[BL 3]
Sumapit ang sabado sa aming lima. Ito ulit sila at ginugulo ang tahimik kung buhay kapag weekends."Oy. Oy ikaw ang unggoy. Talo ka m.a" sigaw nilang tatlo kay m.a.
Naglalaro sila ng card game. Hindi ko nga alam kung paano sila nakabili ng baraha eh. Kasi sa pagkakaalam ko ang card game ay para lang sa mga taong pustahan ang alam.
Yung tipo bang kahit may patay. May naglalaro ng ganto. Pero ang mga kasama kung ito hindi ko alam ang trip at naglalaro ng baraha eh.
"Aish. Ang duduga nyo alam nyo ba yun? Nagtitinginan kayong tatlo ng mga cards eh. Tapos ako? Ako lang mag-isa ano bang klaseng laro ito" ngumiti lang ako dahil sa reklamo ni m.a.
Somehow, he looks cute kapag nag iisip bata ang isang yan. Pero who knows diba? Kapag kumportable ka sa kaibigan mo hindi mo alam kung ano ang pinag aasta mo.
"Eh. Bakit ayaw mung isali si andrew? Baka sakaling kumampi sayo yan" paghahamon ni albert sakanya.
Kaya lahat sila tumingin sa akin.
"Oh? Problema nyo? Huwag nyong subukang isali ako dyan" pagbabanta ko kaagad sakanila. Pero hindi sila nagpatinag.
Nakakaewan talaga ang mga ito. Pati nanahimik na tao. Dinadamay pa nila.
----------
"Yeah. Panalo ulit kami" pagmamalaki namin ni m.a ng isa sakanila ang naging unggoy.
"T-talo nanaman tayong tatlo. Ano ba yan puno na ng pulbo ang mukha ko" reklamo ni albert ng matalo namin silang tatlo.
Hahaha. Ewan ko pero parang ang sarap sa feeling na may kalaro na ganto.
"Oy. Oy. Huwag kayobg maduga. Huwag nyong buburahin yang mga pulbos niyo" hilig ko siguro magbanta anuh? Lagi ko nalang pinagbabantaan ang tatlong ito.
Dahil sa banta kung iyun wala naman silang nagawa eh. Kundi ilapit lang ang mukha nila sa amin ni m.a.
Nagpatuloy lang kaming lima sa paglalaro habang sa bigla nalang may kumalam ang tyan ng isa sa amin.
"S-sino yun? Ang lakas ah" pagtatanong ni jemmy sa amin. Pero tinitigan lang namin siya.
Kababaing tao ang lakas ng tunog ng tyan niya ah. Parang hindi halatang gutom.
"Tss. Sige na sige na. Ako na ang gutom okay? Paano ba naman puro tayo. Tawa at laro eh. Kain nalang muna kaya tayo" pagmamaktol niya dahil sa pagkahiyang sinapit niya.
Actually hindi naman iyun kahihiyan. Dahil sanay narin naman kaming siya ang nauunang kumalam ang tyan eh. Kaya sanay na kami dyan.
"Oo nga. Tara mag meryenda muna tayo. Tara michael. Bili tayo ng barbecue dyan sa tabi. Tsaka ikaw miss piggy. Baka may gusto kapang bilhin eh" pag aasar ni albert kay jemmy.
"M-miss piggy? T-tinawag niya ako sa ganun guys? Tama ba ang rinig ko huh?" Umiling kami ng marinig namin ang pag iiba ng tono ng boses ni jemmy.
Tsk. Yan yari ka kay jemmy. Hindi nga siya ang matakaw sa amin eh. Si m.a ang mas matakaw nuh. Kaya yari ka dyan.
"MICHAEL TARA NA" sigaw na tawag ni albert kay michael tsaka nagtatakbo.
Tanging pagtawa nalang ang ibinigay namin ni kenji. Dahil sa inasta nila.
Nang makaalis narin ang tatlo ay agad narin kaming nagligpit ni kenji. Para ayusin pa ang pagkakainan namin mamaya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
General FictionNaniniwala ka bang pwedeng magkatuluyan ang mag bestfriend? Paano kung sa umpisa ay one-sided love kalang? maggi-give up ka ba kaagad? o mas pipiliin mong magstay sa tabi ng bestfriend mo? Ano kaya ang mas matimbang pa kay ANDREW VENTILLO. Ang magin...