Prologue

58 6 12
                                    

May narinig akong katok sa labas ng aking pintuan, ako lang naman ang tao ngayon sa aming bahay kaya nagtataka ako kung paanong may kakatok gayon pa man ay ako lang ang mag isa

takot na takot ako at agad na nagbaluktot ng kumot, takot ako sa mga multo at sa mga engkanto at kahit anong elemento na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

Ngunit sandali pa man ay nawala na ang katok sa labas ng aking pinto, agad naman akong nakahinga ng maluwag at humupa na ang aking takot

Nang ipipikit ko na sana ang aking mga mata, narinig kong unti unting bumubukas ang pintuan ng aking kwarto, sa iisipin kong multo iyon agad akong nagbaluktot ulit ng kumot at nagsusumigaw.

Pero sa hindi ko inaasahan isang Lalaking napakagwapo ang bumungad sa akin. Pero dahil nanaman sa napaka dali kong mag isip ng mga negatibong bagay bagay ay napag isipan kong isa itong magnanakaw, Rapist o kaya naman serial killer.

"Waah! Tulong! Tulong! May magnanakaw sa kwarto ko" pagsisisigaw ko, at nataranta akong napabangon sa aking kinahihigaan at agad ko naman kinuha ang unan na malapit sa akin at agad ko itong ihinampas sa lalaking hindi ko kilala na nakatayo sa aking harapan

"Hey stop it! Ouch! Aray! Tumigil ka nga!" pagrereklamo niya pero nagpatuloy pa rin ako sa paghahampas sa kaniya.

"Hoy tumigil ka nga hindi ako magnanakaw, sa gwapo kong to mapagkakamalan mong magnanakaw" sabi pa niya sabay ismid.

Hindi lang pala magnanakaw to sobrang hangin din pala nito, ang taas ng confidence na puriin ang sarili samantalang ako dito ay nanginginig na sa takot.

"T-teka sino ka ba?" Pagtatanong ko naman sa kaniya.

"Ako lang naman ang kukumpleto ng buhay mo" sabi pa niya sabay ngisi. Agad naman akong naguluhan sa sinabi niya. Anong sinasabi niyang siya ang kukumpleto sa buhay ko, gago ba siya, eh hindi ko nga siya kilala eh.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Tsaka bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko?" Pagtataray ko naman sa kaniya.

"Trip ko, pake mo ba, tsaka gusto ko lang naman sanang itanong sayo na kung pwede kitang maging girlfriend?" pa-cool niya pang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya dahil halos hating gabi na at pupunta siya dito sa kwarto ko, at itatanong lang kung pwede akong maging girlfriend , pwede namang bukas nalang diba, gwapo din naman siya. Ano ba tong iniisip ko, umaandar naman tong kalandian ko haays.

"Bakit sino ka ba para sagutin ko bilang boyfriend ko?" Hindi pa rin maalis ang pagtataka sa aking mukha ngunit agad naman iyong nawala at napalitan ng inis dahil sa napaka Sungit at antipatiko niya kung sumagot tsk.

"I already told you that I am the one who's going to be your future boyfriend, but if you only say yes to my proposal" he said theen smirked.

Bakit ba ang hilig mag smirk ng lalaking to, akala mo naman ikinagwapo niya, ay oo nga pala gwapo nga pala talaga siya pero tse! Pake ko ba. Sobrang pa-cool naman niya tsk.

"Eh paano kung ayaw ko?" Nang aasar kong tanong sa kaniya. Akala niya huh. Hindi kaya ako easy to get na babae, dahil alam kong ang gagago ng mga lalaki, wala na atang loyal sa panahon ngayon.

"Ok if ayaw mo eh di hindi kita mapipilit diyan" Bwisit na lalaking to , akala ko pa naman pipilitin ako.

Nagdalawang isip naman akong sagutin siya dahil ngayon ko lang siya nakilala at pangalawa, wala naman akong kaalam alam tungkol sa kaniya. Pero nanghihinayang naman akong ibasted tong lalaking to bukod sa napakagwapo na sobrang hot pa kaya sige na nga papayag na ako. I'll try to make this relationship work kahit alam ko namang walang posibilidad na magwork out to kasi nga Wala namang Forever tsk.

"Geh papayag na ako pero sa isang kundisyon" hmm, akala niya ah.siyempre gusto ko namang makilala siya kaya sisimplehan ko lang yung kundisyon ko.

Nakita ko ang pag aalinlangan sa kaniyang mukha ngunit agad naman itong napawi at napalitan ng ngisi

"Spill it, ano ba yon?" Tanong naman niya sa akin.

"Papayag akong maging boyfriend ka pero, ano munang pangalan mo, tsaka magbigay ka ng mga information tungkol sayo" siyempre tanong lang naman yung kundisyon ko. Gusto ko lang naman malaman kung sino talaga siya

"Hmm easy. Vince Lorence Cruz, 23" maikli niyang pakilala.

Bwisit naman oh, grabe naman tong lalaking to, ang tipid magsalita pero di bale na nalaman ko na din naman ang pangalan niya eh. Vince Lorence pala ha.

"Ang iksi naman, ano pa ?" Pagmamaktol kong tanong sa kaniya, at nagbabasakaling may idadagdag pa siya ngunit wala na talaga eh.

"Tsk. Yun lang naman ang mga impormasyong dapat mong malaman tungkol sa akin" naiirita niya pang sabi

Hindi nalang ako nakipag argumento, at nanahimik na lang pero agad din naman niyang binasag ang katahimikan sa pagitan namin dalawa

"So pa'no ba yan, tayo na?" Tanong niya pang may nakasupil na ngiti sa kaniyang labi. Napatingin naman ako sa kaniyang mapula-pulang labi. Ngayon ko lang na realize na sobrang gwapo pala talaga niya at nagmumukha na siyang si adonis sa sobrang kagwapuhan niya.

Agad naman siyang tumikhim kaya naputol ang pagmumuni muni ko.

"Ahm, ah eh oo, sige" tumikhim pa ako dahil nawala ako sa sarili ko ng sagutin ko ang tanung niya habang nakamasid pa rin sa kaniyang mukha.

"Hmm, sounds good, mabuti naman at hindi mo naisipang maging pa-hard to get" medyo tumawa pa siya sa huli niyang sinabi, habang ako naman ay napatitig lang sa kaniyang gwapong mukha. Agad naman niya itong napansin kaya napatigil siya sa kaniyang pagtawa at napatitig sa aking mga mata. Nahiya naman ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Ahm, oo nga pala bago ko makalimutan, ano nga palang pangalan mo, kanina pa tayo naguusap pero hindi ko pa din alam ang pangalan mo" tanong naman niya sa akin.

Oo nga noh, kanina pa kami nag uusap dito pero hindi niya pa din alam ang pangalan ko. Umayos naman ako sa pagkakatayo at sinagot siya.

"I'm Era miel Santiago" pagpapakilala ko naman sa kaniya.

Nakita ko naman siyang ngumiti at sinagot din ako.

"Era Miel, nice name" pagpupuri niya sa pangalan ko. Agad din naman akong nasiyahan sa sinabi niya pero agad na nakaramdam ng kaba ng unti unti nang lumalapit ang labi niya sa labi ko.

Nawala naman ako sa sarili ko at pumikit na lang, agad ko namang naramdamang dumampi ang labi niya sa labi ko.

napabalikwas ako ng bangon, pawis napawis ako dahil akala kong totoo ang kaganapang iyon,
pero isang panaginip lang pala.

Loving invisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon