Pangpito

102 7 5
                                    

"What the hell was that?"  galit na anas ni Tony.

_________________________

Hindi pa sila nakakabawi ay inulan na sila ng sunod-sunod na bala. Dali-daling kumilos si Tony at kinuha ang GLOCK 17 9mm Luger Pistol niya sa glove compartment ng sasakyan niya at bumuba sa driver's side habang si Maria naman ay dali-daling lumipat sa likod ng sasakyan at lumabas sa pintuan niyon.

Agad sumilip si Tony para masipat kung saan nang-gagaling ang mga balang tumatama ngayon sa kanila. Si Maria naman ay agad inabot ang bag niya kung saan nakalagay ang kanyang Colt .44 Magnum double-action revolver at tuluyang isinara ang pintuan ng sasakyan at tinignan si Tony.

"Nakita mo ba kung ilan at gaano sila kalayo?" agad na tanong ni Maria kay Tony ng makita niyang sinipat nito ang pinang-gagalingan mga bala.

"At least four men, Maria. Behind the trees," sagot naman ni Tony.

Agad na sumilip si Maria at nakita niya na may paa at kamay na nakatago sa puno di malayo sa kanya. Agad na umasinta si Maria at nag paputok ito na tinamaan ang kamay noon. Bumagsak sa tabi ng natamaan ni Maria ang isang carbine isang long-arm  fire arm.  Kilala ni Maria ang uri na ito dahil iyon ang madalas ipabaon sa kanila ni ng HQ kapag may mission sila kung saan sasabak sila sa matinding palitan ng bala. 

Tahimik lamang si Maria sa natuklasan. 

Akmang kikilos ang natamaan ni Maria upang kunin ang nahulog nitong baril ng inasinta ni Maria sa ulo ito at pinaputukan. 

"Fuck," mahinang bulong ni Maria. 

"Tony, mukhang papatayin tayo nitong mga nito," sabi ni Maria ng isinandal ang likod niyo sa pintuan ng sasakyan.

"You think?!?" sarkastikong balik naman sa kanya ni Tony. "Nice shot."

Sumilip si Tony sa hood ng sasakyan niya at ng makita niyang may clear shot siya aga niyang pinaputukan ang lalaking nasa side niya. 

One shot para sa kamay, at ng kumilos pa ito para kunin ang baril ay sinapul na ni Tony ang ulo nito.

"Another man down," sabi ni Tony.

"Two more to go," sagot ni Maria sa kanya.

Hindi magawa ni Tony at Maria na makipagpalitan ng tadtaran ng bala dahil alam nilang ku-kulangin sila ni Tony pag nagkataon.

"Cover me," sabi ni Maria at tumayo ang dalaga upang asintahin ang isang shooter.

Bagay naman na kinagat ng kasama nito at sumilip upang barilin si Maria, ngunit bago pa man nito makalabit ang gatilyo butas na ang bungo nito sa bala na galing sa baril ni Tony. Si Maria naman ay pinatamaan ang isang shooter sa kamay bagay na ikinahulog ng baril nahawak nito, sinunod ni Maria ang paa nito. 

Nang kikilos pa ang shooter na ngayon nakita na ni Maria na nakasuot ng full combat suit ng HQ nila ay tinamaan uli ito ng dalaga sa balikat naman. 

Si Tony ay dali-daling sinundan si Maria at kumunot ang noo sa nakita.

"Talk," sabi ni Maria sa shooter.

Tumihaya lang ang lalaki at tinanggal ang takip sa mukha nito.

"Fritz?" kunot-noong pagkilala ni Maria dito. 

Si Frits ay isa sa mga rogue agents na bigla na lang nawala. Ang usap-usapan sa HQ ay sumanib ito sa isang underground organization.

"Long time no see, Del Castillo," bati nito sa kanya at tumawa pa. 

_______________________________

The Call:

Maria: Hello Ate?

Cecilia: Maria, where are you?

M: Ate male-late lang kami ni Tony ng kaunti.

C: What? Why?

M: I'm sorry Ate. Tony has this thing with his car and we broke down in the middle of the road so, we're waiting for the repair thingy?

C: Oh okay?

Pagkababa ni Maria ng tawag ay tinignan niya si Tony na nakangisi naman ngayon. 

 "What?" tanong ni Maria  sa nakangisi na si Tony. 

"Being a little girly doesn't suit you very well," sagot naman ni tony dito.

Agent Maria Clara: Ang Makabagong PilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon