[BL 17]
"Wow. Tita tito ang ganda naman dito" papuri naming lahat ng makarating kami sa cebu.
Dito daw napili ni mikaela na magcelebrate ng birthday niya. Oo strict parents ang meron sila ni michael pero pagdating sa mga anak nila lumalabot sila.
"Haha. Nako naman kayo. Parang may bago sa pinupuntahan natin tuwing birthday ng dalawa" natatawang sabi ni tita michelle sa amin.
Sa totoo niyan nakakabilib ang pamilya nila michael. Dahil sa naibibigay na ng parents nila anh lahat. Ito pati kami nasasama dahil kaibigan kami ng mga anak nila.
"Daddy. Dun lang po kami ng mga friends ko ah. Tapos mag swimming narin kami haha" pagpapaalam ni mikaela sa papa niya.
Kung kami limang magkakaibigan. Sila mikaela naman tatlo lang. Pero atleast masaya sila kahit ta-tatlo lang sila.
"Ah. Sige po pa. Kami ng magbubuhat ng mga bagahe natin sa loob. Magenjoy nalang din po kayo ni mommy" kung si mikaela tawag niya sa papa nila ay daddy si michael naman papa.
And syempre ganun din ang sa nanay nila. Si michael mommy ang tawag kay tita pero si mikaela ay mama.
Ang kulit nuh?
"Ah ganun ba anak? Sige mag eenjoy lang kami ng mommy mo. Tara hon" natawa lang kami sa inasta ni tito.
"Ang cute talagang pagmasdan nila tito at tita anuh guys?" Tumango lang kami sa sinabi ni jemmy.
Tsaka pinagbubuhat ang mga bagahe namin. Pero syempre isang bagahe lang ang dala namin ni drew.
Nasa cebu kami ngayong lahat at since break naman namin. We consider this as vacation. Syempre iba kapag literal na bakasyon na.
Kasi kaming dalawa ni drew umuuwi sa mga bahay namin. And dahil tatlo lang silang magkakasama they decided na huwag gumawa ng plano kapag bakasyon.
"Ahhh. Nakakapagod namang magbuhat oh" reklamo ni albert ng matapos na naming ilagay lahat ng bagahe namin sa mga kwarto.
Tulad din ng dati. Dalawang cabin lagi ang nirerentahan namin. Ang isa para kila tita at tito na kasama sila mikaela. Habang ang isa ay para sa aming lima.
"Oh. Uminom muna kayo ng mga tubig guys" nagsitayuan kami ng dalhan kami ni jemmy at drew ng basong tubig.
"Thank you" sabay sabay naming sabi tsaka bumalik lang sa kinauupuan namin.
Katabi ko parin si drew hanggang ngayon. Dahil nasa bakasyon kami at ine-enjoy ito. Sinet aside ko muna yung damdamin ko kay drew.
Mas magandang wala kasing sama ng loob sa mga kasama mo. Para maenjoy mo yung outing ninyo diba?
"So anong gagawin natin? Dating gawi ba huh? Bonfire o truth or dare?" Napangiti kami sa sinabi ni drew.
Para tuloy kaming bumalik sa dati. Tipong mag o-over night kaming lima at papanoorin ang paglitaw ng araw kinabukasan.
"KUYA. KAIN DAW MUNA TAYO BAGO KAYO GUMAWA NG KALOKOHAN DYAN" rinig naming sigaw ni mikaela.
"Tara kain muna. Tayo. Para makakuha tayo ng makakain para sa over night natin" tumayo kami sa sinabi ni michael.
3 days and 2 nights lang ang stay namin dito. Yung first night ay ang celebration ni mikaela. Then the rest bahala na kami sa gusto naming gawin.
---------------
"Waaahhh. Matanda na ang anak mo papa" natawa kami sa inasta ni michael ngayon.
Hindi pa kasi nagsisimula yung kanta para kay mikaela. kung ano ang pinaggagawa ngayon.
Nakakaloko naman siya.
"A-aray. Papa oh" lalo kaming natawa ng bigla siyang batukan ni mikaela.
"Argh. Panira ka kuya alam mo ba yun? Ni hindi niyo pa nga ako kinakantahan ng happy birthdaye eh" reklamo niya kay michael.
"H-huh? Hindi pa ba? Hhaha. A-akala ko tapos na eh" kumamot siya sa ulo niya. Matapos niyang sabihin yun.
"Tama na nga. Tama na. Kayong dalawa hindi talaga kayo nahiya sa mga kaibigan niyo. Sige na kantahan na natin si ella ng happy birthday" sita sakanila ni tito.
Kaya dahil sa sinabi niya agad din naman kaming kumanta ng happy birthday kay mikaela.
"Blow the candle sweety. pero make a wish muna ah" nang matapos namin syang kantahan agad siyang pumikit para magwish.
Actually, im curious about that. Why we always wish before nating hipan yung kandila? Magkakatotoo ba yung niwish natin kapag ginawa natin yun?
"AYYYIIIEE... MATANDA KA NA SISSY. SASAGUTIN MUNA ANG MANLILIGAW MO" napatigil si mikaela sa sinabi ng mga kaibigan niya.
"M-manliligaw? T-teka anak kailan kapa nagkaroon ng manliligaw huh?" Napaseryoso kaming lahat sa sinabi ni tito.
"A-ano eh.. hehe... aish. Kaibigan ko ba kayo? Nako naman oh" napailing-iling lang si mikaela habang nakahawak sa noo niya.
Hay. Kapag may mga gantong kaibigan ka talaga mayayare ka eh.
"Ay. Ano ba yang honey? Birthday na birthday ng anak natin eh. Palipasin mo muna okay? Tsaka normal lang kaya sa isang babae ang may manliligaw nuh" napangiti ako sa ginawa ni tita kay tito.
"Hay. Pero hon---" natigil si tito sa pagsasalita ng ilapat ni tita yung daliri niya sa labi nito.
"Walang pero-pero okay? Tsaka nandyan ang mga kuya niya. Para protektahan siya diba michael?" Tumango kami ng tignan kami ni tita.
"Haha. Opo naman tita. Maasahan niyo kami nuh" sabi ni albert.
"Haha. Kung may magpapaiyak sakanya kami na pong bahala. gugulpihin namin sila diba guys?" Tumango kami sa idinagdag ni michael.
Hay. Ang galing din ng isang ito para sabihin yan.
"See? Kaya wala ka nang dapat ipag alala" Napatango nalang si tito kay tita.
Dahil puro katyawan at asaran lang ang nangyayari sa amin sa gaing iyun. Marami rami ding pagkain ang natira.
Kaya meron kaming mga pinagkukuhang lima para sa overnight party namin.
May mga cake. Snacks. Mga ulam at syempre mga drinks. Para hindi kami mauhaw na magtawanan kami dahil sa mga pinaggagawa namin mamaya.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
General FictionNaniniwala ka bang pwedeng magkatuluyan ang mag bestfriend? Paano kung sa umpisa ay one-sided love kalang? maggi-give up ka ba kaagad? o mas pipiliin mong magstay sa tabi ng bestfriend mo? Ano kaya ang mas matimbang pa kay ANDREW VENTILLO. Ang magin...