The Flower's Name

398 16 2
                                    

She's been staring at her reflection in the mirror for almost half an hour now, still wondering, still asking. 18 years, she's been alive for eighteen years and yet she feels like she never really accomplished something. Napa-iling si siya sa naisip niya. Maybe some of the teenager would laugh at the thought of it, an 18 year old lady, if you can really call her that, worrying about unaccomplished things.

Kaya lang naman niya nararamdamang wala pa siyang na-accomplish sa 18 years of existence niya is because she never really went out. She didn't have the chance to meet new people aside from her parents' workmates, friends and acquaintances and not because she is anti-social or anything related to that.

Hindi siya takot sa tao.

She's just not allowed to.

She grew up being observed by her parents. Oo, alam naman niyang normal lang sa magulang na laging i-check kung okay ang anak nila but her parents are nothing like the usual parents.

She was observed in a sense that as if she was being studied. Lahat ng galaw niya, pinapanood na para bang may gagawin siyang kakaiba. Lahat ng hilig niya, pinapakielaman, hinihintay if she is genius about something. Lahat ng hahawakan niya, tinitingnan, like she could magically make those things disappear.

When she was younger, akala talaga niya ganun lang siya palakihin ng mga magulang niya. Akala niya kaya laging may booby trap sa baba ng hagdan nila ay para maging observant siya sa paligid niya and to train her to become an agent but that was not the case. Kaya pala kapag nasusugatan siya her mom would constantly say sorry kasi siya pala ang may pakana. Her mother showed her that she can heal her own wounds instantly and they're checking if she inherited that ability. Taon taon din nilang chinecheck kung kaya na ba niyang gawin iyon but until now her wounds would take 2 weeks to heal.

About 3 weeks ago lang iyong huling pakana ng mama niya para masugatan siya and it's the simplest trick so far, nag lagay lang ng bubog ang mama niya sa baba ng bed niya and when she got out of bed, nasugat siya sa talampakan.

Na-train naman siya to use guns, knives and bombs pero wala naman siyang kayang gawin out of all that stuff na gaya ng kayang gawin ng magulang niya.

Sometimes naiisip rin niya kung nagbibiro lang ba talaga ang papa niya kapag sinasabi nitong ihuhulog siya mula sa rooftop ng building ng organization nila just to check if she could fly. Lagi namang binabatukan ng mama niya ang papa niya sa tuwing sinasabi niya iyon.

Don't get her wrong. Mahal na mahal niya ang magulang niya at alam niyang kaya lang sila ganito sa kanya ay dahil gusto nilang makita kung may kakaiba ba sa kanya at malaman kung paano niya iyon maco-control. Feeling nga lang niya disappointed ang parents niya especially ang Mama niya dahil nga wala siyang special ability.

"Anak. Halika na dito sa baba magsisimula na ang party mo." Natauhan siya nang marinig ang boses ng lalaki sa labas ng kwarto niya. Tinatawag na siya ng Papa niya. It's her 18th birthday and her parents decided to have a little party for her, well not really little. Invited ang lahat ng ka-trabaho nila.

"Wait lang, Pa" Mahinang sagot niya.

She took another intent look in her reflection, nakikita na naman niya ang mga mata niya. She knows that she is normal but her eyes are different. Kasalanan ba niyang magkaiba ang kulay ng mata niya? Her name was actually base on the color of her eyes.

Naalala niya ang kwento ng mama niya sa kanya. Hindi daw nila inalam kung babae o lalaki ang ipinag-bubuntis niya at wala rin silang naisip na ipapangalan ahead of time. Talagang on the spot ang pagbibigay ng pangalan sa kanya. She loves her name so much because her father gave it to her but sometimes nahihirapan rin siyang pakinggan ang pangalan niya.

It reminds her of her eyes.

Why she seems not normal at kung bakit nga wala pa siyang maituturing na achievement sa 18 years niya sa mundo. Kung bakit parang sa labing walong taon na iyon ay lagi lamang siyang nakakulong.

Sinuklay niya ang kanyang buhok na lagpas balikat gamit ang mga daliri niya. Huminga siya ng malalim, kailangan na naman niyang magpanggap na masaya siyang makita ang mga tao sa ibaba kahit na ang totoo apat na tao lang naman ang gusto niyang makasama sa kaarawan niya.

Ang Mama at Papa niya, ang Tita Natasha niya at si Genesis.

Narinig niya ang malakas na tugtog sa sala nila nang mabuksan niya ang pinto. Paglabas niya ay nagpalakpakan ang mga tao.

"Ay, excited sila pumalakpak." her Tita Natasha said. Siya ang may hawak ng microphone. Siya siguro ang mag-iintroduce sa kanya.

Biglang naiba ang tugtog, dahan dahan na ito. Nagsimula na rin siyang maglakad pababa ng hagdan, bawat hakbang iniisip niya kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari sa buhay niya pagkatapos ng araw na to.

"Please welcome the beautiful debutant, Iris Lilac" sabi ng Tita niya.

Muntik pa siya matalisod nang marinig ang pangalan niya. There it goes again, her name that also signifies the color of her eyes.

Iris are green flowers and so her left eye.

Lilacs are violet flowers and so her right eye. 

The Untamed FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon