BL 1

6.9K 89 7
                                    

May mga taong nagsasabi na ang mga BESTFRIEND ay mga Third-Wheel o Third Party. Kasi naniniwala silang kaya nasisira ang isang relasyon dahil sa Bestfriend.

Pero ako? Iba ang paniniwala ko dyan. Bakit? Porket ba bestfriend kami bawal na kaming mahalin ng mahal namin? Porke one-sided love lang kami. Ay kami na ang panira sa isanh relasyon? The hell.

----------

This Story is all fictional.
Names, Character, Some Places, and Incidents are all author's imaginations. Any resemblance to actual events, places, or persons are purely coincidental.

-----------

[BL 1]

"Beshy. Nabobored na ako. Nasaan ba kasi yung tatlong ugok huh? Masyado na akung nabobored eh." reklamo saakin ng kaibigan kung babae.

Nandito kasi kami sa apartment na inuupahan ako. Pero nandito siya at yung iba pa naming kaibigan tuwing weekends lang.

Syempre para magbawas ng pagod sa school work at maglibang kaya naririto ang mga yan.

"Sagutan mo nalang kasi yung assignment natin sa science. Para kahit papaano may ginagawa ka" sagot ko lang sa reklamo niya.

Hindi kasi gaanung masilag si Jemmy eh. Yung tipo bang sakto lang ang persinality ng babaitang ito.

"Tsk. Ewan ko sayo. Nasaan ba sila? Tignan mo oh, magga-gabi na" napatigil ako sa pagbabasa sa libro ko ng marinig ko ang sinabi niya.

Tumingin ako sa wall-clock namin. At tama nga siya. Mag a-alasais na. Masyado siguro akung nagpokus sa binabasa kung libro. Kaya pati oras hindi ko namamalayan.

Iniligpit ko nalang ang gamit namin ni Kenji. Dahil kanina ko pa naman tapos ang mga assignment namin eh.

"Tawagan mo si M.A para umuwi sila. Magsasaing lang ako" utos ko sakanya. nang matapos kong iligpit ang mga gamit ko at nagpunta na sa kusina para magluto ng kanin.

----------

*KRRRRIIIINNNGGG KRRRIIINNNGGG*

Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ulit ang tunog ng alarm cloc namin.

Tsk. Hindi ba babangon ang tulog mantikang iyun? Nakakainit ng dugo ah.

Monday na rin naman ngayon kaya maaga akung bumangon ng maaga. Para maghanda ng makakain namin ni kenji.

Pero ito siya? Nakabulagta parin sa kama. At may hilik-hilik pa.

"Oy. Gising na kenji. Ano ba? Baka malate tayo sa school nito eh" paggising ko sakanya ng malumanay. Pero tinalikuran niya lang ako.

Tsk. Itong taong ito. Nakakainis ah. Kung hindi lang ako nakauniform ngayon eh.

"Ganun ah. Sige matulog ka lang" pagbabanta ko sakanya ng may naisip akung paraan para gisingin siya.

Tamang tama pa naman meron akung medyas na hindi nalalabhan. Sige tignan natin kung hindi ka pa gigising ah.

Kaagad kong kinuha sa basket yung medyas na umabot na ng isang linggo na hindi nilalabhan. Tsaka bumalik sa kamang kinahihigaan niya.

"Kenji... ayaw mo pa bang gumising huh? Bala ka uubusin ko ang mga pagkain..." kilala kuna si kenji simula bata palang kami. Kaya nagpasweet na ako sakanya dahil alam kung gising siya.

Pumaibabaw ako sakanya para ipaamoy ang medyas na hawak-hawak ko.

"Ummm... ang sarap sarap. Gusto mo bang subuan kita? Sige ito oh" agad kung inilapit ang medyas sa ilong niya.

Pero dahil sa biglang pagbangon niya ay nabigla ako sa naging sitwasyon namin.

S-shitness... b-bakit ang lapit niya nanaman saakin. Nako nako. Aarangkada nanaman ang kalokohan kong ito dahil sakanya eh.

"G-g-...g-gising... k-ka na pala" napalunok ako ng laway ko dahil sa lapit namin.

Paano ba naman ng bigla siyang bumangon ay muntikan na akung mahulog sa kama. Buti nalang at mabilis ang reflexes niya.

"O-oh. M-maghihilamos lang ako" sabay kaming tumingin sa ibang direksyon dahil sa biglang awkward na naramdaman naming dalawa.

------------

"Oy beshy. Ano hindi makamove on sa pamumula? Kaloka ka naman... hoy kenji ano bang nangyari sa taong ito? Bakit hindi parin mawala ang pamumula niya sa pisngi?' Hindi ko nalang iniimikan ang pinagsasabi ni jemmy.

Ewan ko pero. Matapos yung nangyari sa bahay. Bigla akung natameme. Ewan ko ba kung bakit eh.

"H-huh? A-ano ulit iyun jem?" Napatingin ako kay kenji dahil sa itinanong niya kay jem.

"Oh god. Ano parehas kayong wala rito? Kaloka ah" exaggerated na bigkas ni jemmy.

Si Jemmy Cortez kasi siya yung tipo ng kaibigan na usisera. Basta kung may maamoy siyang kakaiba saamin ay unusisa niya.

Pero okay naman siyang kaibigan para saakin. Dahil hindi siya tulad ng ibang babae dito sa school namin. Straight foward siya sa isang tao kapag ayaw niya rito.

"Aish. Ano ba jem. Pabayaan munga si kenj. Iniisip niya yung girlfriend niya ngayon. Kaya siya tahimim. Diba kenj tama ako?" Pagtatanggol naman ni albert sakanya.

"A-ahh.. oo yung girlfriend ko kasi. Iniisipan ko kung dadalhin ko ba siya sa bahay or hindi. You know naman. Tayo tayo lang pwede roon" pagsang ayon niya nalang kay albert.

Si Albert Perez naman ay siya yung tipo ng kaibigan na puprotektahan ka. Oo straight na lalaki si albert pero dahil kaibigan ako ni kenji.

Dun niya lang nalaman na hindi lahat ng bisexual ay ang pagkalalaki nila ang habol. Syempre meron namang exceptions nuh.

"Ay. Alam nyo ikain niyo nalang yan. Kung ako sainyo. Masarap ang ulam nila ngayon" napaface-palm lang kami dahil sa pagsingit ni Michael.

At si Michael Angelo(M.A) siya naman yung maasahan namin ng barkada. Syempre lalo na't sa pagkain nuh. Pero hindi nga halata na matakaw ang isang yan eh.

Nasa katamtama lang naman ang pangangatawan niya. Hindi mo mahahalatang matakaw.

And last ang childhood bestfriend ko. Kenji Nixon. Simula ng lumipat kami sa lugar na ito. Siya ang taong kasa-kasama kuna hanggang sa maghigh school kami ngayon.

Pero syempre. Ngayong high school ay wala kami sa kanya-kanya naming bahay. Except lang sa tatlo. Kaya dahil dyan we both decided to live together.

Para iwas gastusin narin. Kung mag aapartment siya mag isa. Pati ako. Magastos pa. Kaya nung nalaman kung same lang kami ng school na papasukan.

Nag apartment nalang kami ng magkasama. Kaso yun nga lang. Iisa lang ang kama. Kaya palitan kami minsan kama at couch.

*RIIIINNNGGG RIIINNNGGG*

Napatigil kami sa pagkukwentuhang lima ng bigla nalang tumunog ang school bell.

"Haist. Ano ba yan. Ang ganda ng kwentuhan natin eh. Panira naman ang bell na ito oh" reklamo naming lahat habang tumatayo para pumunta sa classroom namin.

Ah. Oo nga pala. Simula ng maging magkakaklase kaming lima nung 1st year. Hindi na kami nagkakahiwa-hiwalay. Hanggang sa mag 3rd year kami ngayon magkakaklase parin kami.

Hahaha nakakatawa ngang isipin na ilang years na kaming magkakasama. Pero okay narin ito. Dahil masaya naman silang kasama eh.

BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon