Maria's New House
11:00 pm
Nakadapa si Maria sa kama niya habang may ka-skype.
"Sorry kung kailangan kong hatiin ang Alexandrite ah, tsaka may bago na pala akong bahay kakakuha ko lang," sabi ni Maria sa kausap niya.
Napangiti naman ang babae na nkausap niya through video call.
"Ano ka ba? Okay lang yun, hindi naman ikaw ang humati nun pinaghiwalay mo lang. Hati na yung dati ni Papa di ba?" sagot ng babae. "Binigay mo lang sakin ang part ko. Gusto ko ngang magsorry sayo kasi inabala pa kita sa pagbabantay nun. Wow ha may bahay ka na talaga? Congrats"
Napakamot naman si Maria sa ulo niya.
"Ano ka ba, Ate, tungkulin kong alagaan ka! Nagpromise ako kila Papa at Mama," sabi ni Maria.
"At kailan pa naging obligasyon ng bunso na alagaan ang panganay?" tanong nito at tila nalungkot ang itsura. "Nagsisisi nga ako kung bakit pa ako naging ganito. Pakiramdam ko ngiging pabigat ako sayo."
"Eto na naman ba tayo Ate? Hindi ka naman pabigat. Sadyang ganyan lang talaga ang katawan mo," pagpapaliwanag ni Maria dito. "Kamusta na nga pala yung manliligaw mo?"
Agad namang napangiti ang kausap ni Maria ng marinig nito ang pagbanggit ni Maria sa manliligaw.
"Sinagot ko na siya, kami na," pagbabalita ng Ate niya.
"Ate ha dalawang taon na yang manliligaw mo pero di ko pa din nakikilala yan. Ngayon kayo na, baka naman gusto mo nang ipakilala yan sakin?" sabi naman ni Maria na nanunudyo ang ngiti. "Tutal umaga naman dyan, mga ten pa lang ng umaga dyan diba? Bakit di mo siya papuntahin maghihintay ako."
"Eh di ba may pasok ka pa bukas? Tsaka 11 na dyan ah," sabi ng Ate niya. "Wag mong sabihing aabsent ka naku hindi pwede yan baka magliwaliw ang mga estudyante mo!"
Muntik ng mabilaukan si Maria sa sinabi Ate niya.
"Ate naman e iniiba mo yung usapan, tsaka college na ang tinuturuan ko, kaya na nila yun simpleng Thesis lang naman yung gagawin nila," sagot ni Maria. "Sige Ate matutulog na ako."
"Aba! Sister mag uusap pa tayo tungkol sa bahay mo," sabi ng Ate niya. "Bakit lumipat ka na naman at saka bahay mo na talaga yan?"
"Okay. Kasi naman naiiinis ako dun sa landlady ko masyado siyang pasaway," sagot ni Maria. "Sige na Ate! Matutulog na ko!!"
"Nakuuuu! sige na ! Babye!" sabi ng Ate niya at pinatay na ang tawag.
Pag kapatay na pagkapatay ng tawag ay agad siyang tumihaya.
"Ang sinungaling ko talagang kapatid," sabi ni Maria. "Di ko man lang masabi na mag-lilimang taon na ako sa serbisyo."
Napbuntong hininga na lang siya.
Biglang may kumatok sa pintuan niya.
*TOK! TOK! TOK!*
Napabaliwas siya ng upo at napatingin sa digital clock na nasa bedside table niya.
"Eleven na may mang iistorbo pa?" sabi niya at tumingin sa pinto ng apartment niya.
Walang kahit anong walls ang bahay ni Maria dahil ayaw niyang may hindi siya nakikita pag nasa isang parte siya ng bahay.
Ang banyo lang ata niya ang may harang pero frosted glass pa ito at walang kurtina sa loob.
BINABASA MO ANG
Agent Maria Clara: Ang Makabagong Pilipina
RomansaMaria Clara. Pangalang angkop sa isang mahinhin na dalaga. Isang tunay na kakaibig-ibig na dalaga. Masasabaing tunay na pilipina. Pero?!? Maria Clara na nakikipagkarerahan sa mga pulis. Mali ata! Peace! Makaluma na pala iyon! Si Maria Clara ang Mak...