SKYLAR
*BIIIIIPPPPPPPPPPPPP!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Dali-dali akong tumakbo sa kalsada!
"MAGPAPAKAMATAY KA BA?!!" Sigaw ko sa kanya.
Abnormal na babae to!!
Tatawid ba naman ng wala sa tamang tawiran!
Nababaliw na ba to!!
"ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO! MANYAK!" Sigaw nya.
Nakayakap kasi ako sa kanya kanina. Hinila ko kaya sya kanina dahil may paparating na jeep! Syempre pagkahila ko napayakap naman sya sakin! Wag kayong judgemental ah!!
At ito namang babaeng to niligtas ko na nga tinawag pa kong manyak!!
"Youre welcome." sabi ko sa kanya.
Bwisit!
Sya na nga niligtas eh! Sya pa ganun!
Kung hindi ko sya niligtas siguro naaksidente na sya!
Hindi nya ba naiisip yun?
"ANO BA!! BITAWAN MO NGA AKO ABO!!" Sigaw nanaman nya.
Hinila ko kasi sya at dadalhin ko sya sa tamang tawiran.
"Dito ang tamang tawiran ah, kung hindi mo alam ang tamang tawag dyan, PEDESTRIAN LANE ok. Dyan ang tamang tawiran para makapunta ka sa kabila!" sabay turo ko sa harap.
"Alam ko namang pedestrian lane yan ah!! ANO TINGIN MO SAKIN BOBO?!!" Sigaw nanaman nya.
Ang sarap pasakan ng medyas ang bibig nito! Ayaw matahimik!!!
"Alam mo nga hindi mo naman ginamit. Alam mo naman palang sa pedestrian lane ang tamang tawiran hindi ka tumawid dito? Ano tawag sayo? sige nga." tanong ko sa kanya.
Mukhang narealize nyang mali sya kaya sasaktan na naman nya ako!
"HEP!!! SUBUKAN MO!!! Imbis na magthank you ka ganyan isusukli mo? Dalawang beses na kita niligtas no!! Ibang klase ka talaga!" sabi ko sa kanya.
"CHE!!! MUKHA MO!!" Sabay tawid nya.
San kaya pupunta to?
"HOY!! ELIA!! SAN KA PUPUNTA!!" Sigaw ko.
"WALA KANG PAKI-ALAM!!" Sigaw nya naman sakin.
Pinagtawanan tuloy ako ng mga kapwa namin studyante na tumatawid!
BWISIT TALAGA!!
Hinabol ko sya at may naiisip ako!
KUKULITIN KO NALANG SYA!!
HAHAHAHAHAHAHA
"Elia san nga!" pangungulit ko sa kanya.
Hindi nya ako pinansin at dire-diretso lang sya.
Hahahahahahahahahaha!!
Akala nya naman magpapatinag ako!
Sinusundan ko lang sya ng sinusundan.
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Bully
Humor🔥Highest Ranked Achieved #189 in HUMOR Ako si Skylar Gray Carter, at lapitin ako ng mga bully. Paano nalang kung maging girlfriend ko ang nag-iisang QUEEN of BULLY na si Quinn Elia Foster? Magwowork kaya ang relationship namin o mauuwi lang din sa...