Andrew
Napatahimik kami dahil sa biglaang pag walk-out ni kenji. Well, no one can blame him naman. Aside kasi sa napilitan siyang makipagbalikan kay amanda. Ito pa ang dadagdag sa problema niya.
Na naging instant daddy siya. Na kahit wala naman palang nangyari sakanila amanda insist about it.
"Haha. Pagpasensyahan niyo na ang anak ko huh? Hindi niya lang siguro matanggap na magiging ama na siya" paghingi ng pasensya ni tito sa nanay ni amanda.
"Ay nako. Walang problema iyun anuh ka ba? Pero alam mo ba naisipan kung ipagsama sila sa iisang bubong. Para unti-unting matanggap ni kenji ang magiging pamilya niya diba? What you think?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng mama ni amanda.
Ano? Pati ba naman ganun gagawin nila? Hindi ba pwedeng pakinggan muna nila ang side ng taong pinag uusapan nila.
"Oo nga naman po tito--- ay papa po pala hihihi" pasweey niyang tawa kay tito.
Pasikreto ko lang naikuyom yung kamay ko. Wala akung karapatang mag wala dito lalo pa't hindi naman ako pinag uusapan. Pero si kenji ang inaalala ko.
"Kung ganun magandang ideya yan. Malapit din naman ang apartment nila kenji rito. Diba andrew?" Napatingin ako kay tito ng banggitin niya ang pangalan ko.
Kilala ako ng parents ni kenji. Dahil magkaibiga sila papa at ang papa niya nung high school sila. Kaya hanggang ngayon ganun din sila. Pero sa oras na madisappoint ko ang isa sakanila. Maapektuhan kami ni kenji.
This is the cycle of our life. Ganto kalapit ang pamilya namin ni kenji sa isa't isa. We both treat each other as a family. Kaya dissappointment ng isa dissappointment na ng lahat.
"O-oo naman po tito. W-walang problema" pagsisinungaling ko kay tito na ikanatuwa niya.
----------
Tulad nga ng napag-usapan nila tito at ang mama ni amanda. Lumipat na kaagad si amanda sa apartment namin.
"At talagang seryoso sila sa pagsasama ng dalawa ah" bulong ni jem sa amin.
Linggo kasi sila lumipat dito. Para daw kinabukasan ay makita daw na magkasama ang dalawa sa pagpasok.
"So ano? Walang tulong tulong sa mga bagahe ko?" Napairap nalang kaming lahat dahil sa inasta niya.
I admit that everyone can fall for her. Yung tipo bang kahit mga bakla ay magpapakalalaki dahil sa ganda niya.
Pero behind of her charisma and beauty ay ang ugali niyang masama. Selfish, greedy and plastic. Ang galing niyang magkunware sa harap ng lahat. Pero ang totoo ito pala ang tunay niyang ugali.
"Guys. Tara laro nalang tayo ng baraha. Para iwas stress" rinig naming yaya ni albert sa amin.
Kaya iniwan lang namin si amanda roon na buhat-buhat ang mga gamit niya.
Lumipas yung oras at sumapit na ang gabi. Kaming tatlo nalang nila kenji ang naiwan rito sa loob ng bahay.
Ayaw kasing makitulog ng tatlo rito ngayon. Lalo pa't may epal daw na kasama.
"Okay. Since tayong tatlo nalang ang naririto. I want to make a rules okay lang ba yun?" Napatingin kami ni kenji sakanya habang siya nakacross leg na nakaupo sa upuan at nakacross din ang kamay niya.
"Okay this is my rule. Rule no.1 ang bed is for me lang maliwanag ba? And gusto when i wake up meron ng mga foods. And of course ang pagliligo sa banyo dapat laging may hot water. Masyado kasi akung sensitive eh. At ang----" hindi kuna pinatapos ang sasabihin niya ng bigla kung hilahin si kenji.
"Hey. Ganyan ba kayo tumrato ng bisita? Nagsasalita pa ako" hindi lang namin siya pinansin.
Nahiga nalang kami ni kenji sa kama. This is our room and no one can make a rules. Kung sino ang may karapatan lang magbigay ng rules ay walang iba kundi ako.
"Ano ba? Sabing ako ang---" tumugil siya sa pagrereklamo niya ng bumangon ako sa pagkakahiga ko.
Mabait ako sa taong mabait yan ang motong pinanghahawakan naming lima. Pero kung may maggagago sa amin. Better to prepare yourself or else may ibang mangyayari sayo.
"If you want to treat as a princess dito? Maghanap ka ng palasyo mo. Kasi dito? Walang rules na nagaganap. Walang kagaguhang ginagawa. Kung ayaw mong tratuhin ka ng ganto mas maganda pang bumalik ka sa bahay niy. Kasi sa bahay niyo nandun ang gusto mo. Dito? Wala so get lot pwede ba?" After kunv magmonolog sa harapan niya pumunta akung banyo. Masyado akung mabait na tao para patuluyin ang isang halimaw sa bahay namin.
Pero kung halimawan lang pala ang magaganap. Huwag niyang asahang aatras ako.
-------------
Ilang linggo ang lumipas sa aming lahat. At ang pagtatrato namin kay amanda. Hindi parin nagbabago. Tulad ng tyan niya. Hindi nagbabago kahit buntis daw siya.
"Ay sis. Alam mo ba balita ko buntis daw yung transfer student natin"
"Talaga? Ay kay aga namang lumandi ah. So sino daw ang ama? Taga school din daw ba natin?"
"Ewan nga eh. Tignan mo nalang sa page ng school"
Kasabay din ng ilang linggong pagtira ni amanda sa amin. Nagkaroon ng isang malaking balita tungkol sakanya.
Naging hot issue siya ng buong school dahil sa kumalat na buntis siya.
Habang naguusap lang kaming lima rito sa classroom ay siya namang pagbagsak ng isang libro sa gitna namin. Dahilan para matigil kami sa tawanan namin.
"IKAW BA NAGKALAT NITO HUH?" Tumingin kami sa taong sumigaw. Pero ibinalik ang namin ang pag uusap ng makita namin si amanda lang pala.
"ANO BA? GANYAN KA BA KABASTOS HUH? KITA MUNG KINAKAUSAP KITA" nagsitigil ang lahat sa pinaggagawa nila dahil sa pagsigaw niya ulit.
At talagang ginamit niya ang salitang bastos? Seryoso? Sino kayang bastos sa aming dalawa.
"Amanda. Nasaan siya? Sino yung nagkakalat ng balita tungkol sa buntis ka" lahat kami napatingin sa pintuan sa likuran ng marinig naming may nagsalita.
"Ito girls. Masyadong bastos ang baklang ito eh. Kung anu-anong pinagkakalat" turo niya sa akin kaya naman mapangiti lang ako dahil sa inaasta niya ngayon.
So ako pa may kasalanan? Ni hindi ku nga alam ang balitang ito. Kung hindi lang dahil sa mga chismosa naming kaschool mate hindi namin ito malalaman eh.
"So bakla pala ang kalaban natin ngayon. Sino siya huh?" Tumayo ako ng marinig ko ang tawag nila sa akin.
All i hate is to call me a gay. Yeah isa akung bakla. Pero never akung nakigaya sa mga ibang bakla nuh.
Magbihis ng kung anu-ano para lang mag mukhang babae. Kahit meron namang lawit.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
General FictionNaniniwala ka bang pwedeng magkatuluyan ang mag bestfriend? Paano kung sa umpisa ay one-sided love kalang? maggi-give up ka ba kaagad? o mas pipiliin mong magstay sa tabi ng bestfriend mo? Ano kaya ang mas matimbang pa kay ANDREW VENTILLO. Ang magin...