkapalaka. Basta panget ng boses.

"Oy, sino ka ba?"

"Hindi na importante kung sino ako."

"Ano to teleserye? Pagbabantaan mo ko? Takte, wala akong matandaan na inahas na lalake." Bwisit lang, baka wrong number lang to. Pero di e, binanggit pangalan ko.

"Hahaha! Are you sure na hindi ka nangaagaw ng lalake?"

"Alam mo dami mong kangkang. Ano bang pakay mo at tumawag ka ha?" Takte nababanas na ko sa mga pinagsasabe nito.

"I just want to ask if you lost something."

"Anak ng turon, ikaw may pakana ng paghalughog ng apartment ko! Hoy takte, sino ka ba talaga? Humanda ka sa'kin!"

My Little Miss Bossy (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon