QUINN ELIA
Sabado na ngayon at nandito lang ako sa room ko.
Tok! Tok! Tok!
"Anak! Baba na kakain na!" sigaw ni daddy.
"Opo daddy susunod na po!" sigaw ko.
Bumaba na ako at umupo na sa dining table, nakita ko si mommy na nag-aayos na ng kakainin si ate naman sa mga plate's.
Kanina kung tatanungin nyo ko puro pagod lang ang ginawa namin!
Si daddy kasi eh!! May biglang emergency kasi sya sa opisina kaya kailangan nyang umalis. Hindi tuloy sya nakasama samin nila mommy at ate. Sabi ko nga sa kanila, tutal wala naman si daddy hindi nalang ako sasama pero si nommy makulit!! Gusto nya ako isama! Nag-enjoy naman ako kanina kaso puro shopping ang ginawa! Nakakapagod!!
Hala?
Bakit sobra ng isang plato?
"Ate bakit sobra ng isang plato?" tanong ko.
"May bisita tayo." sabi ni mommy.
May bisita?
"Sino po?" tanong ko.
"Basta malalam mo mamaya!" sabay ngiting nakakaloko ni mommy.
Hmmmmm....
I smell something fishy...
Ding Dong!
"Ayan na sya!!!" dali-daling naglakad si mommy papunta sa pintuan.
"Daddy sino po yun? Bakit ganun ka excited si mommy?" Tanong ko.
"Hay nako bunso ,tignan mo nalang." sabi ni mommy.
Sino ba kasi yun?!!
"Hello po? Good evening!"
"IKAW!!!!!!!!!!" Sigaw ko!
Bakit yan nandito!!
"Sige na iho, maupo ka na." sabi ni mommy.
"mommy bakit ya nandito!" sabi ko.
"Bunso, ano ganyan ka ba magpasalamat sa taong may ginawang maganda sayo?" sabi ni mommy.
Natahimik nalang ako.
Tama naman si mommy pero bakit kailangan pa dito sa dinner isabay!!!
"Sige na iho kain na!" alok ni mommy.
"Opo salamat -ARAY!!!!" sabi ni Abo.
HAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
"Bakit iho anong nangyari?" tanong ni daddy.
"Uhmm... ano po may umano po kasi sa paa ko, pero ok na po! Sorry po!" sagot naman ni Abo.
tsk.
Pahumble effect!!
Inapakan ko kasi paa nya eh! Badtrip eh!
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Bully
Humor🔥Highest Ranked Achieved #189 in HUMOR Ako si Skylar Gray Carter, at lapitin ako ng mga bully. Paano nalang kung maging girlfriend ko ang nag-iisang QUEEN of BULLY na si Quinn Elia Foster? Magwowork kaya ang relationship namin o mauuwi lang din sa...