Chapter 1

343 1 0
                                    


Sheyn's PoV

      ~kring ~kring

*puk

Argggggggghhhhhhhhhh!!!!!!!! Napabalikwas ako sa pagkakahiga dahil sa lakas ng pagkakabato sakin!

"Anu nanaman ba yun Yuan?!" Sigaw ko sa nakababata kong kapatid.

"Eh kasi naman! Pa-alarm alarm kapa dyan dika naman nagigising kaya binato ko nalang sayo yung alarm clock mo! Ang ingay eh!" Sabay higa ulit sa kama!

Kung di lang umaga tinadtad ko na to ng mura! Ang sakit !!! Kinapa ko yung noo ko at grr!! May bukol ako ! Buset ka talagang Yuan ka kahit kelan!

Tumayo na ako sa pagkakahiga tsaka lumabas sa kwarto. As expected tulog pa lahat ng tao dito. Anu pabang aasahan ko?! Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Walang pagkain.. tanging daga at ipis lang ang laman ng ref namin! Juice colored!

Nagkape nalang ako. Yun nalang ata ang pinakamatinong nangyari sa umaga ko. Nakapag kape ako bushing! Tak na buhay toh ! Wala akong raket ngayong araw kaya chulala nanaman ang lola nyo. Tengga nanaman sa bahay ...

Naupo ako sa sofa dala ang tasa ng kape at nanuod nalang ako ng TV na sa sobrang linaw hindi ko na makita kung sino yung mga artista limao~

Hala ! Sige harot pa! React ko sa panunuod ng kilig romance nayan! Kapeste! Ka aga aga ang lalandi ng mga tao jusme! Bitter mode nanaman tuloy ako.

Walang pagkain. Walang raket. Walang lablayf. Rest in Peace

Pero atlis Maganda check!

Nakakaurat naman manuod! Kaya ayun pinatay ang TV alis sa sofa labas ng bahay punta sa garden tambay! Ayan ang layf !!

Tulala nanaman ako! Pano ba naman kase nawalan ako ng raket na magtinda ng mga panty at bra sa mga kapit bahay napakababa naman kasi ng nakukuha ko kaya ayun iniwan ko. Pinagkaperahan pako ng punyeta kong ex na ayun sumama sa haliparot niyang bago na mukha namang si ursula tse!

Sanay na ako sa ganitong buhay. Ako ang nagtataguyod sa pamilya. Nag aaral si Yuan, si Papa naman paraket raket lang din, si Mama ayun nanlalaki.. nagsawa ata sa hotdog ni Papa kaya naghanap ng imbotido jusme! 😁

Kasabay nun! Nasanay nalang din akong lokohin! Oo masakit na harap harapan ka ng sinasampal sa katangahan mo eh anung magagawa ko perfect example ako sa pagiging tanga eh! Lord nagpaulan ka ng katangahan ayun ako nakanganga sinasalo lahat ng grasya mo! At nung nagpaulan ka ata ng katalinuhan nasa outer space ata ako nun kaya di ako nabiyayaan. Saklaf!

"Ate pasok nako"

Napatitig nalang ako sa kapatid kong nakauniform pampasok. Tumango nalang ako sa kanya at bumalik sa pagkakatitig sa mga halaman. Kailan kaya ako magkakaron ng permanenteng trabaho ano?!

Tinawagan ko nga pala kagabi yung kaibigan ko si Addie mangingibang bansa na siya sa makalawa. Oh diba? Iiwan din ako ng chaka! Magpaparetoke lang ng boobs yun para lumake kaya mangingibang bansa eh! Char lang syempre!

Si Addie ata ang bestfriend ko! Kababata slash parang tunay ko ng kapatid. Saksi siya sa lahat ng kahirapan ko at saksi din ako sa kahirapan niya. Bessy goals ang pegla!

By the way, ang daldal ko di pa pala ako nagpapakilala sa inyo.. ako nga pala ang Dyosa ng Kagandahan! Well im Sheyn Martinez. 15 years old char lang 21 years old. College graduate ng Bussiness Ad. Pero eto ako ngayon ngangabells. Hirap magfinding job eh parang si Lablayf tago ng tago bushet!
Pumasok nako sa loob. Sinisikatan nanaman kasi ako ng araw baka ako'y maprito.

"Bessy!"

Napatingin ako sa pinto na nakabukas at nakatayo doon si Addie

"Oh bakit andito ka?!"

"Grabe ka! Aalis na nga ako ganyan ka?!"

Eh?! Makalaglag panty naman pala tong eksena na toh! Ngayon ang alis niya?! Akala ko sa makalawa pa

"Ngayon na alis mo?!"

Tumango lang siya. Medyo nasaktan ako pero pinilit ko nalang itago yun

"Sus! Excited kalang magpalaki ng boobs kaya nagmamadali ka!"

"Tarantado! Mamimiss kita bessy!"

Niyakap niya na ako at syempre si Luha ayun bumagsak na. Magkakahiwalay na kami netong kambal baluga ko pero syempre mas maganda ako

"Mag iingat ka dun ah! Baka naman makakilala kalang ng gwapo isuko mo agad ang bataan!" Pagbibiro ko

"Gaga! Diba nga sabay natin isusuko ang bataan!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Tsaka di ako maghahanap dun! Remember nandito ang forever ko!"

"Gag* walang ganun! Eh? Bat aalis kapa?"

"Kailangan talaga eh"

Ang chaka nakahanap ng poreber dito anak mayaman eh bat pa kaya aalis toh?!

"Alam ba ng boylet mo na aalis ka?"

Umiling siya. Kaya ayun nakatikim siya ng kotong ng malupit sakin. Chaka ba naman hindi manlang sabihing aalis siya

"Mas maganda na yun bes para di nako mahirapan!"

Asus nagdrama ang bruha! Niyakap ko na siya ng mahigpit! Jusme mamimiss ko tong bruhildang toh! Hanggang sa umalis na siya ako .. eto tulala teary eyes pa din! Hanggang kelan bako iiwan ng mga tao?! Wala walang baga! Char. Maayos lang yung mga files ko maghahanap na talaga ako ng trabaho!

Umakyat ako sa kwarto ko. Humiga at nakinig nalang sa music

Music is my Life.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako its 5pm na kaya ayun bumaba na ako. Nagugutom ako ni hindi pala ako nagtanghalian. Kaya bumaba na ako sakto nagluluto sa papa

"Pa!" Bungad ko.

"Oh gising ka na pala"

Umupo nako sa upuan at kumuha ng plato. Nagugutom talaga ako.

"Pumunta kanina dito ang mama mo

Napatigil ako sa pagkain. Para akong nawalan ng gana. Mabuti't tulog ako at hindi ko siya nakita baka kung ano pang masabi ko sa kanya. Kumain nalang ako ulit ng hindi nagsasalita.

Para sakin matagal na akong walang ina.

Siguro'y napansin ni Papa na di ako interesado kaya kumain nalang din siya.

Pagkatapos kong kumain. Saktong pagdating naman ni Yuan. May pasa, mukhang nakipag away nanaman ang loko ! Tsk

Umakyat nalang ako sa kwarto at sumunod naman siya sakin.

"Nakipag away ka nanaman ba?!"

"Oo ate! Mga siga siga eh!"

Hays. Kahit kailan talaga palaaway tong kapatid ko! Kaunting angas sa kanya durog ang ribs mo. Mana kay ate ! Hahaha

Hindi ko na siya pinansin at nahiga nalang ako sa kama ko. Pagod ako napagod ako sa pagtambay kaya ayun nakatulog nanaman ako

My Sassy SecretaryWhere stories live. Discover now