#9

50 2 0
                                    

QUINN ELIA

Nandito kami ngayon sa mall at kanina pa kami labas-pasok sa mga dress shop at kung ano-anong girly shops.

Itong si mommy at ate ba naman hindi maawat sa pamimili. Akala mo ngayon lang nagshopping sa buong buhay nila.

Pero sabagay this is the first time na makakapagshopping ulit kaming buong family na magkakasama.

Pero nakakapagod na at nakakagutom!! Napakadami na kaya naming bitbit!!


"Daddy pwede ba ihinto na muna natin to? Nagugutom na ako at masakit na ang mga kamay at paa ko!! Hindi ba kayo napaagod mommy at ate?" tanong ko sa kanila habang namimili ng jewerly.

"Oo nga naman Alice, miski ako nagugutom na." sabi ni daddy. Alice Foster ang real name ni mommy.

"Kawawa naman ang bunso namin napapagod na! Tara na, mamaya nalang natin to ipagpatuloy Leah. Let's go guys!!" sabi ni mommy.

"Bunso? San mo ba gustong kumain?" tanong ni daddy.

Saan ko ba gusto?

Ah alam ko na!!


Susubukan ko kung gaano katalas ang memory nila mommy at daddy.


"Dun po sa favorite ko nung bata." sagot ko sa kanya.

Nagkatinginan sila mommy at daddy.


"JOLLIBEE!!!" Sigaw nilang pareho.



YEHEY!!!



Alam parin nila hanggang ngayon!!




Niyakap ko silang pareho at sinabing..


"TARA NA SA JOLLIBEE!!!" Sigaw ko.










Andito na kami ngayon sa Jollibee, kami ni daddy ay nakahanap na ng table kaya umupo na kami. Sila mommy at ate Leah naman ay nakapila para umorder.

"Anak? Kamusta sa school?" tanong sakin ni daddy.

"Ah, ano- OK naman po daddy." sagot ko sa kanya.

"Marami ka bang kaibigan? papuntahin mo naman sa bahay para naman makilala namin?" tanong ulit ni daddy.

Hindi pa alam ng mga magulang ko ang kalokohang ginagawa ko sa school.

Yung pagiging Queen of bully ko.



Wala silang kaalam-alam tungkol dun.



"Naku daddy, wag nyo na po tanungin nyang si Elia kasi hmmmpp!! hmp!! hanobwa hmmmp!!!! hmp!!! bwitawan mow nga! hmmpp!!" Kahit kailan talaga si ate napakadaldal!






"Ano ba ginawa mo sakin!! Upakan kita dyan eh!" sigaw ni ate.

"Daddy si ate oh!!" sumbong ko naman.

"Leah.. Stop.." saway naman ni daddy.

"Blehh!!!!" pang-aasar ko naman kay ate.

"Isusumbong kita kala mo ah!!" sabi naman ni ate.

Bahala sya!

Edi isumbong nya!

Hindi naman ako papagalitan ni daddy eh!!



Nandito na si ate at nakikita ko ng naglalakad si mommy papunta dito pero nasan ang pagkain?



"Ate asan ag pagkain? Hindi paba kayo nakaka-order?" tanong ko.

Ang Girlfriend Kong BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon