"Ano sa tingin mo?" Tanong ni niya kay Genesis sa kabilang linya.
"Grabe ka, kauuwi ko lang tumawag ka agad" natatawang sagot sa kanya ni Genesis. Hinihingi lang naman niya ang opinyon niyo kung anong magandang regalo ang hihingiin niya sa parents niya.
She already had something in mind pero gusto niyang malaman kung tama bang iyon ang piliin. Hindi niya rin naman gustong magpadalos dalos sa desisyon niya lalo na at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng magulang niya.
"Tss. As if may iba akong pwedeng tawagan, ikaw lang naman" sagot niya.
"I'm not sure if I should be insulted or flattered with that statement." Tumawa ng mahina si Genesis. "Anyway, balik tayo sa tanong mo. Kaya mo ba? Saka anong plano mo kapag pumayag sila sa gusto mo?"
"I don't know yet, pwede bang itanong ko muna kung papayag sila and then I'll just cross the bridge when I get there." Sabi niya habang nilalaro ang kumot niya. Halos katatapos niya lang rin maligo at balak na niyang matulog pero hindi maalis sa isip niya ang regalo na gusto niya.
"Matulog ka muna. I'm sure that party was tiring specially with that crowd. Nakakalula talaga events ng family mo" sagot ni Genesis habang humihikab, mukhang inaantok na rin ito. Naririnig rin niya ang kapatid nito. "Yiieh, ayaw paawat kahihiwalay lang gusto magkausap agad" sabi ni Casey habang natatawa. "Doon ka nga, bat ka ba nandito matulog ka na" Taboy sa kanya ni Genesis.
"Sige na, matulog na kayo. Matutulog na rin ako. Masakit na naman ang ulo ko, bukas ko na lang iisipin to" she replied. Hawak hawak niya ang bote ng pain reliever na nakatambak sa bedside table niya.
"Napapadalas na yata yan. Wag kang magself-medicate, magpacheck up ka muna. Baka kung ano na yan. You know, you're not entirely normal" Halata naman ang pag-aalala ni Genesis kay Iris.
Kailan pa ba talaga niyang sabihin na hindi ako normal? "That's exactly why I don't want to. Mom will just worry too much baka mapurnada pa ang plano ko." She sighed after her reply. Naghalo na ang pagod, antok at sakit ng ulo.
She hates hospitals. Allergic siya kumbaga. Natatakot rin siyang may malamang kakaiba ang mga doctor kaya as much as possible ayaw niyang pumupunta kahit general check up lang. Quota na rin siya sa mga check up na yan. Lagi siyang laman ng hospital ng organization ng parents niya mula bata siya. Maswerte lang siya dahil eventually her Dad convinced her Mom to stop it.
"I'm sorry, nauuna na naman bibig ko sa utak ko." Genesis sincerely replied. Alam naman niyang madalas ay insensitive siya pero never naman niya naging intention ang masaktan si Iris.
Genesis patiently waited for her reply pero hilik na lang ang naririnig niya sa kabilang linya. He chuckled a bit, ngayon na lang niya ulit narinig ang hilik ni Iris. He's a bit worried about Lilac's plan pero alam niya whatever her decision, susuportahan niya ito.
"Goodnight." he softly whispered. Nabitawan na rin niya ang cellphone niya.
-
Shocks. Natulugan yata kita kagabi sa sobrang sakit ng ulo ko. Sasabihin ko na yun plan ko. Kailanga full support ka ha.
She texted Genesis. She woke up too early today, halatang excited na siyang sabihin ang plano niya. Naligo na rin siya ng maaga at nag-ayos ng kaunti.
No problem. Namiss ko din yung hilik mo. Matagal ko na ring hindi naririnig yon. Let me know kung anong sasabihin nila. Genesis replied on her previous text earlier. Iniwan na muna niya ang cellphone sa kwarto niya bago bumaba.
"Good morning." She shouted habang pababa ng hagdan. Nasa kitchen na ang parents niya. Her mom has that worried look on her face and her dad smiled at her like he always does.
"Good morning, nakatulog ka ba ng maayos?" Raven asked her daughter kahit na alam niyang katulad ni Red ay nagpuyat din ito kakaisip sa huling usapan nila kagabi.
"Not much but I am really excited to tell you kung anong gusto ko" she beamingly replied.
Her mom suddenly stood up. Naglakad ito ng mabilis pabalik balik mula sa sala at kusina. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Mom, okay ka lang?" She asked.
"Hindi nakatulog yan ng maayos kagabi, masyadong nag-aalala baka kung anong out of this world request daw ang maisip mo" her dad replied while shaking his head.
"Joke lang pala. Ibibili na lang kita ng regalo mo today. Hindi pa ako ready sa kung ano mang wish mo" her mom said. Mahina lang ang pagkakasabi pero parang sigaw sa pandinig niya.
"But mom, I already had something in mind hindi mo na dapat bawiin yon." She replied. Alam naman niya na sobrang liit ng chance na pumayag ng mom niya sa magiging request niya but atleast she had the chance to tell them na iyon ang gusto niya. Hindi iyong ganito, ayaw man lang nila siyang pakinggan.
"Red, we've talked about this many times. She's 18 alam na niya kung ano ang tama at mali. She can decide for herself and we both agreed na susuportahan natin siya." Pagtanggol sa kanya ng Dad niya.
"I know. Go ahead anak, anong gusto mo?" Her mom replied half heartedly. Kita sa mukha niya ang lungkot.
"I want to move out and live on my own" she confidently said. Bumalik na ulit ang ngiti sa mukha niya.
Her dad was not shocked at all about her reply but her mom's reaction was unexpected. Biglang parang nawalan ng emosyon ang mom niya.
"Not gonna happen." Maiksing sagot ng mom niya.
Padabog namang ibinagsak ng Dad niya ang tasa ng kape na hawak hawak nito kanina.
"You're being ridiculous, Red. Huwag mong ipakita sa anak mo yang ganyang ugali mo. Lilac, you can go to your room for now. Ako na ang bahala sa mom mo."
Tumakbo na lang siya paakyat ng kwarto niya habang nagpipigil ng luha. That was the first time she saw her mom like that. Parang walang emosyon at blanko lang ang isip. Ngayon alam na niya kung gaano kaimpossible makaalis sa bahay na iyon.
Pakiramdam niya nakakulong siya. Humiga siya ng kama at tinakpan ang tenga niya. Bihira mag-away ang parents niya pero nakakatakot palagi ang eksena kaya palaging sinasabi ng dad niya na sa kwarto lang siya kapag may ganitong sitwasyon.
Her mom won't stop cussing, rinig pa niya ang pagbabalibag nito ng mga gamit at sumisigaw rin siya. Unfortunately, hindi kayang i-block ng earplugs o unan ang sigawan sa ibaba.
"Unfair ka, Raven. Bakit noong ako lahat ng pagkontra ginawa mo?" Naiiyak na sabi ng mom niya.
"I don't want to make those mistakes again. Red, please hindi na to tungkol sayo o sa akin. This is her life." Narinig niyang sagot ng Dad niya.
She never really knew what went down with her parents' life. Kaya rin hindi niya maintindihan ang pain ng mom niya or ng dad niya. For her, it is very unfair for them not to give her a normal life just because hindi normal ang naging buhay nila noon.
She stopped crying after an hour, wala na ring ingay sa baba pero wala muna siyang balak alamin kung ano na ang nangyari.
Nagvibrate ang phone niya. Tumatawag si Genesis. She immediatley answered the call.
"Hey, kamusta?" He asked. Rinig ni Genesis ang mahinang pagsinghot ni Lilac. He knew it is not a good news. "Mukhang hindi okay." he continued.
"Uhm, mom changed her mind. As if tamang paasa asahin akong may opportunity na ako to make my own decision tapos biglang babawiin" she replied
"They have their own reasons bakit sila overprotective sayo, sure ako they'll come around" he replied.
"Wala na akong pake kung anong gusto nila." She confidently said. She's not going to wait for their permission anymore.
"Lalayas na lang ako"
Shit. Bad news. Genesis thought.
BINABASA MO ANG
The Untamed Flower
General FictionThis is a story of rebellion. Well, not really but probably. The story of Iris Lilac, daughter of Red and Raven. There's one thing Lilac always asks to herself. "When will her life really begins?"