#1 prologue : special chap.

851 26 1
                                    


Ms. Sungit! Yan ang term nila sakin....

******

Paalala♨⚠⚠

This is a special chapter. Dito niyo malalaman kung bakit tinuringan akong MS. SUNGIT.

***********

"Ano ka ba? Isang taon ka na lang ba diyan? Bilisan mo kasi!" irita kong sigaw kay Teyan.

Ang bagal bagal kasi. Iihi lang isang oras pa. Nandito kami ngayon sa mall nagpapalamig, wala kasing kuryente sa bahay.

"Teka lang kasi, mag bla-blush on lang ako. Promise saglit nalang to"

Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya. Mag bla-blush on na eh para ng patay dahil sa kapal ng make up niya. Hay grabe naman.

And after a decade, charrot..

"Bilis bilisan mo nga"

"Ayan na po" at lumabas na siya sa Cr. Grabe ang kapal talaga ng makeup. Hay naku.

"Grabe ha. Isang oras talaga??" iritadong sabi ko sa kanya

"Grabe ka naman 30 minutes lang" 30 minutes??? Tss inirapan ko na lang siya at hinila na papalayo dun mahirap na baka bumalik pa.

"San tayo ngayon?"

tanong niya habang pinipindot pindot yung cellphone niya.

"Naku. Naku. Naku. Hanggang kailan ka ba magpapakatanga sa boyfriend mo ha Teyan??"

"Wala ka na dun saka umayos ka nga sinisilipan ka nila oh." sabi niya at nginuso ang nasa likuran ko. Aba manyak. Porke nakapalda ako at maputi legs ko. Ano daw? 😂 Naglakad ako papunta sa kanila at nagtanong.

"Sinisilipan niyo ba ak0?" matapang na tanong ko sila.

Ngumiti pa sa akin yung isang na mukhang ewan bago ako sinagot.

"Asus si miss nagpapakipot pa" saka niya ako kinindatan. Yuck Ewww.
Kadiri na talaga.

Nagtawanan naman yung mga kasama niya.

Umalis na ako dun baka ano pa ang magawa ko sa kanila.

"BULAGA" saka niya ako inakbayan.

"Kabayong mabaho ang amoy" dahil sa gulat ko siniko ko siya sa tiyan. Tinignan ko kung sino. Aba yung lalakeng may pakipot kipot pang nalalaman, nakapikit habang hinihimas himas ang tiyan. Napalakas yata siko ko.

"Aray naman miss. Hindi naman ako mukhang kabayo" Tss. Mas masahol pa sa kabayo kung alam mo lang. Saka niya ako inakbayan

"YOU--------BASTARD" at sinuntok ko siya sa mukha. Ayon siya ngayon nakasalampak sa sahig. Nag gwapo gwapohan wala naman palang dating.

"Hay Naku waste of time" sabi ko at saka pumunta kay Teyan na ngayon ay naka nganga.

"Bunga nga mo" sabi ko sa kanya.

Teka teka. Kanina pa ako daldal ng daldal dito, di niyo pa ako kilala.

Hi. Im Dhaebri Nean Bernabe (Dhab-ri Ne-yan Ber-na-be) Ang pangit ng pangalan ko no? Wala na kayong pake dun. Sisihin niyo magulang ko. Sabri sana yan kaso nagkamali sila.

In short Dab . 16 years of existence. Isang grade 10 student sa Kaliphean Highschool.

And Teyan Gerardo, my besty. 16 years old like me and also a student in Kaliphean.

"A-ang galing mo Dhae!" "Oo nga pala nag aaral ka ng taekwando" pagtutuloy niya. alam naman pala niya eh. State the obvious girl!!

"Dab!" pag cocorrect ko. Duhh. I hate that nickname. Why? Ughh. Basta yun kasi tawag ng ex ko sakin noon. Pesteng yun. He left me without bidding goddbye. He left me hanging alone. I wish I can obviate my feelings for him that time, even just a small feeling. Im so dumb na hindi ko man lang nalaman na may iba na syang babae. At ang mas masahol pa, sa panget pa niya ako pinalit. Idiot..

"Ay sorry" naka pout niyang sabi. Ewww. Hindi bagay sa kanya. Hayaan mo na nga minsan lang eh. Alam ko naaawa na naman yan. Tss.

"Its okey Teyan. I dont have feelings for him anymore. Duh!! Totally move on na kaya ako." Totoo yan. Wala na akong feelings sa aswang na yon.

"O-K. So! As I was saying san tayo pupunta?" ay oo nga pala nandito kami sa mall. Uhmm. San ng ba?

"Uhmm! Mag sho-shopping tayo diba?" Ang luluma na kasi yung mga damit ko no. Ayoko nun! Ayoko ng luma! Ipinamimigay ko nalang yung mga luma. So, every month akong bumibili ng maraming damit! Eh sa mayaman kami! Believe it or not, I dont care!😒

"Ay oo nga pala" saka kami dumiretso sa department store.

"Oyy! Eto oh maganda" suggest niya sa akin. Minsan na nga lang magsuggest yung fitted pa.

"Dont you see Teyan?! I hate fitted shirts. Saka, pink?? Nakalimutan mo na ba na tomboy na ako" Tssss. Oo tomboy na ako. Simula kasi nung single ulit ako ayoko ng magpaligaw. Sa ganda kung to? Ang kukulit kaya ng mga boys. Pipilitin lang nila akong magpaligaw sa kanila.Tss

"Tss. I try mo kasi mag fitted ulit. Sayang ang sexy mo pa naman!" Inirapan ko na lang siya. Hayyys. Ang bobo niya talaga. Ang hirap niyang maka gets.

"Dont you get it Teyan?! Tomboy ako diba? Diba? Diba?" Tsss nalang ang nasabi niya.

"Last one na!" sabi ko at naglakad papunta sa fitting room ng may nakabanggaan ako.

Bogshhh

"Aray" ang sakit nun ha. Sino ba kasi tong halimaw na nakabangga sakin.

"So-sorry miss" inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino.

Nerd?? Kaya naman pala eh. Tss. Mga nerd talaga. Laging nakayuko. Tss. Bat di nalang kaya nila tignan ang dinadaanan nila kaysa yumuko ng yumuko. Tss. Hay.. Napadalas na ata ang pagsabi ko ng Tsss. Tsss, hayyy. Ayan na naman.

"Sorry? Sorry nalang ba ang sasabihin mo? Di mo ba ako tutulongang tumayo"

Inilahad niya ang kamay niya kaya. Syempre tinanggap ko. Ang sakit kaya ng paa ko, makakatayo pa ako ng mag isa?

Hayy. Kanina pa niya ako inaangat wala namang nangyayari. Tss. Ang hihina talaga ng mga nerd.

At sa wakas na-iangat niya rin ako. Kaya lang.. Na out of balance ako at nadamay siya kaya ngayon. ......

Nasa taas niya ako.

Lub Dub. Lub dub. Lub dub. Isa pa tong puso ko. Bat ang bilis ng tibok nito?? Tinitigan ko ang mukha niya. Sheettt..... Ang gwapo pala niya! Kaya lang nerd siya? Bat kaya siya naging nerd eh ang gwapo gwapo niya. Hayyy. Ano ba tong naiisip ko. Erase erase erase. Na gi-girly na naman ako.

"Ah!! Mi-miss. Okey ka lang ba?" tanong niya!

"O-okey lang ako" why am I even stuttering?! Hayyss.. Saka ako tumayo. Ang akward kaya ng posisyon namin.

"Alis na ako miss!" sabi niya saka siya tumalikod.

Aalis na rin sana ako ng may naapakan ako.

ID?? Wait.. ID to ng Nerd!!

Tatawagin ko sana siya ng wala na akong makitang mukha niya.

Vish Neil Antonio. The nerdy guy..ʕ•ﻌ•ʔʕ•ﻌ•ʔ

********************************

Hope you enjoy reading my new story. I admit matagal akong mag update. Wala kasi akong ma isip na Idea.

Vote 🌟

Comment💭💬

And dont forget to follow the author. 😊😊

Ms. Sungit Likes Mr. NerdyWhere stories live. Discover now