Sunday morning at umuulan. Nandito ako ngayon sa coffee shop at hinihintay si Marie. May guest pa kasi siya kaya medyo matatagalan. Kararating ko lang naman dito sa shop, ayoko kasi dun sa bahay dahil lagi akong kinukulit ni mama kay Fredlee and yes hindi pa rin niya ako tinitigilan, well hindi naman talaga titigil yun kapag hindi pa kami nagkabalikan ni Fredlee. Sigurado talaga akong ginayuma niya mama ko.“ may I take your order miss? ” napahinto ako sa pag-iisip kong ano-ano tungkol kay Fredlee. Tumingin ako sa lalaking nakangiti at naghihintay sa aking sasabihin.
“ ba't familiar ka? ” bigla kong tanong sakanya. Familiar kasi siya sa akin. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kong saan. Natigilan naman siya sa sinabi ko saka ngumiti. Ang hilig niya ngumiti eh noh? ang cute niya tuloy, chareng!
“ ahh same school lang kasi tayo, working student kasi ako ” Napa OWWW naman ako saka tumango'tango. Agad na akong nag-order tapos nilista niya lahat ng mga inorder ko sa isang notebook nga hawak niya.
“ ikaw lang mag-isa? ” pahabol niyang tanong.
“ hindi naman, may hinintay lang ako ”
“ boyfriend? ” sabay ngiti niya. Ba't ang cute niyang ngumiti?
“ Hindi ah! friend ko, babae ” tumango naman siya saka umalis para kunin yung order ko.
Mayamaya dumating na si Marie. Humihingi ng tawad sa akin dahil sobrang tagal niyang dumating eh 15 minutes lang naman siyang late. Oks na oks lang sa akin iyun dahil alam ko naman na importante yung ginagawa niya eh magpapasama lang naman ako sa kanya heheh.
“ grabe ang traffic! basang-basa tuloy ako, do I look ugly? ” problemadong tanong sa akin ni Marie. Ba't ba siya nag-aalala? eh ang ganda niya kaya kahit basang-basang na siya sa ulan. Hindi kasi nagdala ng payong yan tuloy naging basang sisiw hahaha.
“ gamitin mo muna panyo ko ” biglang bungad ni working student boy. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya. Tumingin sakanya si Marie saka ene'snob. Kalokang babae ito ang cute at gwapo ng guy tapos snob lang ang ipinakita niya. Nagmamagandang loob na nga sakanya oh.
“ salamat pero okay lang ” sabi ni Marie sa working boy. Ngumiti naman si working boy kahit hindi nakatingin si Marie sakanya saka ito umalis at balik sa kanyang trabaho.
“ ba't mo ginawa iyun? ”
“ ang alin? ” inosenteng sagot ni Marie sa akin.
“ bakit hindi mo tinanggap yung offer ng tao? ang bait kaya ni working boy ”
“ working boy? ”
“ schoolmate lang natin siya at hindi ko kasi natanong yung pangalan niya kaya working boy nalang muna. ”
“ ayeeee may crush ka sa kanya? kaya pala hindi ka galit na na'late ako kasi nag-uusap kayo? chareng! ”
“ jusmeyo gumising ka nga hindi ah saglit lang kami nag-usap ”
“ ah sus deny ka pa, anyway hindi ko tinanggap yung offer niya kasi bawal, ayoko naman magalit sa akin yung boyfriend ko dahil lang dun. Ayaw na ayaw niya nun ” tapos naalala ko boyfriend niya, friends kami ng boyfriend ni Marie. Yung boyfriend ni Marie is so protective and seloso kaya sinusunod naman ni Marie yung mga bilin ng jowa para iwas away. Nakakastress daw kasi tsaka mahal niya din yung tao kaya niya ito sinusunod same din sa boyfriend niya. They are really cute couple.
pagkatapos nun nagsimula na kami mag-usap ng mga bagay. Chika here, chika there at ang mas na pinag-uusapan naming dalawa ay tungkol nanaman kay Fredlee. I know nakakasawa ng pakinggan ang pangalan niya right readers? ako nga eh nauumay na. Pero wala tayong magawa eh parte siya sa kwento ng buhay ko. How I wish matanggal na sha para wala ng problema.
“ excuse me girls? we are about to close in 5 minutes ” sabi ni working boy sa amin.
