Chapter 2

23 2 0
                                    

Kanina pa ako nakatulala dito sa Veranda ng aking kwarto pagkatapos akong utusan ni tiyang. Muli nanamang bumalik sa aking isipan ang ala-ala nang aking panaginip. Bakit ba parang totoong totoo ito? Ngunit paggising ko sa umaga ay paulit ulit na ipinapaalala sa aking isipan na isa lamang itong panaginip, panaginip na kailan ma'y hindi magkakatotoo.

Papasok na dapat ako sa loob ng aking kwarto nang biglang nilipad ng hangin ang kurtinang nagsisilbing pintuan ng aking veranda. Agad naman akong napatingin doon ngunit wala naman akong nakita ni katiting na anino.

Nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng aking kwarto at pumunta na sa aking higaan upang matulog, malapit na din kasing mag alas otso ng gabi at maaga akong natutulog dahil alam kong marami nanamang ipapagawa sa aking gawaing bahay si tiyang kinabukasan. Hapon na din kasi ako nang matapos sa paglilinis dahil halos lahat ng kasulok sulokan ng bahay ay pinalinis sa akin ni tiyang.  

Humiga na ako sa aking higaan at handa ng matulog nang bigla nanamang humangin sa labas at nilipad nanaman ang aking kurtina. Binalewala ko na lang iyon at handa ng matulog. Hindi ko na namalayan na dinalaw na ako ng antok at nakatulog na ng matiwasay.

Napabangon ako nang may narinig akong kalampag sa veranda ko. Agad akong tumayo at sinilip ito ngunit wala naman akong nakita, nang babalik na ako sa aking higaan ay may naaninag akong bulto ng isang lalaki.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko namang lumapit sa akin ang lalaki at napa-urong ako sa takot na baka magnanakaw ito ngunit laking gulat ko ng maaninag ko na ang lalaking ito ay siyang palaging gumagambala sa aking panaginip at sa pangatlong pagkakataon ay nagpakita nanaman ito. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko na kung panaginip lang nga ba ito o talagang totoo.

"Hera" tawag niya sa pangalan ko. Napatitig naman ako sa mga mata niyang parang kumikinang pag tinititigan ito. Wala naman akong nagawa at na-estatwa na lang sa kinatatayuan ko. Hindi ko namalayan na siya na mismo ang lumapit sa akin at hinagkan ang mga kamay ko. napatitig ako sa kamay ko na hinawakan niya at tumitig din sa mga mata niya.

"Hindi ko na alam kung panaginip nga lang ba ito o totoo" tanong ko sa isip ko ngunit nasabi ko pala ito ng malakas kaya siguradong narinig niya din ito.

"Alam mo sa sarili mo kung ano ito Hera" seryosong sabi niya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano ba ang pilit niyang ipinapahiwatig, ano bang meron sa lalaking ito at parati kong nakikita sa aking panaginip.

Magsasalita pa sana ako ngunit nakarinig ako ng katok sa labas ng aking pinto. Agad ko itong pinuntahan at binuksan ang pinto.

"Heranea" tawag nito sa tunay kong pangalan. Nang marinig ko ang boses nito, alam ko na agad na si tiyang ito kahit pa madilim dito at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw.

"Oh tiyang. Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko sa kaniya dahil baka may ipapagawa o iuutos pa siya sa akin dahil hindi pa naman masyadong magabi.

"Ahh Wala para kasing narinig kitang nay kinakausap kanina nang mapadaan ako dito sa kwarto mo. May iba ka pa bang kasama diyan?" Tanong niya at sumilip pa sa loob ng kwarto ko. Agad naman akong kinabahan dahil baka makita niya ang misteryosong lalaki na si Vince nga daw. Napalingon din ako sa likuran ko at nagbabakasakali na andiyan pa siya ngunit pagtingin ko ay ni bakas ng taong nanggaling kani kanina lang rito ay wala kang makikita.

"Ahh wala naman po tiyang. Baka sa kabilang bahay lang po yung narinig niyo. Alam niyo na may katabi tayong maiingay na kapit bahay" pagpapalusot ko kay tiyang at mukha naman itong naniwala at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag at sinara na ang pinto at bumalik sa kinahihigaan ko.

Sumagi nanaman sa isip ko ang misteryosong lalaki kanina. Hindi na sa panaginip ko siya nagpakita ngunit totoo ba siya o imahinasyon ko lang na napakalawak at mapaglinlang.

Wala naman akong nagawa at pumunta na lang ng banyo at agad na naglinis ng katawan at bumalik na ulit sa kinahihigaan. Sa ngayon hindi ko na muna iisipan ang mga bagay bagay na nakakapangamba, matutulog na lang muna ako at kinabukasan ko na lang poproblemahin lahat ng iyon.

Bumangon ako para kunin ang aking cellphone at tiningnan kung anong oras na dahil wala rin naman akong orasan dito. Nang makita ko sa aking cellphone ang oras ay agad akong nagulat dahil hating gabi na pala at akala ko ay maaga pa. Napakadali nga naman tumakbo ng oras at sa pagtakbo nito ay buhay ko naman ang nagbabago.

Wala na akong nagawa kundi umidlip pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Pinilit ko pa rin ang sarili kong makatulog at palipat lipat ng pwesto kung saan ay mapapakiramdaman kong komportable ngunit hindi ko talaga mahanap ito. Nagpatuloy lang ako sa pagpalipat lipat ng pwesto hanggang sa hindi ko naman namalayan na nasa bingit hulihan na pala ako ng aking kama at tuluyan ng nahulog. Bumagsak ako sa kama at agad na nakaramdam ng sakit sa may likod at bewang ko.

"Aray. Ano ba naman kasi tong ginagawa ko. Nahulog pa tuloy ako tsk" pagalit at naiinis na sabi ko sa sarili ko. Ano ba naman kasi tong ginagawa ko.

Bumalik ako sa kama at humiga na ulit. Pinapakiramdaman ang tahimik na bumabalot sa aking paligid na mga kulisap lang ang tanging ingay na maririnig sa labas ng aking silid. Napatingin naman ako sa aking kisame at nag-isip ng malalim tungkol sa nangyari kanina, dinalaw na rin naman ako ng antok at iidlip na sana ng nakita ko ang mukha ng misteryosong lalaki sa aking panaginip sa huling pagkakataon at tuluyan ng nakatulog dala na rin siguro ng pagod.

Loving invisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon