Chapter 3

13 1 2
                                    

Nagising ako ng maaga dahil pinatawag ako ni tiyang. Wala akong ka-ide ideya kung anong sasabihin niya. Baka naman pagagalitan nanaman ako nito dahil kung minsan ay hindi ko nagagawa ng maayos ang aking trabaho.

Bumaba na ako ng hagdanan at agad ko namang nakita si tiyang sa mesa na nag-aagahan. Lumapit naman ako dito at umupo katapat nito. "Magandang umaga ho tiyang" magiliw na bati ko pa rito. "Magandang umaga rin" sabi nito habang nakipagtitigan sa akin na animo'y ako'y sinusuri. Nakipaglaban naman ako ng titig dito dahil sa pagtataka kung bakit parang ang seryoso niyang tumitig saka napa-iwas naman ito ng tingin. At dahil sa kalituhan ko kung bakit ganon na lamang siya kung sumuri na animo'y may nagawa akong hindi inaasahan at sa iisiping baka dahil ito sa trabaho ko sa gawaing bahay ay nanahimik na lang ako.

"Hera" seryosong tawag pansin sa akin ni tiyang. Agad naman akong napatingin sa gawi nito. "Bakit ho tiyang?" Magalang kong tanong dito dahil baka bigla nalang akong bulyawan o kaya naman sigawan dahil sa mali ang aking maisagot dahil kung minsan pa naman ay masungit si tiyang.

"Gusto sana kitang kausapin" sabi nito na may mahihimigang sinseridad sa sinabi nito. Napa-ayos naman ako ng upo at tumango kah tiyang sinyales na sumasang-ayon ako. "Ano ho bang pag-uusapan natin tiyang?" Tanong ko rito.

Bakas sa mukha nito ang pagkabahala ng mapatingin ito sa gawi ko "gusto ko lang sanang sabihin na narinig kasi kita noong isang araw na may kinakausap ng mga dapit hatinggabi na ngunit ng tingnan ko naman ang iyong silid ay wala naman akong nakitang tao na kausap mo'' nababahala pa nitong paglalahad sa akin.

Kinabahan naman ako sa sinabi nito. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya makita ang lalaking kausap ko gabi-gabi? "Ahh-ehh kinakausap ko lang po yung pusa natin" pagpapalusot ko dito dahil baka pag nahuli ako ni tiyang na may kinakausap na lalaki eh palalayasin niya ako sa pamamahay niya, wala pa naman na akong ibang pamilyang mapupuntahan
mag-isa na lang ako sa buhay dahil pumanaw na ang aking ama at ang ina ko nama'y may ibang pamilya na rin.

"Huh? Paano naman nagkaroon ng pusa dito eh wala naman akong naaalalang may inaalagaan akong pusa" taka pang tanong nito habang nakataas ang kilay na tila ba pinagsususpetsiyahan niya ako na may ginawang masama.

"Ahh kasi po yun yung pusa na parating dumadalaw gabi-gabi. Eh hindi ko naman po magawang paalisin dahil naawa ako sa pusa kaya nag desisyon po akong alagaan ito" pang-uuto ko pa dito. Kailangan kong mag-sinungaling para hindi niya ako pagalitan o kaya naman palayasin kapag nalaman niyang lalaki ang kausap ko gabi-gabi at parati itong dumadalaw tuwing hatinggabi.

Halata sa mukha ni tiyang na hindi ito naniniwala at siguradong gigisahin ako nito ng mga tanong kaya napagpasyahan kong tumahimik na lang.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo o baka naman may lalaki ka ng nilalandi diyan." Mataray na sabi nito sa akin. Napayuko naman ako at agad na nangilid ang aking mga luha sa sinabi niya. Ang sakit lang na sabihan niya akong may nilalandi eh hindi naman totoo. Tahimik lang akong nakayuko at hindi na sumagot sa sinasabi niya.

Napatungo na lang ako at bumalik na sa kwarto ko. Ayaw ko lang naman sabihin kay tiya dahil baka mapagkamalan niya akong isang baliw.

Mag-uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko pa rin ang sinabi ni tiyang na wala raw siyang nakitang tao nang silipin niya ang aking kwarto pero nung mga oras naman na yun ay kausap ko ang lalaking parating dumadalaw sa aking silid. Hindi kaya'y isa siyang multo?!

Napabalikwas naman ako ng bangon sa aking naisip, napaparanoid lang siguro ako kaya kung ano ano ang iniisip ko pero kung hindi naman talaga siya multo eh bakit hindi siya nakikita ni tiyang? baka naman isa siyang Engkanto?!

napailing naman ako sa aking naisip, eh paano ba siya magiging engkanto kung ang gwapo gwapo naman niya, at ang kisig pa, siguro isa lang itong taong walang magawa sa buhay at ang nakakuha ng interes niya ay ang pumasok gabi-gabi sa silid ko. Hindi rin naman ako nababahala na gagawan niya ako ng masama dahil hindi naman siguro ito magnanakaw o kaya rapist, sa gwapo ba naman ng taong yun sinong mag aakalang rapist o magnanakaw siya, baka nga ako pa ang pag isipan na rereypin ko siya.

Siguro nga nagiging paranoid lang ako, kailangan ko lang talaga siguro ng pahinga dahil pagod lang yung katawan ko sa mga pinapatrabaho sa akin ng maldita kong tiyahin. Kung babalik man ang gwapong nilalang na yun naku! kailangan ko na talagang tanungin kung ano ba talaga siya, at kung bakit niya naisipan na gawing tambayan ang kwarto ko. Sobrang nasestress na ako sa mga pangyayari, I need a break! chos!

matutulog na nga lang ako at marami pang iuutos sa akin si tiyang kinabukasan tiyaka mag aalas tres na pala, hindi ko man lang namalayan ang oras, mabuti pa matulog na lang talaga ako at bukas ko na isipin ang mga nakakastress na bagay bagay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving invisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon