Chapter One

33 2 0
                                        

“ tama na ma! hindi ko kasalanan kong bakit kami nag'break! ”

“ kasalanan mo kimberly! bakit mo ba kasi siya pinakawalan? he's perfect for you, mabait, masipag, caring, loving. nasakanya na ang lahat! ”

I rolled my eyes. As if she knows everything? as if she already knows Fredlee like duh? yung lalaki na iyun? perfect? siguro perfect sa kalandian.

“ look mom, wala ka ng magagawa dahil ayaw ko na sa kanya at hindi na ako makikipagbalikan pa sa kanya, ever! ”

“ subukan mo kimberly joy! or else ”

“ or else what? ”

“ you will be grounded at kahit sino pa ang ipapakilala mo sa akin hindi ko tatanggapin dahil si Fredlee lang ang gusto ko para sayo! ” Uminit ang ulo ko sa sinabi ni mama. Like seriously? dahil lang sa lalaki na iyun? galit na siya sa akin? hindi niya ba naisip na ako ang nasaktan, ang anak niya mismo ang nasaktan at hindi yung bwesit na Fredlee na yun.

“ grounded or not ayoko pa rin, kong gusto mo kayo nalang magkatuluyan tutal ikaw lang naman ang botong-boto at may gusto sa kanya ” bago pa makapagsalita si mama agad na akong umalis sa bahay. Lalayo muna ako sakanya nakakadagdag lang ng bad vibes lalo na yung Fredlee na yun. Lagot talaga siya sa akin.

Bakit ba ganito si mama sa akin, ako yung anak ako dapat kampihan niya. Hindi ko talaga siya maintindihan lagi nalang akong mali. Bakit ang hirap niyang paniwalaan ako? Wala ba siya trust sa akin? ano to? trust issues ng mag-ina? at ang mas nakakainis pa mas lalong hindi magtitiwala sa akin si mama dahil ginugulo ni Fredlee ang kanyang utak. He tells my mom a lies and act that he is the one who is broken hearted.

Fredlee is my Ex Boyfriend we've been in a relationship for just 2 months, nakakatawa eh nuh? 2 months lang naman pero kong maka react yung mama ko sa break up namin parang 10 years na kami mag-on.

Nakipagbreak ako sa kanya dahil he is too much friendly with girls. I mean girlfriend niya ako may girlfriend na siya kaya siyempre isaksak niya sa kanyang utak na dapat may distance. Hindi naman masama maging friendly pero hindi naman tama kapag sobra-sobra na. Then one day I found out that he and one of her girl friends are just too clingy. Yes sobrang clingy nila each other thinking na mas mapagkamalan pa silang mag-jowa kesa sa amin. They always message each other through txt and chat. May heart emoji pa sila hanggang sa naubos na yung pasesnya ko dahil sawang-sawa na ako sa mga kagaguhan niya, ayoko ng maging tanga at martyr. Lagi na kaming nag-aaway tapos kapag nag-aaway kami lagi niyang sinasabi na pagod siya at kailangan na niyang matulog. Tapos kinabukasan he acts like nothing happen na hindi kami nag-away kaya ayun nakipagbreak na ako.

“ Hoy? bakit nakakunot yung noo mo? ” napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

“ Ikaw pala Marie... ”

“ let me guess nag-away na naman kayo ng mama mo? ” tumango lang ako sakanya at umupo saka umorder. Nasa may cafe kami ngayon lagi kaming naka'standby ni Marie dito lalo na kapag bad vibes ako at pinag-uusapan namin yung problema ko nina mama at yung gagong Fredlee na yun.

“ Ano na namang kasinungalingan ang sinabi ng lalaking iyun sa mama mo? ”

“ sabi daw nya sa mama ko nga inaaway ko sha at hindi daw ako loyal sakanya, wtf diba? he making lies again. Shit him ”

“ loko talaga yung Fredlee na iyun, malandi na nga sinungaling pa dinudumihan lang niya ang image ng isang seaman ”

Napabugtong hininga nalang ako. Gusto ko talaga patayin at ilibing si Fredlee kaso hindi. Ilang beses ko ng sinabihan si mama na babaero si Fredlee at hindi mapagtiwalaan pero imbis nga kampihan ako ayun pinagsabihan pa ako at inaway pa ng husto. Jusmeyo ano ba ang pinakain ng lalaking iyun sa mama ko at sobrang hirap na niyang maniwala sa akin tapos ako pa daw yung gumagawa ng storya upang sirain si Fredlee.

“ Kim! una na ako sayo ah? may meeting pa kasi ako hehe bye! ”

“ Sige ingat ka ah? paki'lason nalang sa lalaking iyun kapag nagkita kayo ” tumawa lang ng malakas si Marie saka sumakay ng taxi. Nag pa'part time kasi si Marie sa networking while nag-aaral siya tapos coincidence naman na same company sina Marie at Fredlee.

“ Hey Kimberly ” lumingon ako sa aking likuran and I see the person that I really hate the most.

“ Dont you dare call my name, sa sobrang dumi ng baba mo dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi mo sa aking ina pati pangalan ko nadumihan mo na ”

“ Woah? you really hate me that much huh? ”

“ Hindi ba obvious? dahil sa iyo hindi ako pinagkakatiwalaan ng nanay ko, hindi ako ang kinampihan kahit ako ang anak niya, hindi ako ang dinamayan kahit ako ang nasaktan at naging tanga for 2 months!! ” Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.

“ Ano ba ang nagawa ko sayo Fredlee? minahal naman kita ah? naging loyal naman ako sayo ba't mo nagawa sa akin to? bakit mo ako pinapahirapan? ” Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bwesit ayokong umiyak sa harapan niya ayokong isipin niya na sobrang weak ko.

Magsasalita sana siya ng biglang... “ Babe! nakabili na ako ng donuts!! ” napatingin sa akin ang babae. I know this girl siya yung babaeng laging nakadikit kay Fredlee nung kami pa. Whore.

“ Babe sino siya? Bakit siya umiiyak? ” tumingin naman ang gago sa babaeng whore na iyun saka ngumiti. Mas lalo tuloy akong nainis. Hindi selos ang naramdaman ko kundi galit. Kabago-bago lang namin naghiwalay may kapalit na agad siya? grabe siya, napakawalanghiya niya talaga.

“ Babe hannah, umiyak siya dahil hindi ko binigyan ng barya baliw kasi yan. Tara na? manood na tayo ng sine ” Sabay akbay niya sa babae. Gusto ko sila pang'untugin sa ulo kundi barilin para mamatay na sila! but I had a better idea.

Habang nakaakbay si Fredlee sa babae I take a picture of them. Hindi kita ang mukha sa babae dahil nakatalikod sila. Kinunan ko kasi sila nung nilagpasan nila ako at nagsimula ng umalis. Ha! tignan natin Fredlee, ngayon maniniwala na si mama sa akin, lahat ng mga kagaguhan mo.

dali-dali akong umuwi sa bahay at hinanap agad si mama. Excited na akong maipakita sa kanya.

“ ma! saan ka? ” sigaw ko habang hinanahanap pa si mama.

“ andito ako bakit? makikipagbalikan ka na ba sakanya? ”

“ seryoso ka ba ma? yan talaga ang unang itatanong mu sa akin? hindi ka magtatanong kong asan ako galing kong nakakain na ba ako o na— ay nevermind basta may importante akong ipapakita sa iyo ” medyo bumibilis yung kabog ng puso dahil sa wakas maniniwala na sa akin si mama. Ma prove ko sakanya na walang kwenta talaga si Fredlee.

“ tignan mo to ma, may iba siyang kasama ma! diba? wala siyang kwenta? bagong girlfriend niya yan! ” kumunot ang noo ni mama. Hindi ko alam kong galit ba sha sa nakita niya or nagdududa.

“ Kimberly Joy, ba't mo ba pinapakita sa akin ito? syempre may iba na kasi hiniwalayan mo! anong gagawin mo ha? dapat makipagbalikan ka sakanya dahil alam mo ang mangyayari kong hindi ”

“ ma! hindi yan ang point ko! ang ibig kong sabihin kakabago lang namin magbreak tapos may kapalit na agad siya sa akin! ”

“ tama na yan kimberly  ”

“ ma please maniwala ka sa akin! niloloko lang tayo ni Fredlee iniikot lang niya yung utak mo ma! Fredlee is not the one for me, he is not deserving! ” nakita ko si mama na may tinitignan sa phone. Tinignan niya yung facebook live ni Fredlee.

“ Ito ba yung babae na sinasabi mong girlfriend niya? what if  we ask him if girlfriend nga ba niya ” nag'comment si mama at tinanong si Fredlee kong sino ang babae na kasama niya. Nasa bahay sila with the whole fam. Parang may party.

“ Sabi niya cousin niya yung babae, see? hes loyal to you kahit hindi na kayo ” uminit ang ulo ko sa sinabi ni mama. What the fuck naniwala siya agad?

“ ma! he is lying! I heard them calling each other babe! ma please believe me ”

“ shut your mouth kimberly joy! enough this nonsense! go to you room now! ”

“ but ma— ”

“ go now! ” tumakbo agad ako sa kwato at umiyak lang ng umiyak. Grabe talaga yung lalaking iyun. Napakasinungaling! gusto ko ng mamatay! bwesit na buhay to!

Fight For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon