Sheyn's PoVMaaga akong nagising ngayong araw. Ang sabi ni Raven kahit anung oras ko lang daw gustuhing pumasok. Mabuti naman ang pakiramdam ko. Kasabay ng sobrang pag aalaga ni Raven sakin. Medyo tinatamad nga akong kumilos pero kailangan kong pumasok.
Naligo na ako at nag ayos. Nagluto din si Raven ng almusal at yun ang kinain ko. Gustuhin ko mang uminom ng kape bawal namab kay Baby.
2 months and 3 weeks na din pala tong dinadala ko. Pero hindi naman halatang buntis ako. Tsaka maluluwag na t-shirt din ang sinusuot ko.
Bumaba na ako ng bahay at bumungad sakin ang kinasusuklaman kong tao.
"Anong ginagawa mo dito Maam?!"
Nagkunwari nalang ako para hindi naman masyadong halata.
"Wag kang magsinungaling Sheyn! Nagsumbong na si Addie alam kona lahat! At binabahay ka na pala ni Raven pero hindi mo naman alam kung mahal ka ng tao! Ganun ka na ba kadesperada?!"
"Wow!"
Napapalakpak ako sa sinabi ng magaling at huwaran kong ina
"Such a great wisdom from my mother!"
"Sheyn!!! Hindi kita pinalaking malandi!"
Nanggigil ako bigla sa sinabi niya sakin.
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan dahil simula't sapul inalis na kita sa buhay ko! At malandi?! Sino bang huwarang ina ang nagturo saking lumandi?"
*pak
"Wala kang galang! Ganyan kaba pinalaki ng ama mo?!"
"Wag mo dito madamay damay ang tatay ko!"
*pak
Hindi kona napigilan ang sarili ko itinulak ko ang sarili kong ina.
"Lumayas ka dito!"
"Such a stupid girl!"
Napatulala ako ng dumating ang Tito ni Raven
"Don't touch my Wife!" Sabay tulak sakin.
Ako naman ang tumilapon halos mamanhid buong katawan ko.
Ang baby ko
Agad akong tumayo habang umiiyak.
"Ayan ba ang babaeng kinahuhumalingan ng pamangkin ko?!"
Halos manginig ako ng maramdaman ang mainit na dugong dumadaloy sa binti ko.
"A-ang b-baby k-ko...."
"Ano?! Buntis ka?!"
Lumapit siya sakin at hinawakan ako na agad ko naman itinabig.
"Wag mokong hahawakan!!!"
"Anak pasensya na! Hindi namin alam!"
"Ano ba?! Sabi ng wag mokong hahawakan!!!!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Puro iyak nalang ang nagagawa ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ng mawalan ako ng malay.
NAGISING ako sa isang kwarto. Hinang hina ang katawan ko.
Baby ko.
Agad akong bumangon sa pagkakahiga sabay na hinawakan ang sinapupunan ko.
"Gising ka na pala"
Madilim na mukha ni Raven ang sumalubong sakin.
"Raven ang baby natin!"
Natahimik siya bigla. Hindi ko gusto ang inaakto niya.
"Raven! Ang baby ko!"
"Our child is gone! Because of you!!"
Halos gumunaw ang mundo ko. Hindi ko rin matanggap na sa buong buhay ko sinigawan ako ng lalaking pinakamamahal ko.
"Anu ba Sheyn!!! Alam mong buntis ka! Pero bakit ka naging pabaya! Fuck!!" Sabay sabunot sa sarili niya.
"Ako lang ba ang may kasalanan?! Kung hindi mo sana ako iniwan edi sana okay pa letche!"
Agad kong tinanggal lahat ng nakakabit sakin at tumayo.
"Sheyn!"
"Tutal.. wala na rin naman ang anak ko lets end this! End!!"
"Sheyn.." sabay hawak sakin.
Tinabig ko lang ang kamay niya at nagmamadaling pumunta sa Cr para magpalit ng suot.
"Just remember this Raven! Forget about us!"
Dali dali akong lumabas ng kwarto at bumungad sakin ang mga taong may kagagawan ng pagkawala ng anak ko. Damhin nyo ang galit ko mga peste kayo! Nagmadali akong umalis sa ospital at sumakay ng taxi. Tinawagan ko si Yuan at ang kaibigan kong si Mhia na kung pwede ipaayos ang files namin. Pupunta na kami ni Yuan sa U.S susundan namin si Papa at doon nalang kami titira. Sapat na ang milyon milyon kong ipon para mabuhay kami don.
Nang makarating ako sa bahay naabutan ko si Yuang naghahanda ng gamit namin.
"Bakit parang biglaan naman ata toh ate"
"Basta"
Umakyat na ako sa taas para mag impake ng gamit ko. Natext na din ako ni Mhia okay na daw yung plane ticket namin. Makakaalis na kami now na. Matapos kong mag impake bumaba na ako at inayos ang sarili ko. Tinulungan ko na din si Yuan na maglagay ng gamit sa taxi.
Sumakay na kami sa taxi at pumunta na sa airport. Gusto ko ng makalimot. Gusto ko munang lumayo. Lumayo sa mga taong nanakit sakin. Mga taong tumapak sakin. At ang mas masakit sa taong pinagkatiwalaan kong mananatili sa tabi ko na hindi manlang pinakinggang ang side ko. Wala ng mas sasakit pa sa mawalan ng anak at sisihin ng taong mahal mo. Nakita ko kung gaano siya magalit sakin na halod ipagtabuyan na niya ako. Alam kong gusto akong icomfort ng kapatid ko pero mas pinili niya nalang ang manahimik.
NAKARATING na kami sa Airport. Saktong sakto din dahil arrival na ng flight namin. Napakabilis ng proseso at nakasakay agad kami sa eroplano. Masakit. Masakit lahat ng nangyari pero kailangan kong ibaon lahat sa limot. Kailangan kong iwan lahat dito. Magsisimula na ako ng panibago kong buhay sa Amerika. Mas mabuti na yun kaysa manatili dito na puro sakit lang ang hatid.
Good afternoon to all the passengers here. I would likely to say that we will arrive in 5 minutes. Make sure to wear the seat belts and stay calm. Thank you.
Namahinga na ako. Salamat at makakalayo na din ako. Susubukan kong kalimutan ka Raven kasama ng pananakit na ginawa mo sakin. Akala ko matapang ka at poprotektahan moko pero nagkamali ako. Maling mali ako. Mali akong pinaglatiwalaan pa kita. Maling mali.
"Ate ayos kalang?"
"Oo naman!"
"Eto candy pangrelax"
Ngumiti ako at kumuha ng isa. Sana nga kaya ng candy alisin lahat ng hinanakit ko sa buhay. Sana kaya niyang pawiin lahat ng sakit na ginawa nila sakin. Sana kaya niyang pawiin ang pangungulila ko sa anak kong nawala ng dahil sakin.
Kinain ko na yung isang candy. Dumungaw nalang ako sa bintana ng eroplano. Nagsisimula ng umandar toh. Paalam dito. Kailangan ko munang makamove on para makapag umpisa ako ulit. Siguro nasaktan ako pero alam kong makakabangon ako.
"Ate tulog muna ako. Ikaw din"
Nginitian ko lang ang kapatid ko. Pamilya ko na nga lang siguro ang karamay ko.
=sentence for the Day=
Habang nasasaktan ka unti unti kang natatauhan. Habang nasasaktan ka unti unti mong naiisipang iwasan ang katangahan.
YOU ARE READING
My Sassy Secretary
Fiksi UmumRaven Silvester is a President of the biggest company of Silver in Asia. He is one of the famous richest bachelor in Asia. And in his country being a womanizer is his great definition. He is also known as Icy Cold President because of his cold treat...