[BL 16]
Kenji
Pagkalabas ko sa bahay namin. Agad kong inilabas yung bagay na lagi kung itinatago kay drew.
He hates smoke. Kaya kapag nasa loob ako ng bahay hindi ako naninigarilyo.
"Need lighter?" Napatingin ako sa likuran ng marinig ko ang boses ni jemmy.
"A-ahh. Thanks" sinindihan ko yung yosi ko ng iabot niya yung lighter.
Ilang segundo lang kami natahimik ng sindihan niya din yung yosi niya.
"So what's the matter?" Pagtatanong niya ng ibuga niya yung usok.
"Huh? What do you mean?" Pagtatanong ko.
Ah. If you guys didn't know. Jemmy is my smoking buddy. Lagi kaming nagdadamayan if may problema ang isa sa amin.
And syempre stress reliever narin namin ito. Kaya nasanayan narin namin ito.
"Hay. Playing innocent kenji? I know what your thinking right now. Worried about them diba?" Napatingin ako ng deretso dahil sa sinabi niya.
She always played dumb girl. walang pake sa amin. Pero lahat ng yun ay kabaliktaran sa inaasta niya. She cares about us. Hindi niya kami pinapakelamanan sa ginagawa namin.
Pero sa oras na mag usap kayong dalawa? She will give you her advice. Advice how to dealt your problems.
"You know naman pala ang lahat. Ano pang silbi ng pagtatanong mo diba? Tsaka its andrew's desicion. Kaya wala na akung magagawa dun" i said to her ng ibuga ko yung usok sa bibig ko.
"Yeah. Desisyon niya naman iyun eh. Pero do you ever think part ka ng desisyon niya? Naisip mo ba kung bakit niya ito ginagawa? Para lang ba sakanya o para sa ibang tao?" Napaisip ako sa sinabi niya.
Yeah. I always obey to andrew's decision. Eversince hindi ko sinasabi ang gusto kung mangyari. Basta sinusunod ko lang siya.
Pero ano bang purpose ng pagsunod ko sa desisyon niya? May benefit rin ba iyun sa akin?
"Hmm. I think it's up to you kung anong gagawin mo. Pero ito lang ang sasabihin ko sayo..." itinapon niya ang sigarilyo niya ng lumapit siya sa tenga ko.
"Just follow your heart. Hindi man niya matanggap ang totoo mung nararamdaman. Atleast wala kang regret sa buhay diba?" Tinapik niya ang balikat ko when she finished her words.
Ako naman ay napapikit lang at hinawakan ang dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko.
"Follow my heart huh? Sana ganun lang kadali" sabi ko tsaka tinapon rin yung sa akin.
Yeah. No one knows that im belong to LGBT community. Dahil sa itsura kung maskulado at pagiging gwapo ko. Walang nakakahalata sa tunay na ako.
But who cares. Dahil sa mundong ito tanging may itsura lang pinapansin ng mga tao. They prepared the outside than the inside.
-----------
"Bye guys. Ingat kayo sa pag uwi ah. Sa uulitin" pagpapaalam namin ni drew kila jemmy.
This semestral break. Bawal muna silang mag overnight sa amin. Kaya hanggang alas-diyes lang sila rito.
"Haha. Sige bye. oh. Basta bukas ah. Invited kayo sa birthday party ng kapatid ko" pag papaalala ni michael sa amin.
"Aish. Oo nga pala sa susunod na araw naiyun diba? Goshn limot ko. Albert gumising ka ng maaga okay?" Natawa kaming lahat sa ginawa ni jemmy kay albert.
Oo nga pala. Birthday ni mikaela sa susunod na araw. Kaya imbitado kami sa birthday party niya. Which is mag be-beach kami sa isang resort.
Nung last year kasi pumunta kaming pampanga. At nung birthday naman ni michael sa bagiuo. Kaya ito hindi tuloy namin alam kung saan nanaman kami dadalhin ng pamilya nila.
Matapos nilang lahat umalis ay pumasok narin kami ni andrew sa loob.
"Hey. May problema ka ba ngayon?" Pagtatanong niya kaagad sa akin.
Pero hindi ko lang siya tinugunan. Nagpatuloy lang ako sa closet namin.
"Okay. Nice talking ah. So ano may problema ka ba talaga o wala?" Iniharap niya ako sakanya na nagpatigil sa pagkuha ko ng damit ko.
"Problema? Bakit kung meron ba may maitutulong ka ba?" Seryoso kung tanong sakanya.
"Oo naman. Bakit ano bang problema mo? Baka matulungan kita" tinanggal ko yung pagkakapit niya sa akin.
"Wala akung problema so no need to worry okay?" Sabi ko lang sakanya tsaka kinuha ang damit ko para maligo.
Matapos kong maligo ay agad ko ding pinatay ang ilaw para makatulog na kaming dalawa.
"You know what. May tinatago ka sa akin kenji" napatigil ako sa paghiga sa kama ng magsimula siya.
"Ewan ko kung ano yang problema mo. Basta tandaan mo im here just to support you. Okay?" Humiga na ako sa kama ko tsaka inalis yung unan ko at inilagay sa palagitnaan namin.
"Tama nga ang iniisip ko. Ako ang problema mo. It's rare para ilagay mo ang unan sa gitna. Ginagawa mo lang naman yan kapag may galit tayo sa isa't isa eh. Hha" natatawa niyang sabi pero hindi ko siya sinagot.
Oo. Tama ka nga ka ng iniisip drew. Ikaw ang problema ko. Dahil simula ng turuan mo si gerry. Para bang malaki ang pinagbago mo.
"But i know you have a reason to do this. But tell me kenji. Malaki ba ang nagawa kung kasalanan?" Kahit nakapikit ako hindi ko parin siya magawang sagutin.
Mas maganda siguro na pakinggan ko nalang muna ang side niya.
Naramdaman ko yung unan na inalis niya sa gitna namin.
"Pero. I hope hindi malaki. Dahil ayokong mawala ang bestfriend ko sa akin. Hmm" Naramdaman ko yung kamay niyang pumatok sa katawan ko.
This is your decisiob drew not me. Pinili mo ang gantong sitwasyon. Kaya i just go with the flow dahil sa desisyon mo.
"Pwede banv matulog tayo without doing this? Pati pakibalik nalang yung unan" utos ko sakanya pero idiniin niya lang yung kamay niya sa akin.
"Tsk" sabi ko lang tsaka pinabayaan ang gusto niyang gawin.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND
General FictionNaniniwala ka bang pwedeng magkatuluyan ang mag bestfriend? Paano kung sa umpisa ay one-sided love kalang? maggi-give up ka ba kaagad? o mas pipiliin mong magstay sa tabi ng bestfriend mo? Ano kaya ang mas matimbang pa kay ANDREW VENTILLO. Ang magin...