Chap6 - Confrontation.

227 13 3
                                    

Kagaya ng ipinangako ko sa sainyo. Eto na po yung Update ko.

This is quite long. Medyo sinipag kasi si author nyo. Hahaha.

Nga pala. Binago ko yung Description ng Being Pretenders. Parang korni kasi yung dati. Check nyo nalang kung di nyo pa napansin.

Ge. Enjoy :)

CHAPTER 6

Confrontation       

FRAN’S POV

Lumapit na sa amin sila Maxene, Sara, Aimee, at ate Loraine.

Hawak padin ni LA yung kamay ko. Nakatitig padin kami sa isa’t isa. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. I don’t have any idea why.

*tugdug..tugdug*

“What happened? Bakit umalis si Xander?”

Agad kong hinila ang kamay ko. Ayokong makita ni Maxene na magkawak kami ng kamay ni LA. Baka kung ano pa ang isipin niya.

“Wala yun. Tinopak na naman siguro.”

Ayoko nang pahabain pa yung istorya. At tsaka, hindi ko naman talaga alam ang tunay na dahilan kung bakit ang init ng dugo niya kay LA. Kaya di ko rin alam kung ano ang ieexplain sakanila.

“Guys, una na ko ha.”

Actually, nawala na ko sa mood after what happened. Di ko alam kung bakit. Pero masyado lang siguro kong affected.

Kailangan ko munang kausapin si Xander. Alam kong galit yun sakin kasi si LA yung kinampihan ko. Pero syempre ginawa ko lang naman kung alin ang sa tingin kong tama. It’s his fault why LA did that.

Pero grabe rin naman kasi si LA. Inagaw lang ni Xander yung bola galit na agad?

Waah. Pareho sila. Magsama silang dalawa. They don’t even have sportsmanship.

“Sabay nalang tayo.”

Oo nga pala. Pareho lang pala kami ng tinitirhang village ni Maxene. In fact, lima talaga kaming nakatira in the same village: ako, Amber, Xander, Maxene at LA.

Minsan nagkakasabay kaming lima umuwi, pero bihira lang talaga yun. May kanya-kanyang buhay kasi kaming lima. You know what I mean? Basta.

Kaya si Amber lang yung kasabay ko pumasok at umuwi. Kami lang kasi yung walang extra-curricular activities.

“Sige Max.”

“C’mon LA. Lezz go home.”

Don’t tell me kasabay din namin si LA umuwi. OMG. Di pa ko ready harapin siya. For sure ang awkward ng atmosphere pauwi.

Hope not.

----------------------------

Nagcommute lang kami pauwi. Di kasi kami nagkokotse pag pumapasok. We want to experience normal living. Pagdating namin dito sa gate ng village, naglakad nalang kami papasok. Di naman kasi uso trike dito. Puro may kotse kasi lahat ng villagers kaya wala kang makikitang public vehicle na paikot-ikot.

Simula pa kanina sa jeep, wala pa talaga ni isa sa amin ni LA ang nagsasalita. Sabi ko na nga ba eh. Ang awkward talaga. Gusto ko nang makarating ng bahay ko. Bakit ba kasi ang layo.

Ganito ang setup ng mga bahay namin dito sa village. Si Maxene ang pinakamalapit sa village gate. Next naman ay yung samin ni Amber. Actually, Amber and I were really neighbors. As in neighbors talaga. Kaya nga sabay kami pumapasok eh.

Tapos yung bahay naman ni Xander ay 5 blocks away from ours. Kahit malapit lang yung bahay ni Xander samin, never pa kami nagkasabay pumasok. I know maaga sya pumapasok pero mas nauuna kong dumating sa school. No doubt, sinusundo nya pa si Angel.

Being PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon