“ paano mo nalaman ang cellphone number ko? ” bigla kong tanong kay Lance. Papunta kami ngayon sa library ihahatid niya daw ako doon para naman siguradong hindi ako susundan ng ex kong si Fredlee.
“ kay Zim heheh ” sabay ngiti. Masanay na kayo sa taong ito na laging nakangiti *sigh*
“ ay oo nga pala magkakilala na pala kayo? ” tanong sa akin ni Lance. Tumango ako sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad.
“ so? friends na pala kayo? ” tanong nanaman sa akin ni Lance.
“ Ahmm oo magkaibigan kami noon ” or should I say MagkaIBIGAN. Magtatanong sana ulit si Lance ng ibahin ko yung usapan.
“ eh yung kausap mong babae? sino siya? ” curious kong tanong. Ang weird lang kasi ng babaeng iyun. Hindi ko ba alam kong galit ba siya sa akin or hindi dahil tinulungan naman niya ako kanina sa klase ang pagtataka ko lang ba't ganun siya makatingin sa akin.
“ si Angel? kababata siya ni Zim, bakit? ”
“ ha? wala lang naman, magkaklase kasi kami kanina ” tumango'tango naman siya saka pinigilan ngumiti.
“ anong nakakatawa? ” suplada kong tanong sakanya.
“ wala—pffffttttt ”
“ ano ngaaaaaaa! ”
“ iniisip ko kong nagseselos kaba kay angel joke! heheh ” sabay peace sign niya sa akin.
“ shunga! hindi ako nagseselos! ” sigaw ko sakanya. Selos mukha niya bakit naman ako magseselos? may dapat ba akong ikaselos? eh wala namang namamagitan sa amin. Itong lalaking ito puro kalokohan lang ang iniisip kong anu-ano lang ang ginagawa..
“ ito na yung library ” tinuro ni lance yung glass door na nasa harapan namin na may nakasulat sa itaas na KEEP SILENCE.
“ magtanong ka lang diyan kong ano ang dapat mong gawin tutal working students lang naman ang nagbabantay diyan at makakasama mo ” paliwanag sa akin ni Lance. Sabi kasi ng principal namin magsisimula na ako ngayon sa pagiging working student cause time is gold chareng!
nagpasalamat naman ako kay Lance sa paghatid at pagtulong niya sa akin and as usual ngumiti na naman ito. Masayahing tao eh noh? pero bago ako makapasok sa library tinawag ako uli ni Lance, lumingon ako sakanya at hinintay ang kanyang sasabihin. Lumapit siya kaunti sa akin saka ginulo yung buhok ko saka ngumiti sa akin sabay sabing “ good luck sa first day ng pagiging working, if you need something txt mo lang ako and I'll be there for you ” at nagpaalam na sakin saka umalis. Hindi ako agad nakapasok sa library dahil naiwan na naman akong nakatulala. Naramdaman kong uminit yung mukha ko. Tinakpan ko agad yung mukha ko dahil baka may makakita na namumula ako. Anong bang napasok sa isip ng lalaking iyun at may pa “ i'll be there, i'll be there ” pa siyang nalalaman.
Pagkapasok ko sa library as I expected the room is very quiet. May mga students na nagbabasa ng mga libro, some of them may ginagawang assignments and research papers para sa kanilang thesis. I look around and observe our library. To be honest ngayon lang ako nakapasok sa library ng school namin hindi kasi ako mahilig pumasok sa library, well I love books but I dont like books that is related to academics
“ good afternoon may I help you? ” tanong sa akin ng babae. Siguro working student din siya kasi iba yung uniform niya compare sa ibang regular students.
“ ahm itatanong ko lang sana kong saan yung head ng library? ”
“ ahh newbie? ” ngiti niyang tanong sa akin.
“ opo ” maikli kong sagot. Nahihiya kasi ako sakanya kasi and ganda niya.
“ huwag mo akong eh opo mag mumukha akong matanda, tawagin mo nalang akong ate denise ”
BINABASA MO ANG
Fight For Love
Teen FictionI never thought love was worth fighting for but then I look into your eyes I'm ready for war. - Kimberly Joy Barcena