Chap11 - Let the battle begin.

225 13 6
                                    

CHAPTER 11

Let the battle begin       

XANDER’S POV

Leche naman oh. Ayaw na ayaw ko pa naman pag may graded recitation.

Kahit matalino ko, nakakatamad padin kayang mag-isip.

At tsaka college students na kaya kami. Pang HS at elem lang yan uso eh.

Ewan ko ba dito sa prof kong to. Ang hilig hilig magparecitation. Eh kung upakan ko kaya to. Hahaha. Joke lang.

Oo nga pala, naintindihan kaya ni Patricia yung tinuro ko sakanya kagabi? Sana naman. Lagot sya sakin pag di sya makasagot mamaya. Oh well, ako ata ang tutor nya so sure akong makakasagot yun. Hahaha.

“Mr. Francisco, please solve the problem on the board.”

Sana di nya masagot. Para mapahiya sya. *evil smile*

Feeling matalino tong tingting na to eh. Akala mo kung sino umasta. Sabagay matalino naman sya. Pero pwera yabang, mas matalino ko. *grin*

“Very good Mr. Francisco.”

Very good? Anong very good dun? Kahit nga kinder masasagutan yun.

Eh kung bigyan ko kaya sya ng mas mahirap na tanong. Masagutan kaya nya? Asa pa sya boy.

Pabalik na si LA sa upuan nya ng kinausap sya ni Patricia.

“Ang galing mo naman LA.”

Sh*t. Pati ba tong si Patricia napahanga nya?

Ano bang meron tong payatot na tingting na to at lahat ng tao napapahanga nya?

Eh mas matalino naman ako?

Leader pa ng SDC(Skrymix Dance Crew).

E-in-Chief pa ng School Pub namin.

Gwapo pa.

Habulin pa ng chicks.

Ano pang hahanapin mo?

Pero bakit si LA laging pinapansin ng Panget ko?

Panget ko talaga?

Hahahaha. Shemay naman oh. Di ko sya type ha. Mahilig lang talaga ko magpapansin sa tao. Di sa lahat ng tao ha. Kay Patricia lang. Kasi nga bestfriend ko sya. Eh baka mamaya di nya na ko pansinin pag ano… Pag ano..

Haaaay. Ang labo ko.

Kinalabit ko si Patricia.

“Hoy ngangabu. Wag mo nga kausapin yung tingting na yun.”

“Bakit?” Nagtataka sya kung bakit? Nagseselos lang naman po ko.

Selos? Uso pala yun sakin? Di ha. Di ako nagseselos.

“Gsh. Basta =_=”

Ang dami-dami pang sinasabi. Mga babae nga naman.

Bago pa ko mamatay sa selos..teka, mamatay talaga? At tsaka di nga ko nagseselos ang kulit.

So bago pa ko mama—EWAN! Tinawag na ko ng prof namin.

“Mr. Sanchez. It’s your turn.”

Gsh. Sisiw lang yan.

Sagot.

Sagot.

Sagot.

Recitation ba tawag dun?

Di man lang ako pinawisan. Gsh.

“Very good Mr. Sanchez.”

Tama lang na ma-Very good ako. Hahahaha.

Being PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon