Lilac Minx

55 2 0
                                    

Hinanap lang niya sa Maps sa phone niya kung ano ang pinakamataong lugar ngayon and followed the directions.

It's 2 hours away. It's some kind of business district.

Lagi naman full tank ang motor na gamit niya kaya wala siyang pag-aalala. Marunong rin siya magdrive at alam niya ang traffic rules. May pera pa naman siya kaya hindi na muna niya gagalawin ang savings niya, baka ma-track rin siya if she carelessly withdraw money from an ATM.

Halos 9 na ng gabi, she did not take into account na rainy season na nga pala ngayon. Mukhang uulan pa, may kulog at kidlat na sa langit. Sana ay hindi siya abutan ng ulan balak pa niyang huminto sa convenience store para kumain. Wala pa siyang kain mula umaga.

She stopped at a store 30 minutes away from her home, siguradong hindi pa naman aware ang parents niya na umalis siya.

Ito ang unang beses na papasok siya sa convenience store or any store for that matter. Mabuti na lamang at automatic ang pinto nito hindi na niya iisipin ung push or pull ba. Inilagay niya ang hood ng jacket sa ulo, hindi pa siya nakakabili ng contact lenses at ayaw niyang makita ng iba ang mata niya. Nalimutan rin niyang magdala ng sunglasses.

Yes, heterochromia is a known genetic mutation pero sobrang rare ng kulay ng isa niyang mata.

"Good evening." Bati sa kanya ng lalaki sa cashier. "Patanggal na lang po ng hood, bawal po sa cctv" he continued.

Medyo uminit ang ulo niya, akala ba nito ay magnanakaw siya.

She sighed and removed her hood, iniharang na lamang niya ang buhok sa mata. Nasisilaw rin naman siya dahil siguro sa pagdrdrive ng gabi at biglang naexpose sa ilaw.

She continued walking and grabbed a cup noodles and bread. Sapat na siguro to for tonight. Naglakad siya papunta sa cashier.

"Take out po o dito niyo kakainin?" the cashier guy asked.

Oo nga pala, wala naman siyang mapagkukunan ng mainit na tubig. May mga upuan naman sa store at pwede siyang kumain sa loob.

"Ahh, dito na lang po." She said in a very low voice.

Iniabot niya ang bayad, tinuto naman sa kanya ng cashier guy kung nasaan ang hot water, binigyan na rin siya ng fork at chopsticks and the guy also smiled.

Hindi niya alam kung paano magrereact, ito ang unang beses na kumausap siya ng ibang tao aside from her family and friends ng family niya. Hinablot na lang niya ang supot na iniabot sa kanya at nagmadaling kumuha ng hot water.

Sa pinakasulok siya umupo para less ang interaction niya sa ibang bumibili.

Hay, ano bang ginagawa ko? Kaya nga ako lumayas para maexperience ko naman yung normal na buhay pero parang takot ako sa ibang tao. She thought, puro buntong hininga siya habang kinakain ang seafood flavor na noodles niya.

Matapos niyang kumain ay itinapon na niya sa basurahan ang kalat niya, mabilis rin siyang lumabas ng tindahan at tinuloy niya ang byahe niya.

30 minutes away na lamang siya sa pinned location niya sa cellphone nang biglang bumuhos ang ulan.

Malas. Inabutan pa siya ng malakas na ulan and she's somewhere na walang pwedeng hintuan or silongan. Never pa siyang nagdrive habang umuulan, her dad taught her how to ride a motorcycle at laging maaraw. Sa sariling drifting range lang din nila siya natuto.

Nagpasma ang kamay niya dahil sa kaba, pakiramdam niya ay delikado na sa daan.

Because of her anxiety, sumakit din ang ulo niya, nanlabo ang paningin niya at narinig na lamang niya ang busina mula sa harapan niya kasabay ng blinding light mula sa kotse na kasalubong niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untamed FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon