Nagising ako kinabukasan na inaalala pa rin yung panaginip ko kagabi. Ano bang meron dun at parang totoong totoo. Haays bahala na nga mas lalo lang dumadagdag yung problema ko, may mga problema pa akong kailangang problemahin.
"Hoy Era maglinis ka na ng bahay diyan, hindi dahil pinapatira kita dito sa bahay ay libre na ang lahat, kailangan mong bayaran lahat ng mga gastusin mo dito, at sa pagpapa-aral ko na din sayo, babayaran mo yun sa pamamagitan ng paninilbihan dito sa aking pamamahay tsk." Utos sa akin ng magaling kong tiyahin, ganyan naman siya palagi eh parating may sumbat yung mga sinasabi niya kesyo Mga gastusin ko raw sa pang araw araw ay dapat ko ng mabayaran dahil wala na daw libre sa panahon ngayon.
"Oho tiyang maglilinis na ho" magalang ko naman na sambit sa kaniya. Alangan naman mag reklamo pa ako eh tama naman siya na siya ang sumasagot ng mga gastusin at mga kailangan ko kaya no choice ako kung hindi ang sumunod sa mga utos ni tiyang. Maaga na din kasi akong naulila dahil maagang sumakabilang buhay ang aking mga magulang haays.
"Aba! Dapat lang" masungit na sagot ni tiyang at agad na pumunta doon sa suki niyang nagmamanicure.
Ako naman ay sinimulan ng linisin ang buong bahay para agad na akong matapos at makapagpahinga naman ako.
Nang matapos ko ng linisin ang buong bahay ay agad na akong pumunta sa kwarto ko at umidlip sandali pero imbis na idlip lang ay nakatulog na talaga ako.
Nagising ako, at pagtingin ko sa orasan ay hating gabi na pala. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil bigla namang kumulo ang aking sikmura.
Tatayo na sana ako ng may marinig akong kung anong ingay na nanggagaling sa balkonahe dito sa kwarto ko. At dahil sa pagiging curious ko pinuntahan ko naman iyon at laking gulat ko ng may maaninag akong isang imahe ng lalaki na nakatayo sa veranda ng balkonahe, agad akong napasinghap dahil sa hindi inaasahan ngunit tinakpan nito ang bibig ko.
"Hmmp, hmmp" pilit ko sanang kausap dito, ngunit dahil nga sa nakatakip niyang kamay sa bibig ko ay hindi ako nakapag salita ng maayos. Pilit ko namang inaalis ang kamay niya sa bibig ko.
"Hmmp, ano ba!" Tuluyan na akong nakawala sa pagkakatakip niya sa bibig ko.
"Teka! Parang kilala kita ah!" May pag aalinlangan pa sa boses ko at agad na napasinghap ng mapagtanto ko kung sino itong nasa harapan ko.
"teka! Ikaw yung lalaki sa panaginip ko ah" tila nagulat ko pang sabi dito dahil hindi talaga ako makapaniwala na ang lalaking ito ay nasa harapan ko.
"Tsk. From now on, I'll always visit you here in your veranda, because as what you said a few days ago, I am now your boyfriend" tila ba nagmamalaki pa nitong sabi. At dahil sa sinabi nito naalala ko nanaman ang kaganapang iyon. Agad naman akong namula ng maalalang naghalikan pala kami, at dahil may tumatamang sinag ng ilaw na nanggagaling sa buwan ay kitang kita na namumula ang pisngi ko.
"Hey, why are you blushing?" Takang tanong naman nito. At dahilan upang mas pamulahan pa ako ng mukha.
"Tsk." Rinig kong sabi niya, na tila naiinis.
Pake ko naman sa kaniya, napaka-Cold at rude niya. Teka nga ipaalala niyo nga saakin kung bakit ko to sinagot Psh. Eh wala naman siyang alam kung bakit ako pinamumulahan ng mukha duh.
"Hey, kanina pa ako dito sa labas, would you mind if i come in?" Psh. Nagreklamo pa ang kumag akala mo naman kung siya may ari ng bahay na to.
"Eh di pumasok ka, wala akong pakialam" siyempre dapat easy lang ako, at dapat hindi halatang na-aakward ako. Napansin ko naman na pumasok din siya kaya umupo na ako sa gilid ng aking kama, dahil marami akong gustong itanong sa kaniya.
"Psst!" Tawag ko dito dahilang para lumingon ito sa direksiyon ko dahil kanina pa siya nakamasid sa kabuonan ng aking kwarto.
"What?" Walang emosyon niyang tanong. Bakit ba to ganito. Parang walang gana kung sumagot na tila ba may atraso ako sa kaniya lul.
"Diba ikaw yung nasa paginip ko, so pa'no ka naging totoo?" Takang tanong ko na halong may pagkabigla, at mangha.
"Oo, at ikaw lang din ang taong nakakakita sa akin" sabi pa niya.
Hindi naman ako agad naka-salita dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na ako lang ang nakakakita sa kaniya?"Hindi kita maintindihan. Bakit ako lang ang taong nakakakita sayo" curious ko pang tanong sa kaniya nang makabawi ako sa pagkabigla.
He just shrug his head. Ako naman ay malalim pa rin ang iniisip tungkol sa sinabi niya, ano ba talagang tinatago ng lalaking to sa likod ng mala anghel niyang mukha st mala adonis na pangangatawan na sa tuwing hating gabi lang nagpapakita. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nasa panaginip ko siya noong isang araw, litong lito na ako sa mga pangyayari hindi ko na alam kung talaga bang totoo to o imahinasyon lang ng malawak kong isipan.
Ng lingunin ko ang kaniyang direksiyon wala na akong nakita ni bakas ng anino o kahit anong tao na kanina'y nandito lang. At kasabay noon ay bigla na lang akong nagising na magulo pa rin ang isipan. Hindi ko alam na panaginip pa rin pala ang nangyayari, at hindi ko maintindihan ay kung bakit parati ko na lang nakikita ang imahe ng lalaking iyon sa aking panaginip maging sa paggising ko.
At dahil sa malalim ang iniisip ko hindi ko namalayan na umaga na pala. Kaya pala ng magising ako ay may tumatamang liwanag sa nakasiwang na bintana. At ang ipinagtataka ko ay bakit parang totoong totoo ang pangyayaring iyon. Hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang mga gumugulo sa isipan ko dahil na rin sa tinatawag na ako ni tiyang.
Bumaba na rin ako at agad na sinunod ang inutos sa akin ni tiyang. Nawala na rin sa aking isipan iyong pangyayaring naganap sa panaginip ko...
A/(Quotes of the day): hindi porket iniwan ka, eh mawawalan ka na ng pag-asa. Malay mo may mas mabuti at karapat dapat pa kaysa sa kaniya😂. Echos!

BINABASA MO ANG
Loving invisible
FantasyEra is a romantic kind of girl, She loves Fairytales and Romantic stories. but what if one day she'll be dreaming of a man inside of her room. asking her to be his girlfriend, and this guy become real. but the guy can't be seen by anyone's eye but o...