CHAPTER 3 : Creeps on ..

63 0 0
                                    

CHAPTER 3

Masaya at mahinhing nagtungo pabalik ang dalawa sa kanilang silid upang magbihis.
Ilang minute pa at nakabihis na sila ng kimono, ito ang kasuotang ginagamit ng mga babae sa kanilang lugar. Pagkabihis ay umupo na sila sa sahig harapan ng kanilang silid kainan,

“hmm .. wow, ang sarap talaga ng bakasyon na to ..” sabe ni Sujin,
“haha oo nga ee, at andame pang pagkain . !” sagot ni Yuki,
“di lang yun, tila ansasarap pa ng kanilang mga pagkain na kanilang inihahanda dito, ansaya saya naman !” pahabol pa ni Sujin.

Walang anu-ano ay kumain na ang magkaibigan na tila gutom na gutom at parang ilang taong di nakakain. Masayang nagkwentuhan at nagpalipas oras ang dalawa sa balcony ng kanilang silid na merong kawayang duyan doon, Ngunit maya maya ay tila nakaramdam ng antok si Sujin.

Ang madaldal at ang masiyahing sujin ay biglang nawalan ng sigla dahil sa pag dadaldal nito sa buong maghapon at dahil narin lumalalim narin ang gabi, at dahil inaantok narin si Yuki at agad naman itong sumangayon na dati rati ay ito pa ang unang pumipigil kay Sujin kapag nagyayaya na itong matulog. Muli ay pumasok na sila sa kanilang silid at iniayos ang kanilang tutulugan, ay pag katapos ay agad nang nagpahinga ang dalawang magkaibigan.

“Oyasuminasaii !” sambit nila sa isa’t isa ..
(Good Night!)

Naging mahimbing ang kanilang pag tulog sa kanilang silid,
Isang mapayapang gabi ang kanilang naranasan sa kanilang pagbabakasyon.

** Sumapit ang 3:00 am

Mysterious HotspringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon