2. One 'D'OWN!

4K 101 0
                                    

2. One 'D'OWN!

 

 

(Chiquitita Night Club)

DEMI'S POV

Ako ang kaunahang nakapunta sa bar na madalas naming pinagtatambayan mula noon. Tinext ko na sila at sinabing nandito na ako. Nagreply naman sila na papunta na daw sila, pwera lang kay Harold. Alam kong madaldal at makulit sya pero bakit hindi sya nagreply sa text ko? Alam kong parati ring may load 'yun, pero ba't ni tuldok na reply wala. Kinukutuban na ako, pero ipinasawalang-bahala na lamang ito. Kaysa ito ang isipin ko, magsasaya na lamang ako. Ano pa bang saysay ng pagpunta sa bar kung hindi rin lang naman magsasaya?

Tinext ko din ang dalawang kasama ko sa board na umalis ako't magkakasiyahan lamang kami ng tropa. Nagreply naman si Louise at tinanong kung pwede daw ba syang sumama. Sumangayon naman ako dahil hindi naman siguro sya magiging pabigat at inisip kong baka sya ang maging bagong miyembro ng tropa. Si Grace naman ay may group study pa daw kaya hindi siya makakasama.

Unang dumating si Trevor. Nung una ay medyo naiilang pa akong kausapin sya, pero nung sunod na dumating si Aldrin ay saka kami nagkausap. Dumating na din si Louise at huling dumating si Ernest. Teka, nasaan si Harold?

"Ernest, nasaan si Harold? Bakit hindi mo sya kasabay?" tanong ko sa kanya.

"Ha? Tinext nya ako kanina eh. Na hindi nya daw ako masusundo, kaya mauna na daw ako. Wala pa ba sya?"

"Wala pa eh" sagot naman ni Aldrin.

Habang hinihintay namin si Harold ay umorder muna kami ng 'appetizer' o pampagana kumbaga. Light drink muna ang inorder namin.

Ipinakilala ko si Louise sa tropa. Maganda naman ang impresyon nila sa kanya, kahit nga ako nung una kong kita sa kanya eh. Nagsimula din akong magkwento tungkol sa apat na taong paghihirap ko na wala sila. Marami akong naikwento, dala narin siguro ng konting tama nung pampagana namin.

Nang maubusan ako ng ikekwento ay pinagmasdan ko lang sila. Si Aldrin ay busy sa kanyang IPhone at naglalaro marahil ng Candy Crush. Si Trevor naman ay pinapanuod ang mga taong nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Si Louise naman ay kanina pa tingin ng tingin sa cellphone nya, tila ba'y inip na inip na naghihintay ng text mula sa kung sino man. Si Ernest naman ay kumakanta kasabay ng music na tumutugtog sa paligid.

D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon