Chapter Four

20 2 3
                                    

Nanindito ako ngayon sa principal office. Sinubukan ko kasing mag'apply ng scholarship. Hindi sa wala na kaming ipambayad ni mama sa tuition fee, gusto ko lang kasi na mabawas'bawasan yung gastos ni mama dahil ayaw kong maging pabigat nanaman sakanya. I know hindi kami in good terms ng mama ko pero hindi naman kasing tigas ng bato ang puso ko. Nanay ko siya at kailangan ko din shang tulungan lalo na at kami nalang dalawa dahil hindi na bumalik si papa sa amin simula nung away.

“ Im very sorry Ms. Barcena pero full na yung slots namin para sa scholarship ” sabi sa akin ng principal ng school. Medyo nalungkot ako kasi sayang ang opportunity.

“ but you can be a working scholar ” biglang sumigla yung mukha ko sa sinabi ng principal. May dalawa silang offer sa scholarship. Yung isang scholarship ay dapat yun grades mo hindi ba'baba ng 1.5 dahil kapag ito bumaba sa kanyang requirements ay matatangal ka na sa scholarship at hindi na libre yung tuition fee mo. Sa working scholar naman may requirements din sa grades pero hindi gaya nung una na matataas na grades ang hinihingi. Sa working scholar ang requirements lang ay hindi ba'baba ng 2.0 mas okay na yun kesa sa 1.5 medyo mahirap kasing e'maintain yung grade ng ganun. May isa din namang requirements ang working scholar bale dalawa yung requirements nito. First yung grades, second is tutulungan mo yung mga teachers kong magpapatulong sila, depende kong saan ka ma'aasign. Sa office ba, library, or laboratory and same din sa isang scholarship libre yung tuition fee. Diba isa itong napakamalaking opportunity.

“ so base namam sa mga grades mo, matataas ito pwedeng pwede ka na sanang ilagay sa scholarship students kaso lang naubusan ka na ng slots, pero wag kang mag-alala maganda din naman ang opportunity kapag working scholar student ka ” sabay ngiti ng principal sa akin. May kapareha siyang ngiti hindi ko lang matandaan kong sino. Yung princpal namin ay bata pa, feel ko nasa 20 to 23 pa yung edad niya, hula ko lang. Feel ko lang naman dahil sobrang ganda niya para pa siyang college student tapos kapag una mo siyang nakita na naglalakad sa university hindi mo ito mahahalata na siya yung principal at mukha palang niya college student ang dating pati ang pananamit niya nasa trending din ang dating. She is really good in fashion.

“ Ms. Barcena i'll assign you to the library you can start working now. Time is gold ” agad akong nagpasalamat kay Ms. Principal at lumabas na sa kanyang office. This is it! Pansit!

“ Kim? ” nilingon ko yung taong tumawag sa akin. Si Lance pala.

“ oh? hi Lance! ” ngiti kong bati sakanya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil feel ko namumula yung mukha ko.

“ galing ka ba sa principal office? ” tanong ni Lance sa akin. Seryoso lang ang mukha niya.

“ ahm yes but huwag mong isipin na may ginawa akong kagaguhan kaya ako pinatawag ” depensa ko sa aking sarili. Baka iniisip niya ngayon may kagaguhan akong ginagawa sa university.

“ ha? hindi ko naman iniisip yun eh haha alam ko naman hindi ikaw yung tipong tao na gumagawa ng kagaguhan ” sabay ngiti. Would you stop smiling at me? baka dahil diyan mahulog na ang loob ko sayo. Chareng! joke lang naman. Hindi pa ako ready lalo na at naguguluhan pa ang isip at puso ko.

“ tara sabay na tayong mag lunch papunta na din ako sa canteen, ikaw? ”

“ ahhh ... oh sige sabay na tayo ” medyo nagaalinlangan pa ako kasi nakakahiya.

hinawakan niya ang kamay ko saka kami nagsimulang maglakad. Namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga students. Ayaw ko talaga nito. Ayaw na ayaw ko ng center of attraction.

“ ang cute nating dalawa para tayong totoong mag jowa ” sabay ngiti niya sa akin at tumawa. Anong trip ng lalaking ito. I sigh at wala ng magawa kundi sumabay nalang kong ano mang trip niya. Nang makarating kami sa canteen nag-order na kami ng pagkain. Lance offer me na siya na ang magbabayad sa in order ko, tatanggi na sana ako kaso nilagyan na niya yung bibig ko ng tinapay. Langya! nang matapos na kaming makapag'order naghanap na kami ng mauupuan while holding hands. Yup! nakahawak parin siya sa kamay ko.

Fight For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon