Sheyn's PoVThese past few weeks nag iiba na talaga ako. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Paiba iba ako ng mood araw araw. Madalas din akong maumay sa mga pagkain at nagiging sensitive na rin ako.
Natatandaan ko last last night, sa sobrang kaartehan ko sa sofa ko pinatulog si Raven although hindi naman 'kami' wala pa din akong paki sa kanya. Hanggang sa nasanay nalang talaga siya na ganun kami.
Nakatengga ako ngayon dito sa office ko. Bored na bored na ko kakahintay kay Raven. Nasa bored meeting kasi siya ngayon at ako wala akong magawa.
"Hi Raven im her-"
Nakapamewang akong humarap kay Addie na kulang nalang ng isang push mahuhubaran na ng damit.
"Where is my Raven?"
"Office toh hindi toh kagubatan kaya wag kang magkalat ng kaliskis mo dito"
Tinarayan niya lang ako. Ibang klase!
"So sinasabi mo bang ahas ako?"
"Came from your own mouth"
Halatang halata ng pikon na pikon na siya sakin. Onti nalang susugurin na niya ako.
"Eh sino bang mas ahas satin Sheyn? Akong binabalikan ang ex ko or ikaw na inaangkin ang hindi naman sayo?"
"Well siguro nga nang aangkin nga ako pero sinigurado ko naman na inangkin ko ang hindi na pag aari mo kaya kung babaliktarin natin, ikaw ang nang aangkin ngayon"
"How dare you!"
Tinignan ko lang siya ng masama. Hindi na talaga siya nakapagtimpi at sinugod na ako. Aba'y syempre hindi papatalo ang lola niyo.
Nagsabunutan kaming dalawa. Kalmutan at gerahan. Nung una kawawa siya sakin kaso nakabawi siya at tinulak ako. Tumama ang likod ko sa center table na siya namang kinasakit ng tyan ko. Hindi na ako nakapalag at sinabunut sabunutan na niya ako.
"Fuck!!!"
Natigilan siya ng biglang pumasok si Raven. Hindi na ako nakatingin sa kanya dahil abg focus ko ay nasa binti kong inaagusan ng dugo. Kabado akong napatitig don.
"Fuck!! Why are you bleeding?! Fuck!!!"
Agad niya akong binuhat habang si Addie ay naiwang tulala sa opisina. Lahat ng makasalubong namin ay sa amin na nakatingin. At hindi ko napansin nawalan na ako ng malay.
3rd Person's PoV
Matapos mawalan ng malay ni Sheyn ay dinala agad siya ni Raven ospital. Bakas sa mukha ng binata ang pag aalala lalo na ng makitang dinudugo ang sekretarya.
Matagal siyang naghintay sa waiting area ng ospital bago lumabas ang doctor.
"Where's the guardian of Ms.Martinez?"
"Ahm ako po!"
Sa wakas ay nakahinga na ng maluwag ang binata ng makausap ang doctor.
"She's stable right now. But we need some observation for her. Dont worry she's fine"
"Thank you Doc!"
Maglalakad na sana si Raven papasok sa kwarto ng dalaga ng magsalita ulit ang Doktor.
"And the baby is healthy"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Raven sa narinig. Hindi siya makapaniwalang magiging ama na siya at sa mismong sekretarya niya pa.
Sheyn's PoV
Masakit ang pangangatawan ko. Nagising ako sa isang maliwanag na kwarto na malamang ay ospital. Sobrang sakit ng likod at tyan ko. Nawalan na din pala ako ng malay matapos ng nangyari samin ng pesteng Addie na yun! Nako! Wag lang siya papakita sakin kundi makakapatay ako!
"Are you okay Sweety?"
Halos mapawi lahat ng sakit ng makita ko ang gwapong mukha ni Raven na bumungad sakin.
"Ayos lang ako. Ano palang nangyari"
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Ngayon lang niya ako niyakap ng ganun. Anong nangyari?
"Oh? Anung problema?"
"Nothing. Im just worried"
Niyakap ko na din siya. Ganun ko ba siya pinag alala? Grabe nanaman ang tibok ng puso ko. Hindi ko nanaman mapigilan ang kiligin sa lalaking toh.
"Wag mo ng uulitin yun okay? Sasama kana lagi sakin! Kumain kana din lagi and please? Healthy foods!"
Anung nangyayari sa lalaking toh? Bakit ganito siya? May nangyari ba? Ang OA mo na ah
"Anu bang meron? Ang OA mo na ah!"
"I just want the best for you and.."
Kinunutan ko siya ng noo. May hindi sinasabi sakin tong lokong toh!
"And?"
"The best for our baby"
Halos manluwa ang mata ko sa narinig ko. Anu bang sinasabi ng lalaking toh?!
"Kaya nga pinag iingat kita. Healthy ang baby natin pero hindi mahigpit ang kapit niya kaya mag iingat ka okay?" Sabay hinalikan niya ako sa labi.
Ang galawang Raven. Hindi ako makapaniwalang magkakaanak na kami knowing that we're not in a relationship.
"Tsaka i think kailangan mo magleave sa trabaho"
"No way!"
Ano siya? Balak niya bakong mabulok sa bahay niya?! Kaya ko naman eh
"Okay okay fine! But pag 7 months kana you'll take your leave whether you like it or not"
"Okay Sir"
MATAPOS kong madischarge ay dumiretso naman ako sa bahay ni Raven. As ussual doon nanaman ako sa kwarto niya. Hindi niya nga ako masyadong pinagagalaw eh kaso daw baka makasama sa anak namin.
Mas OA pa siya sakin! Siya nalang kaya magbuntis. Pero ang gaan sa feeling na may natatawag akong anak 'namin' thank you for coming to us baby.
"Hey? What's the matter?"
"Nothing"
Nagulat nalang ako ng umupo siya at pinakandong niya ako sa kanya. Habang hinihimas himas niya ang tyan ko. Im so proud na siya ang tatay ng anak ko. So proud.
"Raven.."
"Hmm?"
"Hindi kaba galit sakin?"
Napabuntong hininga siya tsaka niya ako hinarap sa kanya.
"Why would i?"
"Kase nabuntis ako"
Ilang segundo siyang nakatitig sakin na para bang nag iisip.
"I never taught about using protection for you"
Kumunot naman ang noo ko. So? Gusto niyang mabuntis ako
"What?"
"I want to have a family especially when you're the mother"
Hindi na ako nakapagsalita. Tanging tibok ng puso ko nalang ang pinakinggan ko. Wala na eh! Hulog na hulog na ako.
"Remember when you asked me if am i dreaming and i said that im dreaming about you"
"Yes i remember that"
"Ito mismo ang panaginip ko na hindi ko inaakalang mangyayari talaga"
Natunaw naman ang puso ko sa confession ng lalaking yakap yakap ko. Bakit ganun siya?! Ang galing niyang magpakilig!
"Wehh"
"Yes. And now that my dreams came true.. wala nakong mahihiling pa"
Hindi kona napigilan ang sarili ko at nahalikan ko na siya ng tuluyan.
YOU ARE READING
My Sassy Secretary
Fiksi UmumRaven Silvester is a President of the biggest company of Silver in Asia. He is one of the famous richest bachelor in Asia. And in his country being a womanizer is his great definition. He is also known as Icy Cold President because of his cold treat...