5. Planning STRATAGEMS with E'X'TRA KILLINGs
TREVOR'S POV
Hindi pa nga nadadala sa huling-hantungan si Harold ay may sumunod na agad? Ambilis naman ata nun? Kahit na matapang ako, parang natitiklop ako pag kamatayan na ang usapan. Hindi pa ako handa! Pero kung isa lang dapat ang matira, at kami na lamang ni Demi 'yun, magsasakripisyo na lamang ako para mabuhay sya. Mahal na mahal ko talaga sya.
Kami na lamang tatlo, kung kasama man si-- sino ba 'yun? Lorena? Lorgie? Ayun, Louise. Saka 'yung isa pa. Ah basta, kung sino man siya. Kung kasama man sila, pero malabo. Bakit naman sya mapapasama? E wala naman ata silang kinalaman dito.
Isa pang malaking tanong sa akin ay kung bakit nya kami isa-isang pinapatay? Anong motibo nya? Anong kasalanan namin sa kanya? Related ba ito sa aksidenteng nagawa namin?
Pero bakit? Matagal na 'yun. Kami nga, naka-moved on na. Tapos, heto na naman? Nakakainis!
Tapos, ako na pala ang susunod? Di man lang ako handa? Mamatay na pala ako, wala man lang akong kaalam-alam.
Bumalik ako sa realidad ng biglang nagsalita si Demi. Nandito kami ngayon, nag-uusap o sabihin na nating naghahanda. Naghahanda, kung sakaling patayin na kami ay makakalaban na kami sa kanya.
"Guys, makinig kayo. Buhay nating tatlo ang nakataya dito. Matagal na kong kinukutuban tungkol doon sa nakaraan natin. Kahit na apat na taon na ang nakalipas ay pagbabayaran pa rin natin lahat ng kasalanan natin. May mga sulat nga pala akong nakukuha mula sa killer. Maliit na sulat lamang ito, pero parang may kung anong nais ipahiwatig." Sabi ni Demi sabay pakita sa amin ng mga sulat. "Bilang accountancy student and logic major, medyo nagegets ko na ang nais ipahiwatig ng mga letters. Lima tayo, dalawang letters na ang narereveal. D at E. So tatlong letters na lang. Eh ano 'yung mga 'yun? At isa pang tanong, eh ano namang nais iparating ng mga letters na 'yun?"
"Siguro, iyon ang reward natin?" sagot ko na medyo patanong. Hindi kasi ako sigurado.
"Hindi. Simple lang. Iyan ang kahahantungan natin. Hindi naman siguro sya maglalagay ng letters sa mga sulat nya kung wala lang diba?" Sagot naman ni Aldrin. Kahit kailan, napakatalino talaga nya.
"Eh ano 'yun? Anong meaning nun?" Tanong ko ulit.
Napalundag kami sa gulat ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Demi. Dito kasi kami nagmimeeting.
"Ayy. Sorry sa pang-aabala. Kukunin ko lang sana ito." Sabi ni Louise sabay kuha ng salamin sa mata na nasa may mesa sa gilid ng kama ni Demi. Nakasilip naman sa pinto si Grace, yung isa pa nilang kaboardmate. "Ahehehe. Sorry sa abala. Pinapakuha kasi ni Grace e. Tara na!" Dagdag nya pa sabay kaladkad sa kaboardmate.
Agad nyang isinara ang pinto at naghari ang katahimikan sa loob ng kwarto.
"Kung bumalik kaya tayo ng Quezon?" suhestiyon ni Aldrin. Agad namang tumindig ang balahibo ko sa narinig ko mula sa kanya.
"B-bakit? A-anong gagawin natin dun?"
"Edi maghahanap tayo ng ebidensya kung sino ba ang pumapatay, at baka sa pagkakataong iyon ay mapakiusapan pa natin siya na pigilan ang kasamaan nya. Nahihinuha ko kasing kadugtong ito nung aksidenteng nangyari sa atin dati. So para malaman na natin ang lahat, kailangan nating bumalik sa umpisa." --Aldrin
Nakita ko naman na tumango si Demi. So wala na akong magagawa, majority na ang pagbalik sa Quezon. Hindi ko na magagawa pang umayaw dahil pabor si Demi sa desisyong iyon. Isa lang ang naiisip kong gawin kung sakali, ang protektahan ang babaeng pinakamamahal ko noon pa.
Ang ikinatatakot ko lang ay kung paano 'pag nalaman niya ang inililihim namin? Magagalit kaya siya sa akin?
***
DEMI'S POV
Hindi talaga ako binigo ni Aldrin. Napaka-open minded parin talaga nya pagdating sa mga hiwaga at misteryo. Kailangan talaga namin siya sa mga ganito. Wag lang sana siyang sumunod sa pila ng mga mamatay. Wala sana samin ang sumunod.
Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko at pilit pinagkakasya sa may kaliitan kong bag. Hindi naman siguro halata na masyado akong nagmamadali. Well, ganun na nga. Ayoko ng may sumunod pa. Gusto ko ng matapos ito.
Pero mali pala ang hinuha ko. Ay mali, may point din pala ang killer. Iba nga lang ang mindset nya. Kung ako'y gusto ko ng tapusin ang bangungot na 'to, siya nama'y gusto ng tapusin.....tapusin kaming lahat. Dahil nasa kwarto ako, which is hiwalay pa sa maliit na sala at kusina, may pintuan pang humaharang mula sa dalawang bahaging iyon. Laking gulat ko ng makita ko ang dalawa kong kaboardmate. Naliligo sila sa kanilang mga dugo. Hindi ko na naman napigilan ang luha ko. Kahit sa maikling panahon ng pagsasama namin ay naging parte na rin sila ng buhay ko.
Mabigat ang mga yabag ko habang naglalakad palapit sa kanila. Masakit man sa loob ko ay nagawa ko paring tignan ang sitwasyon nila. Si Louise, nakasalampak sa one-seater sofa chair, laslas ang pulso at purong dugo ang mga damit. May trace din ng dugo na nagmumula sa ulo niya, at katabi nya sa may gilid ang shattered fragments ng isang bote. Nakapikit ito at parang taimtim pang nagdasal dahil payapa ang mukha nito. Siguro'y kung ako ang nasa katayuan ng killer ay makokonsensya naman ako sa ginawang pagpatay sa dalagang ito. Si Grace naman, nakahiga sa sahig at dilat ang mga mata. Nakanganga pa ito at mahihinuha mong parang hirap siya sa paghinga. Wakwak ang leeg nito at nakakadiri mang tingnan ay halos makita ko na ang lalaugan at buto nito doon. Nakasiksik din sa wakwak nyang leeg ang isang sulat--puting sulat na nabahidan ng pula. Sulat na paniguradong galing na naman sa bwisit na killer na 'yan.
X for Xtra (noun; more than is due, usual or necessary; additional character to a scene that gives worthless acts)
'Don't mind the typo. *laughs* Maipilit ko lang ang isang bagay. Anyways, nasurpresa ka ba sa ginawa ko? Hangga't nabubuhay pa kayo, madadamay at madadamay ang taong nakapaligid sa inyo. Just a friendly reminder, I'm fast approaching. Wag papetiks-petiks. Baka mamaya, magulat ka na lang. PATAY KA NA PALA!'
'P.S. Don't look at this paper as if it's that important. Extra lang 'to, halata naman diba? xoxo'
Nanginginig kong inilapag ang papel sa may table. Tsk! Dapat ay may nafoformulate na akong killer ngayon. Hindi ba't mas madaling mahulaan kung paonti na ng paonti ang mga suspecious people sa paligid namin. Pero hindi e, ayaw gumana ng utak ko kahit anong gawin ko.
Kung hindi ko kaya ng mag-isa, kailangan ko ng tulong nung dalawa---nina Trevor at Aldrin. Think positive, we could make through this sh*t.
***
Papunta na kaming Quezon. Sa Atimonan to be specific, at sakay kami ng kotse ni Trevor. Obviously, si Trevor ang driver, ako naman sa passenger seat at si Aldrin sa likod. After all, masasabi kong hindi ko sila masyadong pinagkakatiwalaan. 50% Trust, 50% Doubt. Iyan ang nararamdaman ko sa dalawa. Hindi ako sigurado kung isa ba sa kanila ang killer, pero to make sure, I need to make myself stand on the safer ground. Inilihim ko rin muna na namatay ang dalawa kong kasama sa dorm. Less talk, less comprehension.
Ilang oras din ang byahe, at ipinagpahinga muna namin ang aming isip at diwa. Kahit sa maikling idlip ay nakalimutan ko lahat ng worries and shames na kasalukuyan kong dinaramdam. Pretty please, sana matapos na 'to.
BINABASA MO ANG
D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | 5 friends. 5 letters. 5 mysteries ready to be revealed. What role would these letters play in each lives? Is it somehow related to their past? Who's the one behind this? Is it about her? Is it about the incident 4 years ago? So many qu...