“ oh? ba't ang aga? ”
“ hindi ko din alam eh, yun ang sabi ng boss ko ” tumango nalang kami ni Marie and start to pack up our things. Grabe busog na busog ako. Dami din kasing inorder ni Marie. Hindi naman ako makatanggi kasi napakasarap tapos libre na.
“ uuwi ka na ba Kim? ” tanong sa akin ni Marie. Ayaw ko sanang umuwi kaso tinatamad na din kasi akong gumala tapos ang bigat na ng tiyan ko sa dami ng kinain ko.
“ uuwi nalang muna ako Marie ”
“ ako din eh medyo sumasakit na yung tiyan ko heheh ” natatawang sabi sa akin ni Marie saka nagpaalam sa akin at pumara na ng jeep.
buti nalang talaga at nandiyan si Marie para damayan ako sa aking problema.
“ ate? bili po kayo ng bulaklak ” sabi sa akin ng bata. Nasa may park ako ngayon. Napag-isipan ko kasing dito nalang muna magpalipas ng oras bago umuwi ng bahay.
“ sampaguita ba yan? naku bente nalang pera ko dito, okay lang ba 20? ” tumango naman agad yung bata. Kitang-kita mo talaga ang malawak niyang ngiti. Siguro pampakain ata niya sa kanyang sarili o di kaya sa kanyang pamilya.
“ salamat po ate! sobrang ganda niyo kasing ganda ng sampaguita ”
“ ah sus! nangbola pa hahah ” pagkatapos nun nagpaalam na yung bata sa akin saka tinuloy ang pagtitinda ng sampaguita, ako naman ay pumunta sa may fountain magwi'wish ako char lang, doon lang ako uupo kasi refreshing pakinggan yung agos ng tubig at habang nakaupo, iniisip ko si papa.
miss ko na si papa
seaman yung papa ko. Biyahe doon, biyahe everywhere. Naintindihan ko naman kong bakit hindi siya araw-araw makauwi sa amin, ginagawa lang niya yung trabaho niya para sa amin ni mama para mabigyan kami ng magandang buhay, kaso si mama naman laging ina-away si papa lagi niyang sinasabi na may iba daw si papa, ako naman hindi naniwala. Alam ko kasi hindi magagawa ni papa yun. Mahal niya kami ni mama, hanggang sa lagi nalang silang nag-aaway. Pagkauwi ni papa sa amin ang laging bungad sa kanya ni ay mga salitang hindi niya gustong marinig. Imbis na yakapin ni mama si papa eh binibigyan niya ito ng sakit ng ulo. Then one day, that day hindi na muling umuwi si papa. Hinintay ko siya pero wala, sinisisi ko si mama sa lahat pero ayaw kong magalit dahil si mama nalang ang meron ako kahit may trust issues kami, mahal ko pa rin si mama.
“ oh bata? uuwi ka na? ” nawala ako sa pag-iisip nung nakita ko yung bata na nagtitinda ng sampaguita.
“ oo ate, binili kasi ni kuya pogi lahat ng sampaguita ko hehe ” masayang sagot sa akin ng bata. Wow napakabait naman ng lalaking iyun.
“ sige po ate uuwi na po ako, bibili pa po kasi ng ulam para sa mga kapatid ko ” napangiti naman ako sa sinabi ng bata. Sigurado akong magiging mabuti siyang kuya sa kanyang mga kapatid.
“ sige bata, ingat ka pauwi ah? ” tumango naman siya saka nag bye bye sa akin. Ang saya niya, sana ako din.
mayamaya napagdesisyunan ko ng umuwi sa bahay dahil medyo madilim na pero bago pa man ako makatayo sa aking inuupuan bumungad sa aking harapan ang napakawalang kwentang lalaki na kilala ko.
“ ba't ka nandito? teka sinusundan mo ba ako? ” lumapit naman ng konti sa akin si Fredlee. Hindi naman ako makalayo sa kanya dahil sa likuran ko ay yung fountain na. Kapag umusog pa ako baka mahulog ako sa tubig. Oh god Im already trap.
“ Babe! ” napatingin kaming dalawa sa lalaking sumigaw ng babe. Teka? kilala ko siya ah? siya si...
Author's Note:
Hello readers! bitin ba? mayroon ba kayong clue kong sino? kong meron man just comment below and if you like the story click the star button to vote. The first reader na maka'comment ng saktong sagot will be dedicated sa next chapter! Thanks for reading guys! ❤
BINABASA MO ANG
Fight For Love
Teen FictionI never thought love was worth fighting for but then I look into your eyes I'm ready for war. - Kimberly Joy Barcena