CHAPTER : Walk in closet ...

71 0 0
                                    

CHAPTER 5

Bata pa lamang si Yuki at mahilig na siya sa mga bagay na weirdo at tila naghahanap ng mga kasagutan at misteryo, minsan narin nitong pinangarap ang maging isang mahusay na detective o maging isang ITAKO ..

~ Itako
(ito ay isang babaylan or may kapangyarihang makakita ng mga elemento na di nakikita ng isang pangkaraniwang nilalang.)

Kung kaya’t noong unang beses niyang napagmasdan ang kwarto ay tila kinilabutan ito at nagiba ang kanyang pakiramdam, dahil kung iisipin, ang inyong silid pahingahan na inyong pinasukan ay may isang nakakatakot at karumaldumal na pangyayare ang naganap rito.

** Boogshhgg !
Isang kalabog muli ang kanyang narinig mula roon sa loob ng walk in closet, tinignan ni Yuki ang kanyang kaibigan na si Sujin upang malaman kung naririnig rin ba ito ni sujin ngunit mahimbing ang pagkakatulog nito. Unti unti siyang napatingin sa salaaming pinto ng walk in bedroom, nagulat ito sa kanyang nakita, tila nanlamig ang kanyang katawan at hindi ito makakilos.

Isang anino, meron siyang nakita ng isang anino ng babae,
Isang babae na papalapit at tila mahinhin na naglalakad papunta sa pintuan ng walk in bedroom, at tila dahan dahan nitong binubuksan ang pintuan papunta sa tinutulugan nila Sujin at Yuki,
“Hindi ito totoo, panaginip lamang ang lahat ng ito” takot na takot na iniisip ito ni Yuki,
Nakita nito ang isang babaeng nakasuot ng asul na Kimono, magulo ang buhok, duguan ang katawan at mukha at may hawak itong patalim.

Mysterious HotspringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon