MSLMN 4 Problems

266 12 0
                                    

Dab's Pov
Pumunta ako sa office ni Mrs.Valdes. Bumuntong hininga ako bago pumasok. Grabe, ang layo pala ng room namin sa office. Tapos matinik pa ang araw. Pinagpapawisan tuloy ako.

"Oh, Ms. Bernabe pinagpapawisan ka ata. May masama ka na naman bang ginawa?"

Na naman daw?! Sabagay alam na alam niya kasi ang mga kasungitang ginagawa ko.

"Malamang pagpapawisan ako, ang layo ba naman ng office mo. Anong akala mo 5 steps lang?!" sarkastiko kong sabi. Bastos na kung bastos. Im Ms. Sungit right?!

Napabuntong hininga nalang si Mrs. Valdes.

"So, ano pong sasabihin niyo?"

"Ikaw at si Vish Neil Antonio ang napiling lalaban sa paparating na Geography Contest."

What?! Yung nerd na yun?

"Eh bakit siya, diba galing siya sa lower section!?"

"Dont blame me iha. Kayo lang kasi ang nakakaperfect sa mga quizzes at outputs sa Geo at mataas ang mga grades niyo sa Geo. Pero kung gusto mo wag mong galingan sa Geo para ikaw ang hindi mapili" Arggh. That smirk, her smirk. Sarap sapakin sa mukha. Pero no way, ayaw kong ibagsak ang grades ko sa Geo no. No choice but to accept the offer. Offer ba talaga, eh mukhang pinilit niya ako. Bli-nockmail niya kasi ako, Arghh. Tung-ina this life

Eh ano pa bang magagawa ko. Pipilitin lang ako nila mommy pag nalaman nila to.

After ng meeting namin ni Ms. Valdes dumiretso ako sa canteen. Aba, gutom na ako. Sino ba ang hindi gugutumin kong nilibot mo ang buong campus. Bat ba kasi sa pinaka-dulo ang room namin.

"Isang sandwich at canned pepsi manang"

Ng makuha ko ang order ko umupo ako sa isa sa mga bench sa labas ng canteen. Ayaw kong makipagsiksikan ng upuan sa loob, kakabwisit. Ang ingay pa, baka masira pa ang precious eardrums ko.

Omg! Ang many ko na palang pimples

Put some blush-on kasi.

Oo nga. And put some face foundation din.

Napailing nalang ako sa kaartehan ng mga babae na nasa harapan ko. Sa dami dami ng lugar na pag-chismisan sa harapan ko pa. Bwisit!

"Magsitigil nga kayo" sita ko sa kanila. Mabuti pat umalis na sila kundi baka makalbo ko na sila

Omg! Lets go na mga girls.

Oo nga. Ms. Sungit ay susungit again.

"Sinabi nang magsitigil eh. Nakakarindi yang mga boses niyo. Conyohin ko kaya pagmumukha niyo." gigil na sabi ko.

Recess na recess bini-bwisit nila ako eh. Lalo pa akong nabwi-bwisit sa mga pag ko conyo nila. Sarap sipain sa mukha.

Buti naman at umalis na sila kundi baka ma-ospital sila ng di na oras.

"Hello Ms. Sungit"

As if na magugulat ako.

"Lumayo ka nga. Bwinibwisit mo araw ko eh"

"Lagi ka bang may Red Days?" natatawang tanong niya.

"Sapakin kita jan eh!"

"Kaka-galing ko lang sa hospital Dab, pababalikan mo na ako agad? Ang sungit mo talaga"

Inirapan ko na lang siya. Bwisit na bwisit na nga ako, dinagdagan niya pa. Hindi ko alam kong may lagnat na ako o kung ano dahil sa init ng ulo ko.

Nagulat na lang ako ng akbayan niya ako. Inayos ko muna ang eyeglasses ko bago sumigaw.

"ALADDIN. Ugh. Bwisit ka" sigaw ko.

Ms. Sungit Likes Mr. NerdyWhere stories live. Discover now