Pangwalo

49 3 0
                                    

Natutulog si Maria ng gabing iyon isang Hindi pa din sya maayos at hindi rin makausap. Habang natutulog ang dalaga nasa kabilang kwarto naman si Cecilia at nag-iisip kung bakit nya sinabi ang mga katagang "I hate you" sa kapatid niya. Hindi niya din akalain na sakanya pa magmumula ang mga ganoong salita lalo na ng maalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Ana.

****FLASHBACK*****

"Wala kang karapatan na sabihin sa kanya yung mga sinabi mo," pagsisimula ni Ana na may hinahon pa sa boses.

"Hindi ko naman sinasadya na sabibin sa kanya yun," sagot ni Cecilia na humiwalay sa pagkakayakap niya sa kapatid niya.

"Sinasadya mo man o hindi naisip mo pa rin yun, dumaan sa utak mo may pinaghugutan," sabi ni Ana na halatang naubusan na ng pasensya. "Hindi mo ba alam na mas pinili nya pang sya na lang ang magsakripisyo para sayo. Na siya na lang ang magpapakasal para hindi ka bawiin ng Tita at Tito niyo sa kanya. Na mas pinili niya pang magpakasal sa isang taong hindi niya pa nakikita maging ligtas ka lang. Alam mo bang sa loob ng 3 taong pagkawala mo sa sarili ay nanatili siya sa mga kamag-anak niyo kung saan sya nakaranas ng pangaabuso? Alam mo ba yun? Hindi! Hindi mo alam at wala pa aa kalahati ng sinabi ko sayo ang mga pinagdadaanan niya ngayon."

Pagkasabi noon ay agad na umalis si Ana na may luha din sa mga mata niya.

Para namang nawasak ang pagkatao ni Cecilia sa narinig nya.

"Hindi pa iyo kalahati ng alam ko! Ano pang tinatago mo sakin Maria? Ano pa?" Sambit ni Cecilia sa utak niya.

Naramdaman ni Cecilia ang pagsikip ng dibdib niya. At alam niyang isa iyon sa mga senyales ng sobrang emosyon na nararamdaman niya. Emosyon na alam niyang mararamdaman niya lamang para sa kapatid.

Sinapo ni Cecilia ang dibdib niya at naramdaman niyang namamanhid na ang kanyang mga paa. Panay ang pag ungol ni Cecilia sa sakit pero wala syang magawa.

"Cecilia!" Sigaw ni Steve na noon ay kakapasok pa lang sa kwarto ni Maria at inabutan na naghihingalo si Cecilia.

Agad na binuhat ni Steve si Cecilia at dinala ito sa sariling kwarto ng dalaga kung saan naroon ang sarili nitonh oxygen.

Hiniga ni Steve si Cecilia sa kama at agad isinet ang Oxygen sa O2 at binuksan at kinabit kay Cecilia.

"Baby, look at me. Please look at me," sabi ni Steve na hinimas ang ulo at kamay ni Cecilia na noon ay umuiyak na sa sakit ng nararamdaman niya.

"Baby, breathe! Breathe slowly, please. Hinihintay la pa ni Iya, magkakaaayos pa kayo. Come on Baby," sabi pa ni Steve.

Si Cecilia naman ay walang naintindihan sa kahit anong sinabi ni Steve sa kanya bukod sa pangalan ng kapatid niya.

Agent Maria Clara: Ang Makabagong PilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon