"Oh God NO!," nasambit na lamang ni Cecilia.
Lalabas pa sana si Cecilia nang naunahan ni Tony na i-lock ang pinto ng side na kinasasakyan ng dalaga.
"Let me out," sigaw ni Cecilia nab akas ang takot sa mukha.
Kinakatakot niya ang kalagayan nang kapatid, baka nakauwi na ito at nasa loob.
Sakto namang nag-ring ang phone ni Tony, nakita niyang si Maria ang tumatawag at agad namang sinagot iyon.
"Baby? Are you alright?" bungad ni Tony sa kausap.
"I've been shot, do you think I'm alright?" balik tanong ni Maria dito na may halong inis ang boses.
"You don't know?" tanong uli ni Tony.
"What?" sagot naman ni Maria.
"Your house is currently in flames," sabi ni Tony na agad namang nakakuha sa atensyon ni Cecilia.
"Is that my sister?" tanong ni Cecilia na nakatingin kay Tony na nakahanda nang agawin ang phone ni Tony.
"Give her the phone, please," sabi ni Maria kay Tony.
Agad namang binigay ni Tony ang cellphone niya kay Cecilia.
__________________________________________________________________________
Sabay-sabay silang pumasok sa bahay ni Steve.
Hindi akalain ni Maria na ang Ate niya mismo ang tatawag kay Steve sa ganoong ayos nila. In-insist pa ni Maria na kay Tony na lamang siya tutuloy pero sinabi naman ni Cecilia na masyadong nakakahiya kung pareho sila na naroon kay Tony, na kung kay Steve naman ay okay lang iyon dahil nobyo niya ang lalaki.
Pagpasok nila ay agad nilapitan ng katulong si Maria at kinuha ang bag na bit-bit niya, ayaw pa sanang ibigay ni Maria ang dala niya ngunint naisipi niya na mas maigi na iyon dahil baka mag-salita pa ito ay lalong lagot na.
"Manang palagay na lang ho ng gamit ni Cecilia sa guest room," sabi naman ni Steve sa isa pang katulong na naglakad naman papunta sa kanya at kinuha ang dalang gamit niya na kay Cecilia naman.
"Iya are you sure you're okay?" tanong ni Cecilia kay Maria na nakatayo katabi ni Tony.
Bahagyang namumutla ang dalaga pero sumagot pa rin iyon ng tango sa Ate niya.
"Mauna ka na sa guest room, Ate. You need your rest," sabi ni Maria.
"That's true babe, hindi biro ang binyahe mo," sabi naman ni Steve na inilagay ang kamay niya sa bewang ni Cecilia.
"But I need to take care of you," sabi ni Cecilia na tinungo si Maria at hinawakan ang pisngi nito.
"Ate I'm fine," sabi ni Maria. "Wala naman ako sa loob ng bahay nung nasunog yun. Mag rest ka na."
"Cecilia Steve and Iya is right," pag-sang ayon naman ni Tony.
Tumango na lamang si Cecilia at nag-pa akay na kay Steve papunta sa itaas kung saan naroon ang guest room.
BINABASA MO ANG
Agent Maria Clara: Ang Makabagong Pilipina
Любовные романыMaria Clara. Pangalang angkop sa isang mahinhin na dalaga. Isang tunay na kakaibig-ibig na dalaga. Masasabaing tunay na pilipina. Pero?!? Maria Clara na nakikipagkarerahan sa mga pulis. Mali ata! Peace! Makaluma na pala iyon! Si Maria Clara ang Mak...