Ordinary Flower or Not?

34 1 0
                                    

Maagang nagising si Red, hindi nga siya nakatulog kung tutuusin. Parang nakapikit lamang ang mga mata niya mula matapos silang mag-away ni Raven hanggang dumating ang umaga. Hindi rin lumabas si Lilac sa kwarto niya mula nag-umpisa ang alitan nila ng asawa. Nalulungkot siya para sa anak pero mas nangingibabaw ang pagiging overprotective niya.

She's currently in the basement, iniwan lamang siya doon ni Raven matapos silang mag-away. It was for the best anyway, hindi niya masisi siang asawa kung ayaw na nito siyang suyuin. Matigas pa rin ang ulo niya after all these years.

She grabbed her head, sobrang sakit nito. Naalala niya na nagkainitan na naman si ni Raven last night at umabot sa sakitan.

Normal lang 'yon sa kanila. Hindi na nila minamasana kapag nagkakasakitan sila. Somehow, isa 'yon sa way nila to show their affection towards each other. Weird but it works for them.

Narinig niya ang asawa mula sa taas, tinatawag siya. Pababa na rin ito ng basement, bakas ang pagmamadali sa bawat hakbang nito.

Red suddenly got nervous. May ideya na siya kung ano ang nangyayari but she refuses to accept it. Inantay na lamang niya makababa si Raven ng tuluyan, huminto muna ito at hinabol ang hinga.

"Our daughter's missing." Humigingal na sabi niya

She got up immediately. Pinagpag niya ang damit at bahagyang inayos ang buhok.

"I'll make some calls, ipapatrack ko siya." She said calmly, trying her best to hide the fact that she's freaking worried right now.

Naglayas ang anak niya dahil sa katigasan ng ulo niya, ni hindi nga yata alam ni Lilac kung paano mabuhay sa labas ng bahay nila. May pera ba siya?

"I don't think that's going to be a good idea. Hayaan muna natin siya." Raven replied to her.

Naiintindihan naman niya ang asawa. Madali lang talaga nilang mahahanap si Lilac sa lawak ng koneksyon ng organization nila they can have any information they want in just a snap. Hindi na lamang sila grupo ng mga assassin ngayon, some agents that stayed are part of the best security agencies ng bansa.

"What do you want me to do? Tumunganga dito sa bahay?" She replied. May konting inis na sa boses niya.

"I got a text from Genesis, sabi niya siya na muna ang bahala kay Lilac. He'll try convince her na umuwi or kung ayaw talaga atleast we'll know where she is." He replied.

"Sige but if I don't here anything today, kikilos na ako. It's not dangerous outside dahil lang hindi niya alam paano mabuhay sa labas, she's my daughter and who knows kung may mga masasamang taong gusto siyang sakta." She said. Isa pa iyon sa ikinababahala niya, sa dami ng taong nasaktan niya dahil sa trabaho niya hindi malabong may gustong manakit rin sa kanya ngayon.

"Our daughter.. malakas siya we trained her to make sure na kaya niya protektahan ang sarili niya. Huwag ka na masyadong mag-alala. I am sure Genesis will let us know right away if she hears from her." He assuringly replied.

"Yes she's trained but she's not strong. Hindi katulad natin, we were trained to fight for our lives." She said, her voice almost breaking.

Her daughter's been trained for self defense and basic battle skills ever since maituro nila sa kanya that the world is a dangerous place. She made sure she'll know how to protect herself kahit hindi naman siya na eexpose sa kahit anong risk dahil lagi lang siya sa bahay.

The Untamed FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon