Chapter Six

25 2 0
                                        

Flashback 🍃

" Kim " tawag sa kanya ng binata. Nakatalikod sakanya yung babae habang tinitignan ang magagandang bulaklak. Tinitigan ng binata ang dalaga at kulang nalang ay matunaw ito.

Sa sobrang ganda ng dalaga hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. Ngayon kasi siya magtatapat nito. Kinakabahan, nanginginig, naeexcite, kumbaga mix emotions.

" oh Zim? ikaw pala " sabay ngiti ng dalaga sakanya. Nakakatunaw ang kanyang mga ngiti na mas lalong nagpatibok ng puso ng binata. He is really inlove with the girl. He can say that he finally found the one.

" may itatapat sana ako sayo " hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalaga. Napatingin sakanya ang dalaga at napansin niyang hindi mapakali ang binata. Hinawakan niya ito ng mahigpit at saka ngumiti.

" ano yun zim? " her sweet voice is a beautiful music to his ears and anytime makes him wanna kiss her.

Napalunok ang binata. Kailangan na niyang sabihin ang kanyang nararamdaman. Kailangan malaman ng babae kong ano ang nilalaman ng puso niya na ang dalaga mismo ang tanging sinisigaw nito.

" I-I love you " agad pinikit ng binata ang kanyang mga mata. Nahihiya siya sa dalaga at the same time takot siyang mareject. Takot masaktan na baka ayaw sakanya ng dalaga. Nung buksan ng binata ang kanyang mga mata nagulat nalang siya sa kanyang nasaksihan. Nakayakap ngayon ang dalaga sa binata.

" Mahal din kita Zim " hindi maipaliwanag ang saya ng binata lalo na sa dalaga. Hinihintay lang din ito ng dalaga na magtapat ang binata sakanya.

After that agad niligawan ni Zim si Kim. Sabay na silang kumain sa canteen. Sinasamahan na din ng binata ang dalaga sa kong saan ito gustong pumunta , binibigyan din ng binata ng mga bulaklak, chocolates at stuff toys. Mayaman ang pamilya ng binata kaya nabibilhan niya ng mga regalo ang dalaga. Hindi pa naman sinasagot ng dalaga ang binata kahit mahal niya ito, pero kahit hindi pa siya sinasagot todo effort naman ang binata na ipakita sa dalaga na seryoso siya at totoo ang kanyang pagmamahal.

Fight For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon