Dahan dahang pinihit ni Maria Clara ang seradura ng pintuan ng apartment na pinanggalingan niya.
(A/N: Maria is pronounced as Mar-ya.)
Nag-tagumpay naman siya at walang kaingay-ingay niya itong naisara.
Pagkasara niya noon ay nakatayo na siya ng matuwid.
"Whew!" mahina niyang sabi at pinahid ang invisible pawis sa noo niya.
Sinipat niya ng maayos ang katapat niyang hagdan pababa, pinag aaralan kung may tao sa baba niyon.
Nang masigurado niyang wala namang tao doon, agad siyang bumaba ng dahan-dahan.
Tagumpay naman siyang nakababa hanggang sa ground floor ng apartment building.
Palabas na siya ng main door, kaya naman malakas na ang kanyang loob na magdire-diretso.
Saktong paglabas niya ng pinto ay nakita niya ang nilalang na pinagtataguan niya na may kasamang isang matandang lalaki. Agad siyang gumilid sa isang parte ng pinto kung saan maraming halaman.
"Haaaaay! Bwisit talaga yaong si Maria Clara. Yung isa kong tenant yun sa 7th floor," sabi ng nilalang na pinagtataguan ni Maria Clara.
"Bakit naman?" tanong agad ng lalaki.
"Kasi hindi ko alam kung nauwi pa diyan, aba't tuwing kakatukin ko para singilin ng upa di lumalabas. Naku po! Tatlong buwan na din ang utang noon," sabi ng babae.
"Nakakalimutan ko naman kasi magbayad! Paano pag magbabayad na ako ikaw naman ang wala," gustong isagot ni Maria Clara pero sa isip niya na lang sinabi.
Hinintay niya itong makapasok at tsaka siya lumabas.
"Muntik na yun ah!" sabi niya nang nakasigurado na siyang walang tao.
Patuloy siyang naglakad papaunta sa convenient store na malapit lamang sa apartment niya.
Pagkadating niya ay agad siyang pumasok sa loob.
Nagtungo siya sa estante kung saan nakalagay ang mga kapi. Namimili siya ng kapi na nasa cup na nang mapansin niyang may isang lalaki na palihim na nagsusuot ng pagkain sa bag nito.
Nilapitan niya ito at binulungan.
"Alam mo bang masama yang ginagawa mo? Pwede kitang arestuhin dahil dyan," bulong ni Maria Clara sa lalaki, sabay labas ng posas na naka-kabit sa pantalon niya.
Wari'y yelong nanigas naman ang lalaki at di nakakilos.
"Ibalik mo bago pa kita isumbong sa crew," bulong niyang muli sa lalaki.
Kala mo namang robot na sumunod ang lalaki at binalik ang halos lahat ng kinuha niya.
"Guard! Guard!" sigaw ni Maria Clara kaya naman agad na pumunta ang guard ng convenient store sa direksyon ni Maria Clara.
"Ano po yun Ma'am?" tanong ng Guard na kakarating pa lang sa harap ni Maria Clara.
"This guy here," sabi ni Maria Clara na hinawakan ang kwelyo ng lalaking nahuli niyang nag shoplift. "Check his bags. Nakita ko siyang nag sa-shoplift."
Pagkasabi niyon ay agad niyang iniwan ang dalawa at dumiretso sa counter.
"Good Morning, Maria," sabi ng crew na nasa likod ng counter.
"Good Morning din, Rye," sagot naman ni Maria Clara at inilapag ang coffee in-a-cup niya sa harap nito. "Pang-ilang guard na yan. Asan ba si Ana? Malulugi ako nito e, sabihin mo sa kanya palitan ng matinong guard ang magbabantay dito ah. Tsaka pakibilin na rin na siya na ang mag abot ng upa ko sa landlady ko, tatlong buwan na iyon."
BINABASA MO ANG
Agent Maria Clara: Ang Makabagong Pilipina
RomanceMaria Clara. Pangalang angkop sa isang mahinhin na dalaga. Isang tunay na kakaibig-ibig na dalaga. Masasabaing tunay na pilipina. Pero?!? Maria Clara na nakikipagkarerahan sa mga pulis. Mali ata! Peace! Makaluma na pala iyon! Si Maria Clara ang Mak...