CHAPTER 6
Nakakagimbal ang mga sumunod pang nangyare ..
May hawak na patalim ang naturang Multo sa walk in bedroom, deretso lamang ang mata ni Yuki sa kisame ngunit kita parin ng kanyang mga mata ang babaeng naglalakad sa gilid ng kanyang kaibigang si Sujin, gusto nitong sumigaw at tumakbo na lamang palabas ng silid na iyon ngunit ang buong katawan niya at nabalot na ng sobrang takot at tila nanigas na ito ng parang bato.
Patuloy lang ..
Patuloy lang sa tila marahan na paglalakad ang babaeng multo sa gilid ng kanyang kaibigan
Hanggang sa nakarating na ito sa kanilang pagitnaan, at nakarating din ito sa paanan ni Yuki ngunit hindi Makita ang mukha nito marahil ang mahaba nitong buhok ay nakatakip sa duguang mukha nito.
Dahan dahan pa ..
At ang babaeng multo ay dahan dahan na naglakad papunta sa gilid ni Yuki,
Mas lalo pang lumakas at bumilis ang pintig ng puso at paghinga ni Yuki, at hindi parin ito magawang tignan ni Yuki, ialang sandali pa ay dahan dahan itong umupo sa gilid ni Yuki ..
At dahan dahan nitong idinidikit ang duguan na mukha nito sa mukha ni Yuki, sa ginawang ito ng naturang multo ay nagkatinginan sila ng mata sa mata …
“Hindi, hindi, hindi ito totoo ..” ito na lamang ang huling nasambit ni Yuki sa kanyang isip at
Nagdesisyon na lamang itong ipikit ang kanyang mga mata, pagbabakasakali na sa kanyang pag gising ay wala na ang babaeng multo. At awa ng diyos ay nakatulog muli si Yuki.
