9. TRUTH BE TOLD
LOUISE'S POV
Antagal kong naghintay! Antagal bago namin makuha ang katarungang apat na taon ding nakabitin. At sa araw na ito, makakamit ko na ito.
Kanina pa ako halakhak ng halakhak. Tawagin nyo na akong baliw, ganun talaga e. Dala na rin siguro ng depresyon ito.
Dalawa na lamang sila. Dalawa na lang ang natitira. Dalawa na lang ang papatayin.
Nagtataka siguro kayo kung bakit gustong-gusto kong tapusin ang mga buhay ng magkakaibigan ano?
F L A S H B A C K
I was once a childish girl who lived in a mansion. Hindi naman talaga dapat ako nakatira sa mansion na yun. Sa lungga ng mga Gomez. Dapat talaga ay isa lamang akong ordinaryong bata sa baryo namin. Inampon lang ako ng mayor, dahil bunga ako ng kanyang pagtataksil sa asawa nya. Nagkagusto kasi ang tatay ko (mayor) sa tunay na nanay ko na hamak na fish vendor lamang sa palengke ng baryo namin. Maganda kasi si nanay kahit na mahirap lamang siya. Kaya ayun, pati ang mayor ay nagkagusto sa kanya. At ako ang naging bunga nun. Ang masakit nga lamang ay namatay si nanay pagkapanganak nya sa akin. So, inampon na lamang ako ng mayor kahit labag sa kalooban ng tunay nyang asawa. Sa buo kong pagtira doon ay lagi akong pinagbubuhatan ng kamay ng stepmom ko. Na kesyo maging katulong na lang daw ako kesa sa maging anak nila. Pero tiniis ko na lamang iyon dahil kahit papaano ay mahal ko din siya.
Pero hindi doon nakatuon ang kwento. Tungkol ito sa tunay at nag-iisang anak ng mayor at ng asawa nito, si Jessica. Labing-anim na taon na siya. Isang mahinhin, maganda, palakaibigan at napakabait na dalaga. Siya ang nag-iisa kong sandigan tuwing pinagbubuhatan ako ng kamay ng aking stepmom. Hindi nya ipinakita at ipinaramdam sa akin na isa akong ampon, bagkus ay itinuring nya akong isang tunay na kapatid. Mahal na mahal ko si Ate Jessica. Iniidolo ko siya. Maraming nanliligaw sa kanya, pero hindi tulad ng ibang magagandang babae na iniisnob lamang ang mga ito, siya ay nakikipagkwentuhan pa sa mga ito. Ngunit ang pagiging sobrang mabait nya pala ang magdadala sa kanya sa KAMATAYAN..
Lagi kong sinusundan si Ate Jess dahil iniidolo ko siya, higit pa sa mga artista sa mga telebisyon. Hindi nya naman ako napapansin dahil magaling akong magtago.
Oktubre 27. Tandang-tanda ko pa ang araw kung kailan dumating ang mga magkakaibigan buhat ng Maynila. Dito nila napiling magbakasyon. Maganda kasing bakasyunan ang Baryo Caridad dahil bukod sa tahimik na kapaligiran at preskong hangin, may dagat at ilog din dito. Narinig kong 'sem-break' daw nila kaya wala silang pasok ng isang linggo. Isang linggo silang mamamalagi dito? Nakaramdam ako ng pangingilabot. Bakit ako kinilabutan?
Tumira sila sa isang maliit na bahay. Presko naman dito sa baryo namin kahit walang bentilador o kung ano pa man. Wala kasing mga lamok dito dahil sadyang malinis ang baryo.
Dalawang babae at Tatlong lalaki. Bale lima sila. Mukha naman silang mababait. Mukha silang hindi makabasag pinggan. Pero sa mukha lang pala yun. Nasa loob pala ang kulo ng mga ito.
Isang araw ay nakasalubong ng dalawang lalaki si Ate Jess. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang pagkabighani sa aking kapatid na may kasamang pagnanasa. Kitang-kita ko din kung paano maglaway ang dalawang lalaki. Simula ng makita nila si Ate ay lagi ko na silang nakikitang magkasama.
Kinagabihan ng Oktubre 31, hindi pa nauwi si Ate. Nag-aalala na ako, pati na rin ang aming mga magulang. Nagpaalam ako sa kanila na hahanapin ko siya. Dahil nga ampon ako ay parang wala lang sa kanila na umalis ako't baka kung anong mangyari sa akin. Sanay na rin naman ako.
Pinuntahan ko ang maliit na bahay nung magkakaibigan, pero 'yung dalawang babae lang ang nakita ko. Hindi ko naman sila gaanong kilala at baka hindi nila ako pansinin, kaya hindi na lang ako nagtanong at nagikot-ikot sa baryo para hanapin ang Ate. Bawat bahay na daanan ko ay sinisilip ko, nagbabakasakaling makita ko siya. Hanggang sa may narinig akong ungol. Mga ungol.
BINABASA MO ANG
D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | 5 friends. 5 letters. 5 mysteries ready to be revealed. What role would these letters play in each lives? Is it somehow related to their past? Who's the one behind this? Is it about her? Is it about the incident 4 years ago? So many qu...