Chapter 8

370 17 6
                                    

Avery's Point Of View

Sinundo muna namin si Kai ang kapatid ni North. Pagkadaan namin sa bahay nila ay nasa labas na kaagad itong si Kai. Magulo pa ang buhok nito at hindi pa naka button nang maayos ang long-sleeves nito. Sa una nahihiya ako tutal kahit classmates kami, kaso nga lang never talaga kami nag-kausap o naging close man lang. Dahil dati palang sinasabihan na ako ni Mia na corny daw kasama ang mga boys.

Sumakay na kagad si Kai, sa tabi ko siya umupo sa may backseat. Actually ang bango niya. This is such a weird confession pero type na type ko ang pabango ng mga lalake.

Natatawa ako saaking sarili dahil secretly kong inaamoy si Kai. Parang baliw ka, Avery.

"Don't tell me sa tagal niyong mag-classmate ay hindi kayo close ah?" ani North saamin then he chuckled. Ang cute rin ni North kahit mukhang bata pa ito he has that cute Kuya figure pa din.

Ngumiti nalang ako at napunta ang atensyon ko kay Kai. Nakatingin ito sa gilid at di pa rin umiimik. Nahiya ako bigla dahil naisip ko na baka nabadtrip si Kai dahil kasabay niya ako pumasok.

"Psst..I'm sorry, Kai. Uhm sa abala." pabulong kong sabi kay Kai at lumapit sakanya ng konti. Para talaga maamoy ko pabango niya joke.

Lumingon kaagad saakin si Kai at nahalata kong namumula ito ng konti. Siguro nahihiya siya or baka nahahalata niya yung sniffing pabango session ko. Yikes nakakahiya! Kaya naman umurong ako muli sa dating kong pwesto.

"H-Huh? S-Sorry saan? U-Uy wala kang kasalanan ah." pabulong rin na sagot saakin ni Kai at napakamot ito sakanyang ulo. Lalo lang nagulo ang kaniyang buhok, pero bagay naman sakanya.

"Yie close na sila! Oh tamang tama nandito na rin tayo." ang sabi ni North na kulang nalang ay tumili ito. Tinigil niya ang sasakyan sa may parking lot ng aming school.

Nagkatitigan kami ni Kai at sabay pa kaming tumawa. Naunang bumaba si Kai at pinagbuksan ako ng pinto.

"And they chivalry is dead." ang pagkanta ko kay Kai. I know I Know ang confident ko sa part na yun. Pero minsan lang yan! Uy at least nasa tono.

"Songist ka pala eh." seryosong sabi saakin ni Kai.

Mamaya ay natawa nanaman kami ng sabay. New friend, I guess?

"Take care, bro beans! And take care of Ave. Text me pag uwian niyo na. Mmkay?" pahabol na sabi ni North kay Kai habang nakababa ang window nito.

Sa totoo lang, hindi ko inexpect na ganito si North. Parang nung isang gabi lang ay parang magka-edad at tropa kami. Then ngayon talagang kuya na kuya ang datingan niya. We waved goodbye kay North at Sabay na kami pumasok ni Kai papunta sa classroom.

Pagpasok namin sa room bigla kong naalala si Alexandre. Kaya napatingin ako sa bawat sulok ng classroom namin para masilayan si Alexandre. Ngunit wala talaga. Ang nahanap ko lang ay si Mia. Tinitigan lang din ako nito. Oh, Ave. Nakalimutan mo ata. She's my seatmate...and my bestfriend. Nagtataka lang ako na ni-ngiti ay wala ako nakita kay Mia. As far as I can remember, good terms naman kami nung isang araw ah?

"Okay ka lang ba?" pagtapik saakin ni Kai.

"A-Ah oo naman. Sige uupo na ako doon." ang sabi ko kay Kai at tinuro ang pwesto ko sa may tabi ni Mia.

"So kita-kits nalang later sa recess..?" ang sabi sakin ni Kai habang halata pa rin na nahihiya ito saakin.

"Sure, Kai." ang sabi ko kay Kai at nginitian ito.

"Kai Angelo Fausto. Nice meeting you." biglang paglahad ng kamay ni Kai saakin.

"We already met, Kai. Baka nice finally uhm.. talking to you? Ave. Avery Claud Dela Grance." pagtanggap ko sakanyang kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mam,Can I Go To The Cr? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon