QUIN ELIA
Today is sunday.
After ng mass sa simbahan nakareceived ako ng text galing sa unknown no.
0967816****
Hey, may meeting tayo mamaya about sa foundation day. Please be there at 1 pm sa room. Thanks!
Gm.
Bakit?
Bwisit naman oh! Kung kailan makakapagpahinga na eh!!
At tsaka matagal pa naman yung foundation day ah!! Masyadong excited tong mga to!!!
Nagtataka siguro kayo no? kung bakit may cp na ako?
Binilihan kasi ako ni mommy kanina. Napakakulit eh, sabi ko na nga na hindi ko naman kailangan eh. Pero ayun, dahil pera naman nila ggamitin edi go nalang!
Nandito na ako ngayon sa school at inintay ko nalang sila. Nandito nadin ang ibang classmate ko.
1:30 na hindi parin nagsisimula ang meeting.
Ano bang kalokohan to?!!
"Hoy! hindi pa ba magsisimula ang meeting?!!! Nasasayang ang oras!!!" sigaw ko sa president namin.
Sino pa ba?
Edi yung nerd na pabebe na nakikipaglandian kay Abo!!
"Eh.. ano k-kasi queen wala pa si Sky-" napatigil sya sa pagsasalita ng biglang may sumigaw na lalaki.
"PRESENT!!!!!!!!" Sigaw ni Abo.
"Ayan pwede na tayong magstart!" masiglang sabi ni Miyuki.
Batukan ko kaya tong babaeng to? Kanina halos natatakot na nung tinatanong ko tapos ngayong nakita si Abo hindi maialia yung ngiti sa mga labi?
"HOY DALIA MO! UMUPO KANA DITO NG MAKAPAGSIMULA NA TAYO! MARAMI PA AKONG GAGAWIN!" Sigaw ko kay Abo.
Sumunod naman si Abo sakin at tumingin na kaming lahat kay Miyuki, kaso itong babaeng to nakatunganga lang at nakangiti.
Nakatingin ata kay Abo?
Dukutin ko kaya yung mata nya para tumigil na sya sa kakatingin?
"HOY!! MAGSISIMULA KA BA O MAG-UUWIAN NA KAMI?!" Sigaw ko.
Sarap batuhin ng sapatos eh!
Oo nga pala, baka sabihin nyo pasosyal ako. Pagkatapos ng misa sa simbahan, kumain na kami at dumiretso na sa bahay. Nagpahinga muna ako sandali tapos nag-asikaso na para sa meeting na to. Medyo malamig naman ngayon kaya nagsweater akong itim, leggings na itim, black cap, at running shoes na itim.
Black is life!
"K-kaya ako nagtext ng biglaam dahil may nareceive akong text mula sa adviser natin na i-aadjust daw nila ang foundation day. I mean, papa-agahin daw nila." paliwanag ni President.
"Bakit daw?" tanong ng classmate namin.
"May bisita at seminar daw kasi next next week kaya no choice, para hindi daw madelay papaagahin nalang. Kaya we only have 3 days to prepare kasi 2 days ang foundation day." paliwanag nya pa.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Bully
Humor🔥Highest Ranked Achieved #189 in HUMOR Ako si Skylar Gray Carter, at lapitin ako ng mga bully. Paano nalang kung maging girlfriend ko ang nag-iisang QUEEN of BULLY na si Quinn Elia Foster? Magwowork kaya ang relationship namin o mauuwi lang din sa...