Chapter 10

52 0 0
                                    


Raven's PoV

    Hindi ko maiwasang mapatingin sa mayayamang dibdib ng sekretarya ko. Nararamdaman ko na din yung kaibigan kong galit na galit na gusto ng lumabas sa pantalon ko. Fuck this kind of Secretary!

Buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa secretary ko at mas lalo sa isang babae. Na pinagluluto ko pa at ayaw kong mawawala sa paningin ko.

Kanina kasi hinanap ko siya ang sabi ni Katarina umalis kaya hinabol ko siya. Ang naabutan ko nalang ang sasakyan ni Darwin na umalis na. Fuck you as*hole!
Nakaramdam agad ako ng inis sa nakita ko kaya naman sumakay ako sa kotse ko at sinundan sila.

Napanatag ang loob ko ng makita ko sa monitor ng kotse ko na papunta sila ngayon sa bahay ni Sheyn. May Tracking Device kasi ang bag niya para naman alam ko agad kung san siya pupunta. Kaya nalaman ko.

Pag alis ni Montero sa bahay niya, ako naman ang pumasok. Nainis ako kay Sheyn na di manlang naglock ng pinto kaya pumasok ako. Inakyat ko siya sa kwarto niya at nakita kong tulog na tulog siya. Saglit ko siyang tinitigan tsaka bumaba. Nanuod ako saglit ng TV nila. Nang matapos akong manuod pumunta naman ako sa grocert store at namili doon. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang Caldereta. Matapos kong makabalik, sinilip ko ulit siya sa kwarto niya na tulog na tulog pa din. Tsaka ako nag umpisang magluto at maghain hanggang sa magising siya.

"Sir? Sir!!"

"Ahh... why?!"

Nakatulala na pala ako!

"Ang sabi ko anung ginagawa mo dito?"

"Wala lang" cold na sagot ko.

Mag isa na pala siya ditong nakatira. Bakit di nalang kaya siya sa bahay ko? Pwede!

"Ehem.. ehem.. Sheyn!"

"Po?"

Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Sa bahay ka muna tumira"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Wala namang mali don. Muntik na ngang may mangyari samin kanina sa office eh kaya di malayong tama lang na sakin na siya tumira

"No way!"

"Then why?"

"Asawa ba kita?!"

"Boss mo!"

"I dont care"

Yan ang gusto ko sa kanya, masyado siyang totoo sa sarili niya. Too stubborn for me. Hindi ko naman matatagong gusto ko si Sheyn pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Siguro dahil sa past ko.

"Bakit Sir? May secretary ka na ba dati na ibinahay mo?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Bumalik lahat ng alaala ko sa dating babaeng minahal ko na bigla nalang nawala.

"Sir?"

"Hah?"

"Di ka nanaman nakikinig!"

"What?"

"Nevermind"

Napabuntong hininga na lang ako. Its been a 3 years simula ng iwan ako ng babaeng sineryoso ko. Secretary ko siya. 2 years akong walang secretary nun at si Sheyn ang sumunod. Kaya ko pinipigilan ang sarili kong magustuhan siya dahil baka maulit ang nangyari sakin. Ayoko na! Kaya ako naging womanizer dahil sa babaeng yon

"Ahm Sheyn! Una na ako ingat ka dito"

Hindi ko na siya pinatapos at dali daling lumabas na ako. Sumakay agad ako sa sasakyan ko at nagdrive papunta Terraces Bar. Ang bar na pagmamay ari ni Terrence. Magpapakalasing nalang muna ako. Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit ko. Tinawagan ko na lahat ng kaibigan ko sila Darwin, Zach, Venson at Louiel na pumunta sa bar ni Terrence.

My Sassy SecretaryWhere stories live. Discover now