CHAPTER 7
“Akaine !” (I’m back/I’m home) pagbati ni Sujin,
Kung kaya’t naalimpungatan si Yuki at biglaan itong nagising at tila takot na takot sa pagmulat ng kanyang mga mata. Agad naman itong napansin ni Sujin kung kaya’t tinanong niya ang kaibigan ..
“oh, Yuki, watashi genki desu ka ?” (Ok ka lang ba ?) ang may pagaalalang tanong ni Sujin sa kanyang matalik na kaibigan, ngunit nginitian lamang siya ni Yuki at sinabing
“Hhmm .. haii ! genki desu ..” (Oo, ok lang ako..) sagot nito ..
“Oo nga pala, kanina ka pa ba wala sa tabi ko ? at san ka naman naggaling ?” tanong ni Yuki,
“Ah ! galling lang ako sa baba, nagpahangin at nakipag kwentuhan narin sa ibang turista dito, at nagbayad narin ako ng leave at tip natin dito.” Sagot ni Sujin.
Nagtaka si Yuki sa sinabing ito ni Sujin, tila napaaga yata ang pagalis nila roon, dahil dapat ay 3 araw pa silang mananatili rito. Ngunit biglang nagiba ang isip ni Sujin. Hindi na lamang ito ininda ni Yuki siguro ay may importante na silang trabaho at kanya rin naman itong ikinatuwa dahil ayaw na niyang mangyare pang muli ang nangyare sa kanya kagabi. Kahit na hindi parin nito malamang lubos kung totoo ba talagang nangyare ang lahat ng iyon o sadyang parte lamang nito ng kanyang panaginip.
Kung kaya’t agad na itong nagayos ng kanilang sarili at iniayos narin ang kanilang gamit, at nang nakatapos na ang magkaibigan na maayos ang kanilang gamit at sarili ay agad na itong bumaba sa may pinaka hintayan ng mga bisita upang tuluyang makapag paalam kay Kikyo, ang care taker ng naturang Hotspring.
Ilang sandal lang ay dumating narin ang care taker, galling ito sa labas pahingahan dahil may mga turistang muling nagsidalaw sa naturang hotspring. Dumating na nga at masayang nagpaalam ang magkaibigan.
“Domo Arigatou !” pagpapasalamat ni Sujin at Yuki kay Kikyo .. at pinuri
Ang kagandahan ng tanawin sa lugar na iyon.
Dahil sa ayaw nila Sujin at Yuki na masira ang pagkahumaling ng ibang turista sa naturang hotspring at upang din na magkaroon ng kasiraang kwento ang lugar na iyon ay mas minabuti na lamang ni Yuki na manahimik at ilihim bilang sikreto ang naging karanasan niya nung gabi na iyon. Masayang naglalakad ang magkaibigan papunta sa kanilang kotse at masayang nagkkwento si Yuki sa kagandahan ng tanawin ..
Ng biglang …