6. Going Back from WHERE IT HAD STARTED
ALDRIN'S POV
"Hindi naman siguro nila tayo makikilala. At kahit naman makilala nila tayo ay hindi naman nila alam ang kasalanang nagawa natin. So act like a normal tourist, at magiging safe tayo. Okay?" Payo ko sa kanila. They just nod, showing their agreement.
"Uhm, sir. Isang kwarto na lang po ang available. Ang dami po kasing nagcheck-in ngayon." Sabi nung babae na siyang tumatanggap ng mga magchecheck-in sa Barammeda's Inn. Isa na lang. Pwede na siguro 'yun.
"Ah, sige. We'll take that." Nagtatakang tumingin sakin ang mga kasama ko.
"But that room has only one bed, one restr---" I cut her off.
"That's fine." Tumingin ako sa dalawang kasama ko. "Kaya naman naming pagsiksikan ang sarili namin dun." Nginitian ko pa siya ng pagkatamis-tamis saka kinuha ang susi kasabay ng pag-abot ko ng bayad.
Habang pataas kami ng kwarto...
"Are you nuts? Kasya ba tayo dun? Hello? Hindi ko maaatim na matulog sa sahig." Reklamo ni Demi.
"Hindi naman tayo nagcheck-in dito para lahat tayo makagamit. Ito lang ang gagamitin nating safe haven sa taong makakasurvive sa buong pagstay natin dito. Hindi naman tayo sigurado kung lahat tayo ay mabubuhay pa pagkatapos nito. Hindi nyo ba nisip yun? Baka nga wala sa'tin ang mabuhay e." Binuksan ko na ang room na.inokupahan namin, leaving the two shocked with their mouths wide open. *sigh*
***
KILLER'S POV
Ang lakas ng loob nilang bumalik sa Quezon ah? Hindi na sila nadala! Edi ayos, mapapadali na sa akin ang pang-aambush ko sa tatlong 'yun.
I'm leaving such clues sa mga mini letters na iniiwan ko sa crime scenes. Napakahihina naman nila para hindi agad magets ang nais kong ipahiwatig. Napakareckless pa nila, at nagawa pang bumalik sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Mga tanga!
Pero bago ako umalis, tinapos ko muna ang mga buhay nung mga taong malalapit sa kanila. Mapaboardmate man 'yan, malapit na kaibigan o sa kung sino pamang nakikiusyoso sa kasalanan nila. Naniniguro lang. Baka maisumbong pa ako at mabulilyaso pa ang plano ko. Bwisit sila. Sinasabi ko na nga ba't may alam na sila sa mga nangyayari. Ayan! Paepal kasi kayo, imbis na hahaba pa buhay nyo, ayun nadamay pa.
Susundan ko sila. Susundan ko sila, hangga't unti-unti silang maubos. May inihanda na akong pasabog sa muli kong pagbalik sa kinagisnan kong probinsya.
***
DEMI'S POV
Dito 'yun! Dito mismo nangyari ang lahat. Dito nangyari ang kababalaghan. Dito nagsimula. Dito rin ba magtatapos?
"San ba nakalagak ang bangkay ng letseng babaeng iyon? Ang alam ko kasi, somewhere dito." I blurted in a disgust tone. Tss. Why do we end up in this total mess? And besides, hindi ko na kasi talaga matandaan kung saan iyon nakapwesto. Basta ang alam ko, it'd been left in here. I trust my senses. Under this Sampaloc tree. Dito mismo!
Ang kalsada kasing ito ay nasa may bandang gubat na bahagi. Hindi sementado ang daan kaya lubak-lubak ito at hindi napasemento ng gobyerno dahil nasa liblib ito. Walang mga poste ng ilaw, kaya pag naabutan ka ng dilim dito ay patay ka. Kaya bibihira na lang talaga ang mga sasakyan na nadaan dito. Baka nga wala na e. May baryo sa di kalayuan, ilang metro mula dito.
Hinukay namin ng hinukay ang pwestong iyon ngunit kahit gaano na kalalim ang hukay namin ay wala pa din kaming nakitang bangkay. Nasaan 'yun?
*woooosh*
Naalarma kaming tatlo ng makarinig kami ng mahinang kaluskos. Galing iyon sa likod namin. Sa bandang mga talahib. Nung una ay naghesitate pa kami pero hindi kalaunan ay lumapit kami.
Dahan-dahan kaming lumapit. Huli na naming nalaman na isa pala iyong patibong. May crossbow na nakatapat sa amin. At huli na para makailag. Ako ang natamaan at sa braso ito tumama. Napasigaw ako sa nangyari.
Agad akong nilapitan nila Aldrin at Trevor para tulungang alisin ang pana. Akala ko'y ganun lang. Pero may lason pala ang pana.
BINABASA MO ANG
D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | 5 friends. 5 letters. 5 mysteries ready to be revealed. What role would these letters play in each lives? Is it somehow related to their past? Who's the one behind this? Is it about her? Is it about the incident 4 years ago? So many qu...