Sheyn's PoV2 years later
Nagising ako ng maaga para mag ayos ng sarili. Ngayon kase ang interview ko para sa trabaho ko sa napakalaking company sa bansang toh! Tinulungan ako ng pinsan ko para mainterview dito kaya sana naman ... matanggap ako!
Ayon sa research ko biggest company of Silver in Asia ang papasukan ko pag natanggap ako. And know what kung anung trabaho ang inapplyan ko..
Secretary lang naman ng President ng kompanya kaya parang nawawalan nako ng pag asa eh.
S E C R E T A R Y yun ano ba?! Sino ba namang hindi kakabahan dun! Tsaka eto pa ah! Nalaman ko na napaka cold daw nung President mas cold pa sa yelo ! Asus hampasin ko siya ng snow eh! Tapos masungit pa daw kaya halos buwan buwan silang maghahanap ng secretary kase walang nakakatagal sa pwestong yun
Sus! Subukan nya akong sungitan babatuhin ko siya ng folder ! Pero wag na baka ako naman ang matanggal !
Pagkatapos ko makapag ayos . Nagpaalam na ako kila Papa at Yuan. Papunta na ako ngayon dun sa Company.
MALAKI nga talaga yung kompanya. Halos malula ako sa taas nun tapos ang bongga pa ng pagkakagawa. Mukhang mamahaling hotel ang company. Ang sosyal ng lobby eh. Tapos organize talaga lahat ng corners. Ang laki pa ng centered-chandelier nila. Anu kayang feeling pag bumagsak yan?! Hays anu ba yang iniisip mo Sheyn!
Nakausap ko na yung pinsan ko and ilang minuto nalang daw magsisimula na yung interview na ang President mismo ang magtatanong oha! 10 employees lahat ang pang 8 ako hays ! Nanlalamig ako. Para ako nakahubad na ginaw na ginaw sa kaba! Hanggang sa mag umpisa na nga yung interview. Syempre nasa labas kami.
Ilang minuto lang lumabas agad yung isa at pumasok naman yung pangalawa.
SA paghihintay ko. Diko namalayan na ako na pala ang susunod dito sa katabi ko. Nang makita kong lumabas na yung babae tumayo na yung katabi ko at pumasok na. Anung nangyayare? Bat para silang ginahasa pag lumalabas sila?! Ano? Susuko ko naba ang bataan?! Hays anu ba naman tong iniisip ko! Puro kalokohan!
At tuluyan na akong kinabahan ng tawagin na ako.
"Ms. Martinez"
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. This is it!
Naglakad na ako papasok. Isang bakanteng upuan na nakaharap sa table na may swivel chair na mukhang ang President ang nakaUpo dun.
Umupo na ako sa upuan at nagrelax. Jusme! Sino bang di magpapanic sa kagwapuhang taglay ng kaharap ko?!
"Enjoying the view?"
Napabalik ako sa tamang pag iisip ng magsalita siya.
"Ahm.. I am Sheyn Martinez. 21 years old. Graduate in Bussiness Add and having some experience in Working. Fkimjsbhusuaniatgbsffsjjnnsjn jsjaonwinnn yiishjnna sjxjxjjsjjjsjqjjajjnhdkjsjs jsisksis"
"That's All?"
Punyeta! Ang dami kong sinabi tapos yun lang?! Nangangasar ba siya?!
"Anyways, i have one question. Anung pinagkaiba mo sa kanila at bakit kailangan ikaw ang tanggapin ko?"
Nakakainsulto na toh ah! Wala naman sa exam yung ganyang tanong eh!
"Alam mo ikaw? Kung ayaw moko tanggapin sabihin mo! Hindi yung ang dami mo pang sinasabi? Anong pinagkaiba ko sa kanila?! Tss para ka ding ex ko eh! Ang hilig akong ikumpara sa iba! Hindi ba pwedeng gusto ko lang magtrabaho?! Kailangan ba naiiba pako bago niyo ko tanggapin?! Jusme! Edi kung nagagalingan kayo sa iba edi dapat wala ako dito ngayon!! Tse!"
Nag walk out na ako! Hindi ko kinaya toh nyeta! Paglabas ko lahat ng tao nakatingin sakin. Malamang narinig nila lahat ng sinabi ko. Tss mga peste sila lahat.
"ANO???!!!!" Pasigaw na tanong ng pinsan ko.
"Sinigawan mo si Boss?!"
Tumango lang ako. I am beautifully proud sa ginawa ko.
"Bagay lang yun sa kanya. Dami niya pa kasing satsat! Di nalang sabihin ayaw niya sakin dami pang sinabi"
"Ikaw na! Ikaw na ikaw na! No comment! Basta bahala ka pag mamaya sa bahay nyo kaladkarin ka palabas ng mga pulis ah"
Laglag panga ako sa sinabi niya. Masyado bakong naging harsh dun sa lalaking yun?! Magsosorry bako? Eh! Ayoko nga! Bahala siya sa buhay niya. Inubos ko nalang yung juice na iniinom ko.
"Excuse me?"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Siya yung nag aassist kanina sa amin.
"Ahm Ms. Ramos hindi ko po siya kilala ah"
Pesteng pinsan toh! Iwanan ba naman ako?! Anu kayang kailangan neto sakin?
"Yes?"
"Are you Ms. Martinez?"
"Ako nga bakit?"
Ipapakulong bako?! Hala pakshet! Napakasama ba ng ginawa ko?!
"Okay then follow me"
Susundin ko ba toh?! Teka! Magpapaliwanag ako! Nadala lang ako sa init ng ulo! Put* bat walang lumalabas ng salita sa bibig ko! Sumakay kami sa elevator at pinindot niya yung 35th floor. Grabeng taas naman pala neto
Teka! Anung gagawin ko dun! Tungunu kinakabahan talaga ako! Wala naman akong ginawang masama ah! Eyyyyyy anu ba ?! Kinakabahan na talaga ako! Promise! Magsosorry ako sa kanya pag nakita ko siya! Hanggang sa bumukas ang elevetor.
Halos mapanganga ako sa design ng floor na toh! Masyadong special. Gawa sa super duper fiber glass ang floor pero hindi mo makikita yung baba. Sobrang ganda naman dito! Lahat glass motive. And pure and white ng mga walls dito. Gawa ata lahat sa marmol eh! Carpeted pa!
Habang sa paglalakad namin nakarating kami sa isang pinto
O F F I C E of the P R E S I D E N T
Halos manluwa ang mata ko ng makita ko kung kaninong kwarto toh! Hihingi ako ng tawad sa kanya! Promise!
"Go ahead! The President is waiting for you"
Nanlalamig ako. Ambibigat ng hakbang ko. Pumasok na ako sa napakabonggang kwartong toh! Ngayon lang ako nakakita ng ganito! Jusme makatunaw baga ang ganda!
"Now sit"
Napatitig lang ako sa kanyang nakatingin na pala sakin. Umupo ako sa visitor's chair na nakaharap sa kanya.
Agad akong lumuhod.
"Sorry! Sorry dko sadya! Wag moko ipapakulong! Kawawa ang pamilya ko!!!! Arrgghhh maawa ka! Please patawad nadala lang talaga ako sorry"
"Congrats"
Halos malaglag yung panga ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya na tumatawa ng tahimik.
So? Pinagtitripan niya ako?! Argh! Mamamatay ng maaga tong lalaking toh!
"Siraulo ka talaga eh noh!"
"What?!"
"Joke lang po Sir!"
"You're now my Personal Secretary Martinez"
Personal Secretary?
YOU ARE READING
My Sassy Secretary
General FictionRaven Silvester is a President of the biggest company of Silver in Asia. He is one of the famous richest bachelor in Asia. And in his country being a womanizer is his great definition. He is also known as Icy Cold President because of his cold treat...