About to Bloom

458 18 3
                                    


Sa dulo ng hagdan ay naghihintay si Genesis, panganay na anak ng Tita Natasha niya. Siya ang escort niya para sa araw na iyon dahil siya lang naman ang kaibigan niyang lalaki. No, scratch that. Siya lang naman ang nag-iisang kaibigan niya. Bestfriend niya na ito kung tutuusin dahil siya lang naman ang only friend niya. Mas matanda ito ng isang buwan sa kanya kaya talagang dikit sila, kababata niya rin ito. Madalas na ipa-alaga ng Tita niya si Genesis sa mga magulang niya noong bata pa sila dahil sa trabaho.

Gwapo naman si Genesis sa malapitan, sa malayo ay mukha itong suplado na walang ibang gustong gawin kung hindi magbasa ng libro, maybe his thick eyeglasses are the reason behind it. Parang walang tatagal na conversation kapag kinausap mo siya pero kabaliktaran iyon, madaldal si Genesis, laging may baong kwento kapag dumadalaw sa bahay nila. Manly siyang tingnan but in a nerdy way, hindi siya iyong ruggedly handsome looking guy na babalikan mo ng tingin kapag nakasalubong, hindi rin siya iyong mukhang model ng sikat na brand ng damit kahit na maganda rin naman ang katawan nito. He's neat, that's the right way to put it.

Nakatitig lamang si Genesis sa kanya mula nang lumabas siya sa pinto ng kwarto niya at bumaba sa hagdan. Napaigtad pa nga ito nang muntik siyang matalisod dahil sa pangalan niya. Siguradong aasarin na naman siya nitong "lampa" kapag nasa baba na siya.

"Careful." he mouthed then smiled. Mabait si Genesis ngayon sa kanya dahil kaarawan niya but on normal days ay bully ito. Bully siyang kaibigan at bully ring kapatid kay Casey.

She's not really close with Genesis' sister. Pakiramdam niya ay intimidated ito sa kanya or maybe it's the other way around. Civil lang sila sa isa't isa. Sayang, she would love to have a sister, iyong pwede niyang kwentuhan about girly stuff unfortunately she's an on only child.

Her mom and dad tried to have another child but later did they know na isang beses lang pala capable ang Mama niya na manganak. Hindi naman malungkot ang parents niya when they found out about her mother's situation, parang relieved pa ang Mama niya. Siya, siya ang talagang nalungkot sa balita. She remembered her reaction nang ibalita iyon sa kanya ng Papa niya, she was only 5 years old back then. Umiyak siya and she kept on saying she needed a little sister dahil si Genesis ay may kapatid na, Casey was only a year old that time.

Pakiramdam niya ay sobrang tagal na niyang bumaba sa hagdan, parang ang haba haba ng hagdan nila kaya pagdating niya sa baba at nang maisukbit siya ang kamay sa bisig ni Genesis ay bumuntong hininga siya.

"Pagod na pagod? And dami mo sigurong iniisip habang humahakbang ka pababa." Genesis said. Tumango na lamang siya sa statement nito. She did not confirm kung pangod nga ba siya o marami lang siyang inisip or maybe both.

"Bakit naman naka-salamin ka pa? Birthaday party to, hind group study. Anong akala mo, may review?"

Natawa siya sa sinabi, ngumisi naman si Genesis, it's as if ang daling isipan ng witty comeback ng sinabi niya.

"Kung makapag-salita ka naman, hindi ka pa naman naka-attend sa group study."

He replied and that shut her up. Totoo naman na hindi pa siya naka-attend sa kahit na anong group study or study mismo. She never went to school, sa bahay lang siya. Wala siyang proper education experience, hindi siya nakapag-uniform, never siyang ipinaghanda ng baon ng Mama niya. Hindi niya alam ang recess or anything related with the word "school". She frowned because of her realization. Si Genesis lamang ang nagsasabi sa kanya tungkol sa mga iyon. He noticed that she was hurt sa nasabi niya so he apologized immediately.

"Sorry. Bad joke."

"Okay lang, sanay na ako sa mga insensitive jokes mo." She said and smiled half heartedly.

The Untamed FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon