4. The N'E'XT TARGET
ERNESTINA'S POV
Bakit? Bakit kinuha siya agad sa akin? Hindi ba ako mabuting babae para sa kanya? Saan ako nagkulang? Mahal na mahal ko naman siya.
Simula nung nagyari 'yun, gabi-gabi na lamang akong umiiyak. Umaasang isang panaginip lamang ang nangyari at gigising ka na babalik agad ang lahat sa dati. Pero hindi eh. Ito talaga ang itinadhana. Ito ang realidad.
Medyo nagpahuli muna ako. Hindi ko magawang itext sina Demi, pero alam kong mag-aalala naman sila. Kaya sinimulan ko ng maligo, at hahabol ako kung makakahabol.
Nakatira lamang ako sa isang maliit na apartment sa may Marikina. Ulila na kasi ako, pero kahit papaano ay pinapadalhan ako ng mga kapatid ko ng pera. Simula kasi nang magkawatak-watak ang tropa ay nagkanya-kanya kami ng titirhan. Mura lang ang renta dito, dahil gawa lamang sa kahoy ang ilang bahagi ng bahay. Pero sapat na sa akin 'yun. Ayoko naman kasi ng masyadong malaki, eh ako lang naman ang nandito.
Nakabihis na ako't nag-aayos na nang sarili ng bigla akong may maamoy. Amoy sunog? Amoy usok!
Agad akong pumunta sa kusina, pero wala naman akong nakasalang na kung ano. Eh san nanggaling yun? Baka siguro yung mga tambay lang sa labas na naninigarilyo. Sa may kanto kasi ang apartment na ito at kadalasang tambayan ng mga walang magawa. Bumalik na lamang ako ng kwarto.
Bigla namang sumakit ang puson ko. Siguro unang araw ko ngayon. Dali-dali akong pumuntang banyo at dala-dala ang napkin ay inilagay ko na ito sa dapat nyang paglagyan. Hindi naman 'yun ganun kadali, kaya nagtagal ako. Abot na rin sa banyo ang amoy ng nakasusulasok na usok, mas malala nga lang kaysa sa kanina. At tsaka ang init naman yata masyado? Alam kong summer pero malaimpyerno na ang init.
Ngunit hindi ko ineexpect ang sunod na nagyari, natutupok na pala ng apoy ang apartment ko. At tanging banyo na lamang ang hindi nadadapuan ng apoy. Dali-dali akong lumapit sa may bag ko at kukunin ang aking cellpone, pero huli ko nang nalaman na natupok na rin pala iyon. Babalik pa sana ako ng banyo, ngunit bumagsak na ang kisame dahilan para hindi na ako makatawid pa. At dun na ako nagsimulang magpanic.
Ngunit alam kong walang kahahantungan ang pagpapanic ko. Kaya, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang dapat na mangyari sa akin. Kung ito ang magiging katapusan ko, edi ito na. At saka, mas ikatutuwa ko ito, dahil makakasama ko na ang mga mahal ko sa buhay, at si Harold..
Bago ako mawalan ng malay ay may nakita akong tao. Puti? Nakatayo sa may bintana ko. Nakasilip at nakangiti. Hindi ko sya masyadong maaninag dahil medyo nagblur na ang paningin ko. Mapapaniwala ko na sana ang sarili ko na isa siyang anghel, pero hindi ba dapat ay ililigtas nya ako? Sino ka?
***
DEMI'S POV
Nakasakay kami sa kotse ni Trevor papunta kina Ernest. Tahimik lamang kami sa byahe, dahil medyo kinakabahan kami sa maaaring mangyari.
"Wala na bang ibibilis pa itong kotse mo?" Nanginginig na tanong ko.
"E-eh, maximum na ang speed nito eh. Patawad naman at pipitsugin lang 'tong kotse ko. At saka, wag ka ngang masyadong kabahan. Kinakabahan din tuloy ako eh.."
"Paano ako hindi kakabahan? E-eh buhay ng b-bestfriend ko ang nakataya dito.."
Hindi na umimik pa si Trevor, at itinuon na lamang ang pansin sa may daanan.
*insert siren sounds*
Isang nagmamadaling fire truck ang rumaragasa sa kalsada. Agad namang nagsihawian ang mga sasakyan upang bigyang daan ang truck. Hindi naman siguro ito mag-wawangwang kung hindi Emergency.
Habang papalayo ang firetruck ay may nabuong teorya sa isip ko. Kandila. Apoy. Bumbero. Firetruck. Hindi kaya?
"Breaking News! Ilang kabahayan sa may Marikina ang tinutupok ngayon ng apoy. Hindi pa alam ng awtoridad ang dahilan ng sunog. Mar---" pinatay ko na ang radyo sa may kotse ni Trevor pagkarinig na pagkarinig ko pa lang dito. Sinasabi ko na nga ba! Isa iyong premonisyon!
Nang makarating kami sa may Marikina ay naapula na ang apoy. Hindi mo na halos makita ang mga kabahayan dahil sa makapal na usok, kumbaga sa lindol, may aftershock pa ito. Tinanong namin ang mga bumbero pero bigo kaming mapansin ng mga ito. Kaya ang ginawa ko, kumaripas na lamang ako ng takbo papasok sa natupok na apartment ni Ernest. Hindi rin naman siguro ako napansin dahil walang humabol sa akin.
Nakapasok na ako sa bahay ni Ernest pero hindi ko pa rin siya makita. Hinahalukay ko na ang mga nakakalat na gamit sa sahig ng may makita ako. Isang natustang putol na braso. Shit! Huwag mong sabihing kay Ernestina ito? Hinalukay ko ang lugar kung saan ko nakita ang kanyang braso at nakita ko na ang hinahanap ko. Tustado na ang aking bestfriend at halos maging abo na ang balat nya. Agad ko syang niyakap, at napahagulgol ng iyak. Mamimiss ko ang isang napakamaalalahaning kaibigan. Isang baliw na kaibigan na wagas kung makatawa. Ilang saglit pa'y may rumesponde nang bumbero kaya nadala na palabas ang bangkay ni Ernest.
Tiningan ko ng ilang saglit ang natupok na apartment ni Ernest, nagbabakasakaling makakahanap ng pangalawang sulat. At hindi ako nabigo. Nakita ko ito sa may bintana. Sunog na nga lang ang ilang bahagi, pero sapat na para maintindihan ko.
E for EMBER (noun; fragment, as of wood or coal, smoldering in the ashes of fire; smoldering remains of fire)
'Siya (na) ang isinunod ko. Tatlo na lang (kayong) natitira. Maging (maingat) na kayo sa mga susunod kong (gagawin). Goodluck c:'
Sino kaya ang isusunod nya? Wala namang makakapag-sabi kung sino, pero kung mag-iingat kami, maaaring makaligtas kami mula sa kamay nya.
BINABASA MO ANG
D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)
Mystery / Thriller| COMPLETED | 5 friends. 5 letters. 5 mysteries ready to be revealed. What role would these letters play in each lives? Is it somehow related to their past? Who's the one behind this? Is it about her? Is it about the incident 4 years ago? So many qu...